Chapter 6: Floating

45 0 1
                                    

[ Myra's POV ]

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Marco noong isang araw nang makita niyang kasama ko si Anthony, wala lang ba sa kanya yun?

Bakit hindi siya apektado? Mali yata ang plano ko na manligaw si Anthony sa akin. Pero paano ko malalaman kung mahal ako ni Marco?

Paano kung hindi pala niya ako gusto? Anong gagawin ko?

Masasaktan lang ako.

Pero sige, dahil mahal ko siya gagawin ko to.

I'll take the risk.

Anyway, magkikita kami ni Anthony ngayon. Sasamahan ko siyang pumili ng magandang bouquet para sa birthday surprise for her Mom.

*

[ Marco's POV ]

Walang pasok ngayon kaya pupunta ako sa ospital. Noong nakaraang araw, ang sabi ng doktor bumubuti daw ang kalagayan ni Mama.

Natutuwa ako dahil nagiging masigla na siya sa bawat araw.

Nakakapagkwentuhan kami ng mga nakakatuwang bagay tungkol sa school.

Nagulat si Mama nang itinanong ko sa kanya,

"Ma, paano kung may gusto akong babae pero hindi ko alam kung may gusto sya sa akin. Anong dapat na gawin ko?"

"Anak, ipagtapat mo sa kanya. Hindi mo alam kung masasaktan ka o matutuwa sa isasagot niya pero kailangan mong tanggapin ang mga bagay, maganda man o hindi. 

Ang buhay ay isang malaking Quiapo, maraming magnanakaw...

Maaagawan ka."

"Mama naman eh!"

"Walang halong biro, totoo ang sinabi ko Marco, anak. Kung ayaw mong maagaw siya ng iba at hindi mo pagsisihan buong buhay mo, magtapat ka. Walang mawawala sa pagsasabi ng totoo. Tandaan mo yan."

Teka, anong araw ngayon? Wedding anniversary pala nina Mama at Papa. Ano kaya kung dumaan muna ako dito  sa malapit na -----

S-si Anthony ba yun? Anong ginagawa niya dito? At kasama pa niya si Myra?

*

Myra! Sorry ha, kanina ka pa ba naghihintay sa akin? Pasensya ka na kas--

Okay lang, Anthony! ^_^ Hindi naman ako gaanong nainip. Oh ano, tara na? ^____^

Naglakad sina papuntang flowershop.

Ano bang paboritong bulaklak ng Mama mo?

Sa pagkakaalam ko, white rose. 

Mahilig sa bulaklak si Myra. Natutuwa siya kapag may nagbibigay sa kanya ng mga flowers kahit galing pa ito sa mga secret admirers niya kaya si Myra na mismo ang nagdesign ng flower arrangement.

Pure 24 pieces ng white roses ang nakabalot sa isang pulang wrapper at red ribbon.

Anong masasabi mo, Anthony? 

Parang ikaw, Myra.

Ha?

Simple, pero rock.

Haha, ikaw talaga Anthony.

Hinampas ni Myra si Anthony ng mahina habang sinasabi ang huling linya. Binayaran ni Anthony ang mga bulaklak at saka lumabas ng shop ang dalawa.

Anthony, pwede bang ako na ang humawak nitong bouquet? Salamat!

Hindi na nakapalag si Anthony dahil kitang kita nito sa mga mata ni Myra ang pagkatuwa sa mga bulaklak kaya't hinayaan na niya ito.

Um..Myra, salamat ha.

Bago pa man umimik si Myra para sabihing walang anuman, hinalikan ito ni Anthony sa kaliwang pisngi na labis na ikinagulat ni Myra.

Inilapat ni Anthony ang hintuturo ng kanang kamay sa labi ni Myra at sinabing,

Wag ka nang aangal! Thank you kiss lang yan :-)

At nagpatuloy na sa paglalakad si Anthony habang natigilan si Myra ng sandali.

Did he just steal a kiss from me?! 

*

Ang lahat ng pangyayari ay mariing pinanuod ni Marco.

Hindi siya makapaniwalang hinalikan ng ibang lalaki ang babaeng inaasam niya.

Sinagot na ba siya ni Myra? Bakit hindi ko alam? 

Gustong makalimutan ni Marco ang mga nakita niya. Gusto niyang sabihing panaginip lang ang lahat. Gusto niyang isiping gawa-gawa lang ang lahat...

na hindi pa huli para ipagtapat niya ang nararamdaman para sa bestfriend niya.

Pero paano nya yun gagawin? Kung may nauna na sa kanya? 

Hindi alam ni Marco kung saan pupunta sa mga sandaling iyon.

Gusto niyang tumakbo sa Nanay niya para humingi ng payo pero hindi siya makagalaw sa kinatatayuan.

Naglakad si Marco, hindi alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa.

Napahinto siya sa harap ng simbahan at pumasok.

Hindi masyadong marami ang tao noong araw na iyon dahil regular weekday. Wala lang namang pasok sa eskwela nina Marco at Myra dahil recollection ng mga teachers.

Umupo si Marco sa isang bakanteng mahabang upuan at lumuhod.

"Panginoon, pagaanin Mo ang nararamdaman ko ngayon. Alam kong naiintindihan at nararamdaman Mo ako dahil bilang Ama ng lahat, mas masakit sa Iyo ang nararamdamang sakit ng Iyong mga anak.

Nagmamahal po ako.

Hindi ko alam na masakit pala ang magmahal. Pero mas masakit ang magmahal nang patago. Mahal ko po ang bestfriend ko. Pero may mahal siyang iba.

Tulungan Mo po akong mawala ang sakit na ito."

May tumabing matandang babae na may puting buhok, itim na balabal, kulubot na katawan at may suot na mahabang palda, kung saan nakaluhod si Marco at nakita niyang dumadaloy ang luha nito.

Anak,

Nagulat si Marco sa boses na narining kaya't pinunasan nito ang mga luha at umupo para sagutin ang matanda.

A-ano p-po y-yun? sabay singhot ni Marco.

Ikinagulat ni Marco ang biglang paghablot ng matanda sa kaliwang palad niya.

Ano pong ginagawa nin--

Darating ang panahong kailangan mong mamili sa pagitan ng mahal mo at mas mahal mo

Hindi maintindihan ni Marco ang sinabi ng matanda

Mahihirapan kang sundin ang puso mo. Luluha ka kapalit noon, pero magiging masaya ka dahil doon at hindi mo maipapaliwanag kung bakit. 

Hinintay pa ni Marco ang mga sasabihin ng matanda

Sa huli ay kailangan mong timbangin ang mabigat sa magaan, kung saan ang magaan ay magiging mabigat, at ang mabigat ay mananatiling mabigat na

parang mga luha ng kandilang ipinatak sa tubig, ikaw ay lulutang at muling mabubuo. 

Tumayo na ang matanda at lumabas sa pinto ng simbahan.

Habang si Marco ay nanatiling nakaupo at nagtatanong sa sarili kung ano ang ibig sabihin ng mga salita ng matanda.

"kailangan mong timbangin ang mabigat sa magaan, kung saan ang magaan ay magiging mabigat, at ang mabigat ay mananatiling mabigat na parang mga luha ng kandilang ipinatak sa tubig, ikaw ay lulutang at muling mabubuo."

Ano ang ibig sabihin ng mga matalinhagang salitang iyon?

*

Borrowed TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon