Challenge # 5

114K 4.1K 547
                                    

"Bakit hindi mo na lang sila kausapin? Look at your sister. Parang tanga na siya na halos araw-araw kang pinupuntahan ka dito sa bahay mo hindi mo naman kinausap."

Pareho kami ni Ido na nakadungaw sa labas ng bintana ko. Naroon na naman ang kotse ni Hera Vejar. Wala naman siya sa labas, nasa loob siya ng sasakyan niya but knowing that she's there makes me want to ask her what the hell she wants?

Tahimik na ang buhay ko. Hindi ko sila kailangan. I never asked anything from their family kahit na gustong-gusto ko noon. Isang beses lang akong nagtangkang lumapit sa kanila at wala pang nangyari. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ngayon ay hindi nila maibigay sa akin ang katahimikan na gusto ko. Mahirap bang intindihan na ayoko ng kahit na anong may kinalaman sa kanila?

Bakit ba kailangan araw-araw siyang magpunta dito? Wala akong sasabihin sa kanya at alam ko na kaagad kung ano ang ipinunta niya dito. Alam kong naghahanap siya nang kasagutan pero hindi ko iyon ibibigay sa kanya. Somehow, I know that Hera will figure it out. She was almost there but she missed something. She was too advanced.

"Bakit hindi mo pa labasin at sabihin sa kanya na ayaw mo siyang makita, Azul. Tapatin mo o baka naman natutuwa ka na nakikita siya diyan habang naghinhintay sa'yo. Maybe in your heart you like them chasing you."

Tiningnan ko si Ido tapos ay sinuntok ko siya sa balikat.

"Sama ka nang sama kay King David, nababading ka na." Nayayamot ako. Tumalikod ako at kinuha ang baril ko. Ni hindi na ako nag-abalang magsuot pa ng tshirt. Lumabas ako ng bahay na tanging pantalon lang ang suot. Dumiretso ako sa kotse ni Hera Vejar hindi ko naman kinailangang kumatok pa o tawagin siya. Bigla siyang lumabas ng sasakyan and she gracefully walked towards me. Itinutok ko naman ang baril ko sa kanya but damn ---maybe it was because of Lukas Consunji's blood in her veins, she didn't even blinked. Pinamaywangan niya pa ako tapos ay huminto siya sa harapan ko.

"Are you gonna shoot me?" Tanong niya pa. "Come on, shoot me! I'm ready to die in my Armani and Versace." Napailing pa siya saka ngumiti. "Alam kong hindi mo ako sasaktan."

"Are you sure?" I asked her.

"Yes. I am after all Apollo Consunji's daughter and according to my observation mahal mo si Mama kaya hindi mo ako sasaktan. You will never hurt me bacause I am her daughter." Confident na wika niya. Ibinaba ko ang baril ko at tumalikod na. Wala akong panahon sa ganito. Ayoko ng komprontasyon at lalong ayokong malaman nila ang tungkol sa akin.

Buong buhay ko ay hindi ko sila kinailangan ag kahit ano pang magbago ay hindi ko sila kakailanganin. I was about to walk away when she spoke again.

"Just tell me who you are! It creeps me out na nagkaroon kayo ng relasyon ng mama ko! That once upon a time my mother wasn't faithful to my father and that makes me want to cry my heart out! Pakiramdam ko, hindi ko na kilala ang mama ko --- na napakaraming bagay ang hindi niya sinasabi sa akin but there you are and you can give me the answers I want but you choose not to tell me! Don't make me hate my mom!"

Hinarap ko siyang muli at nilapitan. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at hinapit siya palapit sa akin. I gritted my teeth and spoke.

"I never asked anything from your family. Hindi ko kayo ginulo o nilapitan man lang, kaya kung ako sa'yo, umalis ka na at huwag na huwag mo na akong guguluhin pa kung ayaw mong mawala ang dugo ng pamilyang iniingatan mo, Hera Vejar. Sisiguraduhin ko na papatak ang kahuli-hulihang dugo ng pinakabatang miyembro ng pamilya mo."

Nakita kong nawalan ng kulay ang kanyang mukha. A tear rolled down her eyes. Her mouth fell. Gusto kong matawa. Hera looked vulnerable now. Sa ganoong posisyon kami natagpuan ng mga kapatid at ng asawa niya. Binitiwan ko si Hera at tumakbo siya kay Hades. Narinig ko naman ang pag-iyak niya.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon