Chapter Twelve

942K 19.1K 2.9K
                                    


 KIRA took a long, deep breath as she step out of her car. Dalawang araw na paghahanda ang kinailangan niya para harapin ulit ang dalawang taong bumasag sa puso niya. She need to fix herself first bago kausapin ang mga ito.

 Nagpunta siya kahapon sa parlor para magpaguhit at magpaayos ng buhok. Sabi nila, kapag ang isang babae ay brokenhearted ang unang pumapasok sa isip nila ay magkaroon ng new look. At napatunayan niyang tama iyon. Sinigurado ni Kira na hindi siya magmumukhang kaawa-awa kahit na ang totoo ay siya naman talaga ang sinaktan.

 Kumatok siya sa pinto ng apartment ni Amy. Mga ilang saglit pa ay bumukas iyon at bumungad ang "ahas". Lumarawan agad ang takot at tensyon sa mukha ng babae. "K-Kira."

 Matamis na ngumiti siya sa babae. "Hi, Amy. Puwede ba'ng pumasok?"

 Tila mas lalong natakot ang babae sa ngiti niya. Kita niya sa mukha nito ang pagdadalawang-isip kung papasukin ba siya o hindi. "W-Wala naman dito si Jiro, eh."

 "Oh. Hindi naman siya ang ipinunta ko dito, dear. Kung siya lang ang hanap ko, di sana dumiretso na ako sa opisina niya o kaya sa condo niya, di ba?"

 Napalunok ito. "Oo nga pala. S-sige, pasok ka."

Niluwangan nito ang pinto at pinapasok siya. Parang senyorita na umupo siya sa couch nito. "Last time na pumunta ako dito naiwanan ko 'yong cellphone ko. Puwede ko bang makuha?"

 "Oo naman. Sandali lang." Pumasok ito sa kuwarto nito at pagbalik ay dala na nito ang cellphone niya. Inabot niya iyon. Mabuti na lamang at hindi nabasag ang screen niyon. May unting gasgas lang.

 "Iyan lang ba ang ipinunta mo dito, Kira?"

Umangat ang tingin niya kay Amy. Wala na ang pekeng matamis na ngiti niya sa labi. "Hindi. Sa tingin mo ba pupunta pa ako dito kung itong cellphone lang ang gusto kong makuha? Ofcourse not. Kaya kong bumili ng mas mahal pa dito."

 "K-Kung ganoon.. Ano ba ang ipinunta mo? Kung aawayin mo ulit ako, please huwag na Kira. Buntis ako. Hindi makakabuti para sa akin kung---"

 "Hindi ko tinatanong kung buntis kang gaga ka. Wala akong pakialam sa dinadala mo kahit duguin ka pa dito. Karma mo na siguro 'yon kapag nangyari 'yon." Tumayo siya at nilapitan ito. Pinag-aralan niya ang mukha nito at napagtanto niya na sa una pa lang ay di na dapat siya nagtiwala ito. Arko pa lang ng kilay nito ay nagsusumigaw na ng kalandian.

 "Look, Kira. Alam kong nasaktan ka sa nalaman. Pero hindi namin sinasadya 'yon, Jiro. Hindi naman sinasadya na mahulog sa isa't isa habang may relasyon pa kayo."

 "You don't need to explain, Amy. Hindi ko hinihingi ang rason mo. Nandito lang ako para tingnan ang kung gaano ka kasaya."

 Napatanga ito.

 "Naagaw mo na sa akin si Jiro. Ibinibigay ko siya sa 'yo ngayon. I just realized hindi lang naman siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Kung gaganti ako sa inyong dalawa, magiging senyales lang 'yon na isa akong mahinang tao. At hindi na ako si Shakira kung magiging mahina ako." Humugot siya ng hininga. "I just hope you will be happy now. Kasi alam mo, Amy.. Hindi habambuhay ang kaligayahan ng isang taong kinailangan na manakit ng kapwa niya para lang makuha ang gusto niya."

 Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Amy sa sinabi niya.

 "Pero huwag ka muna mag-alala ngayon. I-enjoy mo lang ang happiness na 'yan habang nasa iyo pa."

 Lumabas na siya sa apartment nito at sumakay sa kotse niya. Nakasalubong pa niya ang kotse ni Jiro sa daan. Hindi niya alam kung bakit napangisi siya. Siguro dahil alam niya na nakita siya ng lalaki. Malamang nag-aalala na ito para kay Amy.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon