Chapter 11

8.2K 239 14
                                    

Before I start the chapter, I’d just like to thank all the readers, mapasilent man o regular na nagkocomment. If not for you guys, there won’t be any Marvin or Helen; or even Dom and Andeng and such. Thank you guys to all the years na magkakakilala tayo or dun sa mga kakakilala ko palang. I love you all :* I started here as a dugyot writer LOL. And now that I have graduated and has a profession , I promise you na tuloy-tuloy pa din ang update ko. Thank you ulit guys!
That’s all, nobela na ‘to haha. Mwa! :*

Chapter 11

Marvin’s Point of View

Bakit kaya may mga bagay na hindi mo naman dapat pag-istressan eh naiistress ka pa rin?

Di niyo gets? Argh!

Bakit may mga tao na kanila lang dapat yung problema pero nadadamay ka sa problema nila?!

Nako naman!

Oh Helen! Helen! Helen!

Kailan ka ba maaalis sa aking sistema?!

Oy oy oy! Kung iniisip niyong inlababidabs ako kay Helen eh mahiya kayo sa mga balats niyo mga burgis kayo! Tss.

Ever since the world begun, charing, simula nang magkakilala kami niyang Helen na ‘yan eh puro problems na talaga ang tanging dala nya sa life ko. Yes problemS talaga with a capital “S”.

Naknampucha!

Hindi niya na nga ipinagpilitang nabuntis ko siya, pinag-alaga nya naman ako ng bagets nya. Ay life, why you so unfair to me? Huhuhu T>T

But wait, Kuwait…

May naisip lang ako.

Pinagpipilitan nga pala sa akin ni Helen noon na may nangyari “daw” sa amin at nabuntis ko nga daw siya “agad-agad”. (Kung ganun nga talaga ko kagaling. Ayy so eeewness!)
It has been ilang years na nga ba since that last conversation namin about that particular issue? Hmm…

I processed my memory.

Ayan, napapaenglish tuloy ako nang waley sa oras eh!

It has been five years since then…

Napadilat ako nang bonggang-bongga. O____O

Tumingin ako kay Hevin na kasalukuyang lumalamonation moment sa aming cutie little dining table sa aming cutie little dining room. Yes, may dining room naman kami ni Barney kahit papano. May class naman ang housey namin noh!
“Hevin?” tawag ko sa bulinggit.

“Yesh po?” sagot niya habang puno pa rin ng foods ang bibig. Di rin naman siya masyadong gutom?

Infairness sa batang ‘yan, simula nang sumalta dito, dumoble ang gastusin ko sa bahay. Buti nalang at hindi nagrereklamo ang housemate ko na si Barney. Cute naman daw kasi si Hevin at nawawala ang kanyang stress sa tuwing umuuwi sa bahay galing work dahil sa ka-cute-tan nito.

“How old are you na nga pala, little girl?” tanong ko sa patuloy pa rin na kumakaing si Hevin. Wala kaming pasok ngayon kaya kahit maghapon siyang lumamon dyan ay walang problema. Sa bulsa ko lang magkakaproblema :3

“Hindi nyo po ba tinitignan ang records ko sa school?”

Kusang napaangat ang isang kilay ko. Manang-mana talaga sa ina niya! Hindi nalang sumagot ng direct to the point. Dami-dami pang chuchu!

“Kelangan pa ba?” I snap. “I mean, wala na kasi akong time ireview ang mga docu nyo, bebe girl. So… how old are you na nga?”

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot sabay tapat ng limang daliri niya sa akin, “Five po.”
Napahawak ako sa aking dibdib.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon