Chapter 6

5K 108 42
                                    


Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Litong-lito ako. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader sa sobrang pagkalito ko. May parte sakin ang pagsisisi at may parte din sakin na parang ayos lang, dahil siguro nga alam mong trabaho ko yun, na responsibilidad kong gawin ang bagay na ito.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil dito, pero mas lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa nanay ko.

Inalis ko ang nakadagan saking braso ni Alex at dahan-dahang bumangon.

Sakit, yun agad ang naramdaman ko nang subukan kong lumakad. Ganito pala talaga kapag una noh?

"Where are you going?" He said in a husky voice. Nagising ko ata

"S-sa cr" utal kong sagot, nakaramdam agad ako ng hiya dahil hubo't-hubad akong nakatayo sa harapan niya
Dinampot ko ang unang damit na nakita ko sa sahig at agad na isinuot yun,huli na ng narealize kong t-shirt pala niya yun.

"You look good under my shirt" sabi niya at agad na bumangon para lapitan ako. Hinaplos niya ang mukha ko at hinalikan ang labi ko bago ako iniwan sa loob ng kanyang kwarto

Pumasok ako sa banyo at agad na naligo ng malamig na tubig. Naisip ko si mama, naisip ko si tita, naisip ko si Seb. Naisip ko kung gaano kamali tong gingawa ko. Gusto ko na sabunutan ang sarili ko sa inis, sa galit, sa katangahan, sa kahihiyan. Ilang taon na nga ba kami ni Seb? Pero ni minsan hindi kami umabot sa puntong ganito sa ginawa namin ni Alex.

"Tutunganga ka na lang ba dyan?" Napagigtad ako ng marinig ko ang boses niya. Agad kong hinanap ang sabon ngunit hawak na pala ito ni Alex at iniabot sa akin.

Nakahubad siya kaya dinaluhan na niya ko sa pag-shower. Naalala ko nanaman yung nangyari dati at ramdam kong uminit ang pisngi ko.

"Damn" mahinang usal niya, di ko alam para saan yun pero hindi na ko nagtanong pa. Wala akong gana, wala akong gana magsalita ngayon. Masyadong madami pa akong iniisip. This time siya naman ang nagpaligo sakin, hinayaan ko na lang na siya ang kumilos. Pagkatapos niya kong sabunan ay siya naman ang nagsabon hanggang sa sabay na kami nagbanlaw.

"Magbihis ka na at ihahatid na kita. Mag day off ka muna" sabi niya na nagpabalik sakin sa ulirat. Umaga na nga pala at may trabaho pa ako ngayon.
Hindi ako pwede mag day off ngayon dahil sa biyernes pa ang day off ko at yun yung araw na dadalawin ko si mama. Hindi pwede ngayon

"I can't. Kaka-day off ko lang" sabi ko. Natigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"No. Sabi ko mag day off ka, I'm the boss kaya ako ang masusunod" sabi niya at lumabas na sa banyo. Agad din naman akong sumunod palabas. Eh ano pa nga ba magagawa ko? Boss ko na nagsabi na mag day off ako. Ngayon na lang siguro ako dadalaw kay mama.

"Wear this, nasira ko ata yung damit mo kagabi" sabi niya. Hindi na ko umangal, kinuha ko na yung paper bag na iniaabot niya sakin at isinuot yung bagong uniform na ibinigay niya. Tama nga naman. Para hindi kami mahalata ng ibang empleyado na makakasalubong namin paglabas ng suite na 'to. Hindi nga naman sila makakapag-isip ng kung ano. Walang malisya. Aakalain lang nila na room service lang ako sa suite ni Alex

Nakakaintimidate ang mga titig na ibinibigay sakin ni Alex ngayon, di ko tuloy alam kung sa banyo pa ba ako magbibihis o sa harap na lang niya. Agad naman akong bumalik sa loob ng banyo para doon na magbihis, di ko ata kakayaning magbihis habang nakatingin siya.

"Para sakin mas bagay mo yung walang soot na damit" Isang pilyong ngisi ang naglalaro sa mukha ni Alex habang nagaayos ng kasusuot lang na puting T-shirt. Ewan ko ba? Di ko naman masabing manyak siya dahil sa kagwapuhan niya. ang unfair nga siguro talaga ng mundo. Pag gwapo at binastos ka ayos lang, kala mo nilalandi ka lang. Pero kapag pangit at binastos ka, manyak agad?

"Uhm- mauna na ako" sabi ko at nagmamadaling maglakad papunta sa pintuan.

"Kakausapin ko si Mr. Reyes, I'll tell him na mag-off ka muna ngayon. Meet me at Starbucks dun sa tabi ng Friday's. Ako maghahatid sa'yo pauwi" Tumango na lang ako bilang sagot at tuluyan ng lumabas ng suite niya. Halos habulin ko ang hininga ko pagkalabas na pagkalabas ko. Para bang nasuffocate ako sa loob.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa housekeeping department para magpaalam sa supervisor namin.

"Oh tamang-tama, ipapatawag na sana kita. Kamusta ang pakiramdam mo? May dysmenorrhea ka daw? Dapat ay huminga ka ng gamot doon sa clinic. Oh siya, umuwi ka na at magpahinga. Ako na ang magiinform sa HR" tuloy-tuloy na sabi ni Mr. Reyes. Tanging tango at pilit na ngiti lang ang naisagot ko aa kanya. Dysmenorrhea? What the heck? Baka kami masakit lang ang ano ko. Ewan ko ba dun sa boss kong yun!

Pagkatapos ko makausap si Mr. Reyes ay dumiretso na ako sa locker room paea magpalit ng damit. Huli na ng natandaan kong wala nga pala akong extra na damit dito. Bago pa ako makalapit sa locker ko ay may nakita na ako agad na paper bag na may mamahaling tatak na tinabunan ng malaking sulat-kamay na pangalan ko at nakadikit na papel na may sulat na "wear this" Para sakin? Ay. tanga lang? Pangalan mo nga diba? Edi sa'yo.

Dinampot ko yung paper bag at agad kong nakita na may isang light pink dress sa loob sa ilalim neto ay may itim namang pares ng doll shoes. Agad na akong nagbihis at baka naiinip na si Alex kakahintay sa akin.

Hingal akong pumasok sa Starbucks at dumiretso sa nakaupong si Alex. Sa mesa nito ay may dalawang frappe, isang donut, cheesecake at tinapay.

"Sorry natagalan" sabi ko at umupo na sa harap. Napalitan ng ngisi ang makakunot niyang noo kanina.

"Eat. di ko alam kung anong gusto mo kaya mamili ka na lang" sabi niya napatingin ako sa mga pagkain na aga nagpakalam sa sikmura ko. Kinuha ko na lang yung donut at kinain habang su Alex naman ay sumisimsim sa kanyang frappe.


"One Java Chip please" Seb?

bigla kong nabitiwan ang tinidor na hawak ko at nahulog ito sa sahig kaya naagaw ko ang atensyon ng ibang tao.
Napayuko ako at nanalangin na sana hindi bumaling sakin si Seb.

The Playboy and The CourtesanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon