Chapter 12 - His 19th Royal Nameday (March 29, 2015)

45.1K 1.3K 1.1K
                                    

Chapter 12 – His 19th Royal Nameday

"Chocolate flavored spirits? Pati pala alcohol ay tsokolate pa rin?" Tanong ni King Andrew sa asawa na personal na humawak ng preparasyon ng birthday party ni Ice Jason. "Hindi mo 'to nasabi sa akin."

"Alam ko namang hindi ka papayag." Ngumiti si Queen Beatrice. "At alam mo namang paborito ni Ice Jason ang mga tsokolate, My Lord." Uminom din ang Reyna ng Chocolate liqueur na personal niya ring pinili. Pero iba ang iniinom ng hari. Cherry wine.

Naglalakad ang dalawa sa may hardin ng Bulwagan ng Palasyo kung saan ginaganap ang kaarawan ng unang anak ng hari. Malayong extension ito ng center castle na nasa labas lamang ng matataas na dingding. Pero kahit

"Nakakapagtaka nga... Kung paanong ang tsokolate na paborito ng panganay kong anak, ay ikamamatay naman ng isa." Tinuloy-tuloy nito ang pag-inom ng wine habang nakatingin sa loob kung saan unti-unti ng dumadami ang mga panauhin.

"Anong pinagtatakahan mo? Eh ikaw nga itong may allergy talaga sa chocolates. Ikaw na hari na kung tutuusin ay maaring bilhin ang pinakamasasarap na uri ng tsokolate sa buong mundo, ay naging allergic pa dito. I'm actually sad for you, husband. Hindi mo alam kung gaano kasarap kumain ng chocolates." Inubos na rin ng reyna nag chocolate liqueur.

"Alam ko naman kung gaano kasarap. Pwede kong tikman pero mangangati ako. Di lang ako pwedeng mag-indulge dahil mamatay ako kung sobrang dami."

"At ipinasa mo kay Fire Jasper ang allergy na 'yan." Napapailing na kumapit sa braso ng hari si Queen Beatrice. Inakay niya na ito pabalik sa Bulwagan.

"Kaya kung sakaling dadating si Fire, pakisabihan mo ang squire niya."

"Ano ka ba Andrew, malaki na ang anak mo. Alam na niya ang dapat sa hindi. At hindi ko rin nga alam kung dadalo siya. Alam mo naman 'yung batang 'yun." Naglakad na sila papasok. "Ipakita mo kasi sa kanyang mahal mo siya. Ang hindi ko kasi maintindihan sa'yo. Halatang-halatang may paborito kang anak, pero hindi mo naman minsan ipinapakita kay Jasper kung gaano mo siya pinahahalagahan."

"Malalaman niya rin naman, kung bakit ko lahat ginagawa ito... Malapit na siyang maghustong gulang hindi ba?"

***

"Look Ate Lydia. The king and the queen and the king looks sa sweet! Magiging ganyan kaya kami ni Ice Jason?" Tanong ni Juliya Alona sa yaya. Nakaupo na siya ngayon sa isa sa mga upuan na malapit sa platform. "I will claim it... Ako ang mapipiling crown princess. Tignan mo si Queen Beatrice ngayon. Kung hindi siya naduwag na sumali sa plucking ceremony, baka hindi siya masaya sa piling ni King Andrew ngayon. Kaya hindi rin ako maduduwag."

"Tama po yan Lady Juliya. Maging positive po kayo."

"Pero alam mo ba, na may tsismis, na may tita daw akong concubine?! May gosh!"

"Narinig ko nga po ang tsismis na 'yan."

"I dunno. Tsimis lang naman so baka 'di naman totoo. Ang dinig ko kasi, may tita daw ako na nakasama sa huling qualifier noong plucking nung time ni King Andrew. Pero hindi napili. Well, malamang dahil kung siya ang napili wala si Queen Beatrice ngayon."

"Kaya po siya naging concubine?" Naging interesado naman si Ate Lydia ng mabuksan ang tsismis. "Totoo po kaya 'yun?"

"Na may tita akong concubine? Ewan ko. Ang sabi ni daddy, only child lang naman daw siya. At sabi rin ni lolo, hindi naman daw totoo 'yun at chismis lang. Lumaganap lang daw 'yun dahil may usapan dati na kailangan ng union ng Palafox-Avery."

"Narinig ko rin po ang tsismis na 'yan."

"Ang dami mo naman palang naririnig na tsismis tapos hindi mo sinasabi sa'kin? Nako ha ate Lydia."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fire and Ice (Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon