Previous Page of 15Next Page

AVAH FOREVER MALDITA [BOOK 2] Ongoing

Dedicated to
NagtatagongDyosa
spinner.gif

SPECIAL CHAPTER (PART 1) : AVAH CHEN’S PANGMAYAMANG BITCHDAY PARTY

 

Kapag birthday ba kailangan naka-red? Kung ganon…mag-bla-black ako! Ok na sakin ang isang v-neck body hugging casual dress. Hindi ko na kailangan pang mag-gown, dahil unang-una…hindi ko naman debut! Pangalawa, kahit anong isuot ko, nag-s-stand out ako, so why bother? And lastly, ayoko talagang mag-party.

Bakit? Nagiging busy ako nang walang bayad!

Bakit pa kasi ako pumayag sa pakulo ni Neo na birthday party na yan? At ang dami pang inimbita. Busy din ang cellphone, facebook at twitter ko dahil sa dami ng gustong bumati sakin at makasama sa pangmayamang birthday ko. Grabe!

Hindi naman ako artista pero ang dami kong fans! Why?

Well, hindi ko naman sila masisisi. Aba? Napaka-swerte nila para makasama ang isang dyosa ng kamalditahan na tulad ko.

“Di ka pa ba lalabas?”

Napatigil ako sa pagmo-monologue noong biglang pumasok si Avy sa kwarto ko. Mula sa kama ko kung saan ako nakahiga, tinignan ko lang sya habang papalapit sakin. Tumayo sya sa gilid ng kama ko at nag-cross arms.

“Ano ba Avah? Ang dami na kayang naghihintay sayo sa Hotel. Tumayo ka na dyan.” Sabi nya sakin.

Kanina pa ako nakabihis pero hindi pa din ako tumatayo. Sa Hotel nina Neo gaganapin ang party ko. Tumanggi ako noong sinabi nilang dito sa mansion ko gawin. Ayoko nga, kawawa ang mansion ko sa iiwan nilang kalat.

“I-proxy mo na lang ako.” sagot ko.

“Proxy? Avah, hindi ka magni-ninang sa kasal o binyag. You’re going to attend your birthday party!” sabi pa nya.

“So?” mataray na sagot ko at tumagilid para di sya makita.

At ang bruha, pumunta sa kabilang side ng kama ko para makaharap ulit ako.

“So? Kailangan mong umattend! Grabe, mahiya ka naman sa mga bisita mo no. Nag-effort sila tapos di ka pupunta? Pati yung mga friends mo at si Neo.” Panenermon pa nya.

“Ako pa dapat ang mahiya? Diba dapat sila ang mahiya sakin dahil sasayangin nila ang oras ko at inilibre ko pa sila ng dinner – may dessert pa!” sagot ko at tumagilid ulit para di sya makita.

And again, pumunta ulit sya sa kabilang side.

“Dali na kasi Avs, bumangon ka na dyan. Hello? Aren’t you excited to open your giftssssss?” ngiting ngiting sabi nya prolonging the S.

Akala naman nya makukuha nya ako sa mga ganun. Sus!

“Ano ba? Avs, Avs ka pang nalalaman dyan! Ang ikli na nga ng pangalan ko tinatamad ka pa. Tss! Saka kung 8 years old ako, matutuwa at ma-eexcite ako sa mga giftsssss na yan. Pwede ba? For sure naman lahat ng ireregalo nila sakin kaya kong bilhin.” Pagtataray ko.

Tinalikuran ko ulit sya, at sa pangatlong pag-kakataon pumunta ulit sya sa kabilang side ng kama para makaharap ako.

Previous Page of 15Next Page

Comments & Reviews (882)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

SPECIAL CHAPTER (PART 1) : AVAH CHEN'S PANGMAYAMANG BITCHDAY PARTY

Who's Reading

Recommended