Chapter 17: What She Doesn't Get

10.1K 264 30
                                    

Chapter 17: What She Doesn’t Get

 

“WELCOME BACK!”

            Natigilan si Marky pagkapasok sa tinutuluyang condo unit. Sa kabila ng napakasayang pagsalubong sa kanya ni Alastor ay walang kagana-gana niya lang itong tinitigan.

            “Nasaan na mag-ina mo?” Ngiting-ngiti itong sumilip sa likuran niya.

            Napangiti si Marky sa isip-isip niya. Mag-ina talaga, huh?

            “Wala na. Umuwi na.” Sagot niya.

            Nakangiwi naman siyang tinignan ni Alastor. “Sumagot ka naman. Feeling mo naman mag-ina mo talaga sila.”

            Amputa. “Gagu,” kinabig niya ang kaibigan para makadaan siya. Lakas talaga mang-asar.

            Dumiretso siya sa kanyang kuwarto habang tumatawang nakasunod si Alastor.

            “Pero ‘yung seryoso, dude,” tumigil si Alastor sa may pintuan ng kuwarto at nagpamewang. “Bakit mo sila hinayaang umuwi agad? 4:30 pa lang ah?”

            “Ayaw kong abutan sila ng dilim sa daan.” Ugh, tang’na. Bigla niyang napansin ang mga kalat sa kuwarto niya—mga damit, mga papel, ilang lata ng inumin. Isa-isa niyang pinulot ang mga iyon at sa bawat kalat na napupulot niya ay napapamura siya sa isipan niya. Hiyang-hiya siya na nakita ni Monic kung gaano siya kakalat na tao.

            “Sayang naman,” tunog malungkot si Alastor. “Naghanda pa naman ako ng meryenda para sa kanila.”

            “Eh ‘di kainin mo na lang ‘yon mag-isa.”

            “Hoy, seryoso ako dito tapos binabara-bara mo lang ako?!” Reklamo ni Alastor.

            “Mga damoves mo...” Inis niyang bulong. Hinding-hindi niya malilimutan ang paghalik na ginawa nito kanina sa kamay ni Monic.

            “Awww. Selos si Daddy Marky,” bumalik sa nang-aasar na tono ang kaibigan niya. Nilapitan pa siya nito at hinimas-himas ang kanyang likod. “Huwag na selos, please. Ikaw pa rin ang mahal ko, hindi ang Monic na ‘yon.”

            “Ah letse!” Tinabig ni Marky ang kamay ni Alastor. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o lalong maiinis sa pinagsasabi’t inaakto nito.

            “Hu-hu-hu! For the third time today, nasaktan ang damdamin ng kamay ko!”

            “Ang bakla mo ah.”

            “Talaga.” Nag-beautiful eyes naman ito at naghawi kunwari ng buhok pa-likod ng tenga. Nag-sexy pose pa ito—at nag-flying kiss sa kanya. “Labyu, Fafa Marky!”

            “Heh!” Sa kabila ng pagsusungit eh tuluyan nang natawa si Marky. “Nako ah, Las. Kung hindi lang kita kilala, iisipin ko nang bakla ka talaga.”

            “Pero vaklush talaga akooo.” Nagpatuloy ito sa pagbu-beautiful eyes.

            Grabe talaga... Hindi lubusang maisip ni Marky kung paano naha-handle ni Alastor ang pagkakaroon ng contradicting na personalidad. Alastor could be that playful and cheerful. Pero minsan naman, dead serious at unfriendly.

            Not only that. Tuso rin ito ‘pag dating sa babae. One time, nakasama niya itong gumimik at uminom sa isang bar. At nakita niya kung gaano nito kadaling makuha ang babaeng natipuhan. Kaya naman ngayon ay natatakot siya sa inakto nito sa dati niyang nobya.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon