Previous Page of 142Next Page

Sketch by ungaw ;)

spinner.gif

Please read this story here: http://www.candymag.com/teentalk/index.php?topic=115489.0

And give credit to my friend ate Ungaw :)

 or open the external link at the right side of your screen :) <3

Thank You.

-0-0-0-

?I?m sorry but your child would no longer be accepted in this school. She has done enough violations for her to be expelled from this school. I?m sorry Mrs. Buendia. Nanghihinayang nga ako sa anak mo eh. Matalino pa naman, kaso rules are rules. Pero believe me Mrs. Buendia, your daughter has been a great lost to us.?

Ang plastik talaga ni Ms. Enriquez! If I know, matagal nya na ako gustong ikick out sa eskwelahan na ito. Bakit si Melanie, hindi din nila iexpel? Panigurado, sinuhulan nya si Ms. Enriquez kaya hindi ko sya kasamang naexpel!

?Eh bakit yung nakaaway nya? Yung Melanie ba yun? Sya ang nauna diba? Tinapunan nya ng mango shake ang anak ko! Alangan naman na hindi lumaban ang anak ko diba? Unfair naman ata na ang anak ko lang ang maeexpel!?

?Melanie will be suspended for her actions. Compared sa anak nyo, mas konti ang violations ni Melanie. At maganda ang reputation nya at ng mga magulang nya sa school na-?

?Ah! Ganun? Koneksyon kamo! Hindi na ako makikipagargumento pa! Tama na rin na matanggal sa eskwelahang ito ang anak ko! Tutal, mga mukhang pera naman mga tao ditto eh! Ang laki pa ng tuition! Maiwan ko na kayo!? Tumayo na si mama sa kinauupuan nya at hinila na ako palabas ng office.

Pagkalabas ng school, akala ko okay na ang lahat, ng bigla akong piningot ni Mama.

?Ma! Ang sakit! Aray! Wag naman dito! Nakakahiya!"

?Naku! Bata ka! Maldita ka talaga kahit kailan! Akala mo kinukunsinte ko ang pagiging warfreak mo? Syempre hindi! San ka magaaral ngayon ha? Naku bata ka! Okay lang lumaban pero wag naman sobra! Aba, ilang araw daw nasa ospital yung nakaaway mo eh! Tapos ikaw, black eye lang at kalmot ang nakuha! Wag ka makipagaway sa walang laban sayo! Maging patas ka naman!?

Sus. Hindi daw nya kinukunsinte ang pagiging war freak ko. Eh parang sinabi nya na ok lang na makipagaway ako, basta sa katapat ko lang. Teka, san nga ba ako magaaral? Eh ang St. Anne Academy lang naman ang malapit na school sa amin?

Pagdating sa bahay, nakangisi si Kuya Dave,Kuya Denver at Kuya Dexter sakin. Parang alam na nila ang nangyari sa school.

?Ayan, yang kapatid mo, di na tatangapin sa St. Anne. San natin ipapasok yan ngayon??

?Sinabi ko na nga ba eh. Napaghandaan ko na yan eh. San pa? Edi sa school kung saan kami grumaduate! Galing nga ako dun eh at tinanong ko kung ano ang requirements para sa mga transferee!? Sabi ni Kuya Dave na halatang umalis nga ng bahay dahil nakasuot pa sya ng pangalis nya.

?Nangaasar ka ba? Exclusive school yun para sa mga lalake eh!? Aambahan ko na sana si Kuya Dave ng suntok ng inawat ako ni Kuya Dexter.

?Relax bro?Este sis pala! Nalaman ko kasi na ang Colegio De San Antonio ay Coed na! Tumatanggap na sila ng mga babae!?

Previous Page of 142Next Page

Comments & Reviews (84)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended