Previous Page of 2Next Page

I'm in Lesbians With You:Top Secret

spinner.gif

Sikat ang unibersidad na pinapasukan nila Eli at Reece. Kilala ito na alma mater ng mga magagaling na tagapagsaliksik sa buong mundo. Dahil dito, hindi na nakapagtatakang malaking pera ang inilaan sa pagpapagawa ng library. May tatlong palapag ang library na ito. Ang unang palapag ay nakalaan para sa regular circulation books at Filipiniana section. Ang natitirang mga sections naman gaya ng periodical ay nasa 2nd at 3rd floor.

Sa first floor, mayroong 20 rows ng shelves na nakalagay sa magkabilang panig ng library at nasa gitna nakapwesto ang mga upuan at mesa. Pero simula sa 18th shelf, wala ng mesa at mga upuan na nakalagay kaya ang 19th at 20th shelf ang pinakaperpektong pwesto para sa mga taong ayaw maistorbo. Konti lang din ang pumupunta dito kasi masyado na 'tong malayo sa pinto.

Eli's point of view

Andito ako sa 19th shelf sa kanan banda.

Pinindot ko na ang send button. Tinignan ko ang relo ko. 4:10pm na. 'Kinakabahan nanaman ako.Ano kayang itsura niya. Mabait kaya siya. Maganda kaya siya. Mas matanda kaya siya sakin.'

Hindi ako mapakali kaya nagpalakad-lakad ako papunta at pabalik sa dalawang magkabilang dulo ng shelf number 19.

4:11 na. Sinubukan kong umupo at tumayo ng ilang beses.

4:12 Tumalon-talon ako ng mga limang beses.

4:13 Nakahiga na ako sa sahig.

4:14 Naiihi ako na hindi ko maintindihan. Pinasok na ata ng lamig iyong tyan ko. Ang tagal naman kasi niya eh.

Makalipas ang 10 minuto...

4:24 na. Pupunta pa kaya siya. Sobrang nawawalan na ako ng pag-asa. Pumasok na din sa isip ko na baka nakalimutan na niya ang appointment namin ngayon.

Makalipas ang 5 minuto...

"Siguro ganoon talaga kapag pinili mong gumawa na isang bagay na walang consent ng ibang tao na involve. Nadidisappoint ka. haay. Sige huling tawad na. Kapag 4:30 at wala pa siya, uuwi na lang ako at iiwan ko nalang ang notebook niya sa lost and found section. Deal na yan Hot Pink ha?"

Kung may nakakita siguro sa akin na nagsasalita ako ng mag-isa baka inisip na nilang nababaliw ako. Hindi kasi nila maiintindihan na ang cellphone kong kulay hot pink ang kinakausap ko. Argh! Para namang may pinagkaiba. Kinakausap ko pa din ang sarili ko.

Napailing nalang ako. ''Nako, hindi talaga maganda ang epekto sakin kapag naghihintay ako. Please lang dumating ka na miss Reece"

_______________

Reece's Point of view

"Gosh! Ang layo pala ng library na to sa building namin tsaka ang laki masyado nito. Ang dami pang tao. Pano ko malalaman kung sino tong Eli na to" Magtetext na sana ako dun sa Eli na iyon pero nauna na pala siyang nagtext.

4:10pm "Andito ako sa 19th shelf sa kanan banda."

Hala. Anong oras na ba. Nang tinignan ko ang relo ko ipinakita nito sakin na 20 minutes na pala akong late.

'Sheez.Ang layo pa ng 19th shelf ah. Bakit ba naman kasi dun pa siya pumwesto. Bahala nga siya diyan. Bawal tumakbo sa library kaya maglalakad lang ako. Kung wala na siya edi okay lang. hmp'

4:30 - Nagsimula nang maglakad si Reece

4:31- Naglalakad pa din.

4:32- Naglalakad pa

4:33- Lakad

4:34- Nasa 19th shelf na siya. Moment of truth kung naandun pa din si Eli.

Nagsimula na akong pumasok sa likuran ng 19th shelf . Wala akong nakitang tao pero parang may naramdaman akong kakaiba sa paanan ko. Parang may malambot na something akong naapakan.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (10)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 4- Ang notebook part 1

Who's Reading

Recommended