8: First Section

325K 5.3K 271
                                    

Grabe na talaga ang katamaran ko sa pagsusulat dito. Biruin mo, magti-third year na ako! Anak ng! Lagpas two years na saakin ang journal na ‘to pero pang 8th entry pa lang ito! Halos napuno na nga ito ng alikabok sa drawer ko nang maisipan kong buklatin at sulatan ulit.

Anyway, guess what? Nagpunta kami sa school kanina para mag-enroll na nga. At laking gulat ko when finally mapupunta na ako sa first section.

FIRST SECTION!!! Oha! Natupad ko ang goal ko!!!

Good bye sa mga luma kong kaklase na ang usapan lang ay puro lovelife! Anong ginawa ng lovelife sa pag-aaral? E ‘di wala! Hwahahaha!

PS. May nakasabay rin akong mag-enroll kanina. Panay ang tingin niya saakin. Ang ganda ko kasi. Joke! Babae siya, mas maganda saakin. Mukhang magiging magkaklase yata kami.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon