Challenge # 3

127K 4.1K 642
                                    

Itinulak ko ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para itulak siya palayo sa akin. Nakakapanginig ng laman ang ginawa niya. Ninakawan niya ako ng halik at hindi iyon katanggap-tanggap. Idedemanda ko siya ng panggagahasa! Ang kapal ng mukha niya! Akmang sasampalin ko siya nang itulak niya ako pahiga sa hood ng kotse niya. Inilapat niya sa akin ang kanyang katawan tapos ay inilapit sa akin ang kanyang mukha.

"Ano ba?!" Sigaw ko. Muli niya akong hinalikan. This time, nagpumiglas ako at hindi na ako pumayag na magtagal ang labi niya sa labi ko. Hindi ko gusto ang pakiramdam. Para bang sinasakop niya ang kalayaan ko kaya hindi ako basta pumapayag!

"'Wag mo akong halikan! Hindi kita boyfriend?!" Sigaw ko sa kanya. He just grinned at me. Natigilan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit pakiramdan ko nawalan ng garter ang panty ko?

"Miss Leira Sarmiento." Sinabi niya ang pangalan ko. Lalo akong kinilabutan. Hinatak niya ako at ipinasok sa kotse niya. Nagpupumiglas ako pero hindi naman na ako makatakas dahil mabilis siyang nakapasok sa sasakyan at pinaandar ito. Binalingan ko siya at pinaghahampas sa balikat. Saan na naman ako mapupunta ngayon? Tiningnan ko ang orasan ko at doon nakita ko na atrasado na talaga ako sa schedule ko para sa araw na ito. Hindi ko maintindihan ang mga bagay-bagay ngayon. Ano bang ginawa ko para masira ng ganito ang buhay ko? Sinisira ng lalaking ito ang organisado kong buhay at wala akong magawa! I hate this!

"Saan mo ako dadalhin?! Ibaba mo ako!"

"Nasa gitna tayo ng daan tapos ibaba kita?! Ano ka magpapakamatay?!" Tila ba yamot na yamot na siya sa akin. Lalo niyang diniinan ang pagtapak sa accelerator. Lalong bumilis ang pagmamaneho niya. Hindi ako lalo mapakali. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. I am beyond my schedule. Naiiyak na ako. Napayakap ako sa katawan ko. Naisip ko na baka pagsamantalahan niya ako. Baka kuhanin niya ang virginity ko. Hindi ko kaya iyon. Mukha naman kasing hindi gagawa ng mabuti ang taong ito. Hindi ko talaga lubusang maisip. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok kami sa isang parking lot na konektado sa isang residencial building. Napasinghap ako nang huminto ang kotse tapos ay bumaba siya. Umikot siya para kunin ako. Ayokong bumaba pero hinatak niya ang kamay ko kaya napasama ako.

"Ih! Bitiwan mo ako!"

"Kapag hindi ka tumahimik hahalikan ulit kita!" Singhal niya sa akin. Hindi na ako kumibo. Hinayaan kong dalhin niya ako sa kung saan. Kahit na kinakabahan ay ipinakita ko na hindi ako natatakot sa kanya. Lalaban ako ako kapag pinagsamantalahan niya ako. Babayagan ko siya! Kakalbuhin ko ang bulbol niya at tatapyasin ang kanyang mga dangling eggs! Ang kapal ng mukha niya.

"Oh putang ina!" Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa isipan ko nang pumasok kami sa isa sa mga units sa loob ng building na iyon. Wala akong tatakbuhan dahil nasa twenty-third floor kami. Kapag tumakbo ako ay siguradong mamamatay ako. Ganoon na lamang ang tibok ng puso ko.

Sumara ang pintuan. Napaigik ako. I found myself standing in front of his unit. Napalunok ako. Kailangan kong maging matapang. Binalingan ko siya at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong inaalis niya ang kanyang mga butones mula sa ohales ng kanyang damit. Parang slow motion niya pang ginagawa iyon.

Nang maialis niya ang lahat ng butones ay tinanggal niya sa katawan niya ang polo niya. Slow motion pa rin sa paningin ko ang ginagawa niya.

Napamura na naman ako. Namumutaktak sa muscles ang katawan niya. May tattoo siya sa braso na umaabot hanggang sa kanyang dibdib. Mukha yata ng babae ang tattoo niya. Hindi ko sigurado pero parang ganoon.

Impit akong napasigaw nang makita kong lumalapit siya sa akin.

"Shit! 'Wag kang lalapit! Ayoko! Maawa ka sa virginity ko!"

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon