Challenge # 4

131K 4K 660
                                    

"Tapos anong nangyari? Nagkaiyakan na ba kayo ng tatay mong gago din na tulad mo o naiyak ka tapos sabi niya come to daddy!"

Sa inis ko ay inginudngod ko sa coffee table si Axel John. Matapos ang bakbakan ay umuwi kami ni Ido sa bahay ni King David kung saan naroon na naman ang lahat. Ido just laughed. Ganoon lang naman siya palagi niyang tinatawanan ang buhay na para bang biro lang ito sa kanya. Ang nakakatawa, kahit na gaano katapang at kawalang pakialam si Ido pagdating sa kapatid nitong babae ay nawawala ang pagiging poker faced niya. Tulad ko ay may galit siya sa Consunji dahil sa nangyari sa kapatid niya noon sa kamay ng isa sa mga ito. I just shook my head. Wala akong pakialam sa sasabihin ng pamilyang iyon. Matagal na akong nabubuhay nang wala sila sa mundo ko at hindi kahit kailan magbabago iyon.

Noong fourteen ako, sinama ko si Judas sa bahay na iyon. Curious kasi ako sa kung anong hitsura ng tatay ko, nakita ko siya sa garden at kasama niya ang dalawang anak niyang lalaki. That was the first time I saw him and he looked a lot like the father I had always wanted but never got. Mula noon kinumbinsi ko ang sarili ko na hindi ko siya kailangan at hindi ako tutulad sa mga anak niya na kinakailangan siya sa buhay at nagawa ko. Nandito ako ngayon at nabuhay ng tatlumpu at tatlong taon na hindi siya hinahanap o kinakailangan.

Kinuha ko ang bote ng alak na iinumin sana ni Judas - umalma siya pero hindi na rin kumibo. Nasa ganoong ayos kaming lahat nang pumasok si Arruba sa pinto kasunod ang babaeng kinuha ko sa kung saan kanina, itinali at kinalimutan - si Leira Sarmiento.

"Simoun Paul! Why did you kidnapped this girl? You tied her up in your car and you just forgot about her?!" She was mad. Hindi ako nakakibo. Inalis na niya ang duct tape na inilagay ko sa babaeng iyon kanina. Hindi na ako nagsalita. Alam kong kung anuman ang sabihin ko ay ikagagalit lamang ni Arruba kaya hindi na ako nagtangkang magpaliwanag. Inirapan niya ako tapos ay kinuha ang kamay ng babaeng kindinap ko nga. Umakyat sila sa itaas. Hindi ko alam kung anong gagawin nila doon. Wala naman akong pakialam sa babaeng iyon. Kahit ano pang mangyari, mas may pakialam pa rin ako kay Arruba at sa nararamdaman niya.

Mahal ko siya. Hanggang ngayon ay siya pa rin. I couldn't even put to words how is it even possible for a man like me to love Arruba to this extent. I love her silently and it kills me to see that David could hold her that way. Sometimes, I wanna shoot David's hand so he will never have the chance to hold her again. Kung hindi ko lang itinuturing na kapatid si King David ay matagal na siyang nakalibing.

Naghanap ako ng tamihik na lugar kung saan ako makakapag-isip. I asked myself why Apollo had to die so early. Dahil sa pangyayaring iyon, tinubuan ako ng puso at pakialam sa maliliit na bagay na may kinalaman siya. Hindi dapat ganito. Una, mali na itinuring ko siyang kaibigan, mali ang makadama ako ng saya kapag nakikita ko siya at tinatawag niya ang pangalan ko. Having Apollo around was like having Olivia with me again. Somone's taking care of me and making sure that I'm alright.

Hindi ko dapat minahal si Apollo Consunji - hindi ko siya dapat itinuring na ina. Matagal ko nang sinasabi na patay na si Olivia at siya lang ang dapat minamahal ko. I even tattooed her face on my chest, siya lang dapat pero heto ako at nangungulila sa presensya ng ikalawang babaeng itinuring kong ina.

How could I love the women who fell in love with Lukas Consunji - the man I hated the most - so dearly that it hurts so much just missing them?

Nawala ang puso ko noong namatay si Olivia, ibinalik ni Apollo sa akin iyon nang mahalin niya ako na parang anak pero ngayong wala na siya, hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang pusong ito.

Lumiliit na ang mundo ko at ng mga Consunji. Alam kong hindi magtatagal ay malalaman na nila ang tunay kong pagkatao. Alam kong nagsisimula na silang magtanong - lalo na ngayon na nakita nila ang pendant na ibinigay ni Apollo sa akin isang linggo bago siya mamamatay. I took a deep breath.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon