Kabanata 10

5.3K 133 11
                                    

Kabanata 10

Late


Kahapon hiniram ko ang phone ni ate Jam para may pang-alarm ako. Tinabi ko pa ito sa aking ulunan para lang magising ako ng alas kwatro ng umaga para sa 1st shoot na gagawin namin. Pero kinamalas-malasan, nagising ako ng ala sais. Napasigaw ako at binato ako ni ate Jam ng unan sa mukha.

"HALA!" I screamed.

"Janella! Please! Kakauwi ko lang. H'wag ka ng sumigaw!" Tinakpan ni ate ang mukha niya ng unan habang ako, naaligaga sa pagtayo.

Nagising ako ng 6 pero 6 ng umaga ang shoot.

"Models? Are we clear about the tomorrow's plan? I am punctual. The Velez team is punctual. Late model will be terminated. Nasa kontrata 'yon. Malinaw ba?"

Pakiramdam ko na drain ako nang ume-echo ang boses ni Conrad sa akin. Tuluyang nanuyot ang aking lalamunan. Ni isang salita wala akong masabi kaya sumisigaw ako sa loob ko. Napasabunot pa ako ng aking buhok. Naiiyak na ako sa nangyayari sa akin.

Baka...baka totohanin ni Conrad 'yon! Oh my God!

"Kumilos ka na kaya kaysa tumunganga ka lang dyan! Dalian mo na!" sigaw ni ate.

Napatalon ako at dali-daling kinuha ang twalya at ang damit na susuotin ko ngayon. Bahala na! Bahala na kung anong sabihin ni Conrad! Bahala na! Friends naman kami non! O ako lang ang nagsasabing magkaibigan kami dahil sa sikretong alam ko sa kanya? Bahala na!

**

"Samahan mo na 'ko, ate." Kagat-kagat ko ang panloob kong pisngi habang nagmamakaawa kay ate Jam na samahan at sabayan ako sa paglakad sa lugar kung saan gaganapin 'yong shoot. Ngunit kahit anong sabihin ko, ayaw ni ate. Halos luhuran ko na siya para lang pumayag ngunit wala pa rin.

"Nella, may project ako sa Ortigas ngayong 10. Anong oras na? 8 na! You better go! C'mon!" Ate Jam shoo me. "C'mon Janella Fall! Mas lalong magagalit 'yang si Conrad kung tatlong oras kang late!" Umirap si ate at hindi na ako nakapagsalita pa dahil pinatakbo na niya ang kotse. Napatitig na lang ako at napasimangot habang pinagmamasdan paalis 'yong kotse ni ate.

Ano ng gagawin ko?

Kagat-kagat ko na ang panloob kong pisngi habang nakabusangot at pinagmamasdan ang paligid. Nasa Intramuros na ako at sa isang banda nito, nandoon si Conrad na maaring umuusok na ang ilong sa sobrang galit. Ihahanda ko na lang siguro ang tenga ko? At saka hindi naman niya siguro ako paalisin sa EVAF dahil sa sikretong alam ko sa kanya.

Patuloy akong naglakad hanggang sa napansin ang kumpulan ng tao sa tapat ng...ano...'to? Nakita ko na 'to minsan sa internet noong minsang may assignment akong ipapasa dati. Naniningkit ang aking mata habang tumitingala at aalalahanin ang lugar na 'to. May tent ding nakatayo sa tabi nito.

"Fort Santiago!" sigaw ko.

"And Ms. Janella Ortega, you're goddamn late, aren't you?" Nanindig balahibo ako sa boses na narinig ko sa aking likod. Hindi ko alam kung mukha ba akong robot na unti-unting humaharap sa boses na 'yon. "Two damn hours and more late?" ani Conrad pagkaharap ko.

Napalunok ako.

Tinignan ko si Conrad mula ulo hanggang paa. He's wearing a denim jacket and white shirt inside. Nakapants itong itim at high-top shoes. Sinuklay niya ang itim niyang buhok at parang gigil na gigil sa akin sa sobrang inis. O God.

"Hindi mo naintindihan 'yong sinabi ko kahapon, ha, Miss Janella?"

I gulp, "Naintindihan," ani ko. "Models? Are we clear about the tomorrow's plan? I am punctual. The Velez team is punctual. Late model will be terminated. Nasa kontrata 'yon. Malinaw ba?" I mimic his voice.

Napapikit ng mariin si Conrad sa akin at napangiwi naman ako dahil lalo yata siyang nanggigil sa akin.

"Sorry na! Hindi kasi um-alarm 'yong phone e! Sorry na! Hindi ko talaga narinig! At saka," I gulp again. Lumapit ako sa kanyang tenga at naistatwa naman si Conrad. "Remember, the secret? Hindi mo 'ko pwedeng i-terminate," bulong ko.

Agad akong lumayo at napalagay ng kamay sa likod. Ngiting-ngiti akong humarap kay Conrad na nakaawang ang bibig sa gulat sa sinabi ko sa kanya. I saw his Adam's apple bobbing up and down. Nag-iigting ang panga niya sa gigil.

"Damn. It." He swears under his breath. Matalim niya akong tinitigan at nagsalita, "I need you to get dress in 5 minutes.  5 minutes, Miss Janella." He said in gritted teeth.

Walang kurap akong nagtatakbo sa tent at hinanap si Marco.

**

Ilang beses akong lumunok bago pumasok sa aking isipan ang suot ko ngayon.

"OMG! This is the real western beauty!" tili ni Marco. "Tamang-tama ka lang talaga dito, Janella! OMG!"

The top is corset and 'yong skirt ay pinagsamang short skirt sa harap habang long skirt sa likod. Nakaayos pa ang aking buhok sa isang bun. At may kung ano pa sa aking buhok na kumikinang. Iyong make-up artist ng Velez team ay magaling din. Sobra. My lips are red. At define-define ang features ng mukha ko sa ginawa nilang ayos.

"Wow," I said in awe. "Wow."

"C'mon, let's get outside." Inakay na 'ko palabas ng tent ni Marco. 'Yong ibang models kasi tapos na sa individual shot  nila kaya ako na lang 'yong kulang. At saka 'yong group pa na ako na lang din ang hinihintay.

Kumakabog ang aking dibdib sa bawat hakbang na ginagawa ko. Napapikit pa ako sa sinag ng araw nang makalabas kami at hindi ko inaasahan 'yong pagdilim nito. Napabukas kaagad ako ng mata at unti-unti napaawang ang aking bibig. Taas ang dalawang kilay niyang nakatitig sa akin.

"Conrad," I breathed.

"Miss Janella," he said, "Your 5 minutes is over." Igting ang kanyang pangang nanggigil kung saan. Kinuha niya ang aking kamay at nagpadala ako sa akay niyang hindi ko inaasahan. Tinitignan ko lang 'yong kamay niyang nakahawak sa akin. My breathing is not normal anymore. My heart beat is so weird. My stomach aches. O God, I'm sick.

"Wow, princess, you really look like a princess right now." ani ng isang boses sa aking likod. Agad na binatawan ni Conrad ang kamay ko. Humarap ako sa taong nagsalita. "And I'm gonna be your prince," Newt added. He is breathtakingly beautiful. Hindi ko magawang makalunok sa ayos niya ngayon. Lalo ng sa ngising binigay niya sa akin pagkayuko. Ayos na ayos ang kanyang buhok sa isang gawi. Suot niya ang isang dark blue coat na nagdedefine ng kanyang balikat. He is wearing light brown trousers. And high top shoes.

"Para ka ngang prinsipe, Newt," ani ko.

"Really?" He said in excitement.

Tumango ako sa kanya ng ilang beses.

"Damn, dalawa na kayong late tapos nakuha niyo pang makipaglandian sa isa't isa," sabat ni Conrad na nakatalikod sa amin ni Newt. His back is tensed. Tumingin siya over his shoulder at nagsalita muli, "Goddamn it, you two. We should start now. Now!" Nanlalaki ang kanyang magagandang matang tumititig sa akin. "NOW!" sigaw niya at napatalon ako sa gulat.

Sungit naman. Hindi ko naman inaagaw si Newt.


Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon