Chapter 43: The Fighter's battle

1.6M 41K 10.5K
                                    

Charles's Point of View


"KAMUSTA NA, PAPA?"

Inilagay ko sa puntod niya ang bulaklak na dala ko. Naisipan ko munang dumalaw dito bago ako pumunta sa airport. Matagal ko nang hindi nadadalaw si Papa. Gusto ko siyang kausapin. Kapag nandito ako at kausap ko siya, kumakalma ako. Lately medyo stressed na ako.

Tatlong buwan na simula no'ng manganak si Serina kay Kiro no'ng gabi ng kasal ni Marky at Sabrina. Pareho kaming tumutok kay Kiro at Skie, kaya tumigil muna ako sa pagpunta sa office at nanatili ako sa bahay, habang si Serina naman inaasikaso ang business ng family nila na eventually ibibigay na sa kaniya ng parents niya. Si Mama na muna ang nagha-handle ng business namin. Gusto na rin daw niya 'yon para may ginagawa siya kahit papano.

"Alam mo, Pa? Nakikita ko 'yong sarili ko kay Skie. Tuwang tuwa siya kay Kiro at simula no'ng nanganak si Serina, kaming dalawa na ang nagbabantay sa kapatid niya. Parang ako lang dati, no'ng pinanganak ni Mama si Candice. Tandem tayong dalawa sa pagbantay kay Candice. Ang bilis nga naman lumipas ng panahon. Ngayon may mga sarili na rin kaming anak."

Napangiti na lang ako no'ng maalala ko ang pangyayaring 'yon. Sobrang saya ko no'n dahil after four years magkakaroon na ako ng kapatid at kalaro. Palagi pa kaming walang tulog ni Papa no'n sa pagbatay kay Candice. Nang panahon kasing 'yon, hindi pa tapos mag-aral si Mama kaya habang tinatapos ni Mama ang kurso niya, kami naman ni Papa ang nagbabantay kay Candice. Palagi niyang sinasabi sa akin na matulog na ako dahil bata pa ako at masama ang magpuyat at siya na ang magbabantay kay Candice, pero nakikita ko sa mata niya ang pagod kaya sinasabayan ko siya sa pagpupuyat at pagpapagod. Ang sarap balikan ng mga alaala na 'yon.

"Si Mama nga pala, mukhang she's seeing someone. After all, wala naman akong angal kung makipagdate siya ulit. I know she deserves to love and to be loved again. Kailangan nga lang pumasa sa 'kin no'ng lalaking 'yon. Kailangan kasing gwapo at kasing bait mo siya. Basta Papa, kapag hindi siya okay, bigyan mo agad ako ng sign."

Napangiti ako no'ng maisip ko ang itsura ni Papa kung sakaling nandito siya. Panigurado kukunot ang noo niya. Kahit naman hindi niya aminin sa 'kin, may konti pa rin siyang pagmamahal kay Mama. Kahit na hindi sila nagkatuluyan sa huli, I know they loved each other so much. Alam ko 'yon. Nakita ko 'yon no'ng bata ako.

"Masarap pala talaga maging ama, Pa. Tingnan ko pa lang 'yong dalawang anak ko, tuwang tuwa na ako. Para bang lahat ng pagod ko nawawala. Hindi ko lang alam kung effective ba akong ama para kay Skie at Kiro. Basta palagi ko lang tatandaan 'yong mga pangaral mo sa 'kin dati."

Lahat ng memories unti-unting bumabalik. I can say that not all of my memories with him are bad.

"Panigurado ako, matutuwa ka sa mga apo mo. Si Skie, apat taon na siya at si Dwayne naman, isang taon na. Si Kiro naman, tatlong buwan na. Siyempre may dugong Gonzales sila kaya gwapo sila, katulad mo at katulad ko. Sana nga lang Pa, nandito ka para mas masaya kami, pero alam ko naman na masaya ka na diyan, kasama ang Diyos."

Natigilan ako. Hindi ko naiswang maisip ang nakaraan. Hindi ko napigilan na maiyak. Naisip ko na sana, hindi naghiwalay si Mama at si Papa noon at sana mas matagal na panahon pa namin siyang nakasama at baka buhay pa siya at mas masaya kami ngayon, pero alam ko may dahilan kung bakit nangyari 'yon.

"Pa, proud ka ba sa 'kin? Tingin mo ba, naalagaan at nabantayan ko nang mabuti si Mama at Candice? Alam ko hindi kita mapapantayan kahit nagawa mo kaming iwan noon, alam ko hindi ko mapapantayan ang pagmamahal mo sa amin noon."

Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Sabi nga ni Papa simula no'ng umalis siya, ayaw na ayaw niya kaming nakikita na umiiyak. Sabi sa 'kin ni Mary, 'yong pangalawa niyang asawa, walang gabi raw na hindi kami naisip ni Papa. All along akala namin ni Candice, wala na kaming halaga para sa kaniya. Hindi ko naiwasan na makaramdam ng guilt lalo na ngayong tatay na rin ako. Ang magulang hindi kayang tiisin ang anak, pero ang anak kayang tiisin ang magulang nila.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon