Chapter 30

45.2K 1.3K 178
                                    

Date uploaded 3-23-15

Chapter 30

Red

Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba, hindi dahil sa kinikilig ako dahil kasama ko si Chinito ngayon. Nandito kami ngayon sa labas ng coffeeshop, naka-cross ang mga braso nya sa harap nya at nakatitig lang sya sa akin. HIndi ako makatingin sa kanya. Ngayon lang ako nagkaganito. Mas malala pa ito sa mga interrogation ng mga pulis kapag nahuli ako at tinatanong kung sino ang leader ng sindekato ko. Kung ganito lang ang ginagawa ng mga pulis, itong silent treatment na 'to baka lahat ng mga nahuhuli nila ay pumipiyok na. Wa epek sa akin ang intimidation at pananakot ng mga pulis. Sa ganitong paraan lang pala ako masisindak?

HIndi ko kasi alam ang nasa isip nya. Kung anong plano nya. Kung anong gusto nyang gawin sa akin. Isusumbong ba nya ako? Ang hirap naman kasi talagang ispelengin nitong alien na ito e! Kung sinto-sinto lang ito, madali ko syang mabasa. E kaso, hindi ko maarok ang utak nya!

Tubig na yung frappe ko, hindi ko pa din mainom. Saka ngayon lang hindi nagmukhang katakam-takam yung croughnuts ko. Himala na ng langit yon! E sa wala akong gana e!

Kanina ginisa nya si Clyde, kung mahuli daw nya ulit na nag-ha-hack ng system, sipa na daw sya sa eskuwelahang ito. Grabe lang a, hindi ko alam na ganon pala sya kapag nagalit! Tahimik lang, mahinahon magsalita, pero ang lakas ng epek! Mas nakakasindak pala yung ganon.

Unti-unti kong iniangat ang mga mata ko. Sisilipin ko lang sya, baka naman nasa horror mode na. Para at least alam ko kung tatakbo na ako. Kanina pa kasi hindi nagsasalita. Mas lalo akong kinakabahan kapag ganon. Mas matatanggap ko kung pagalitan nya ako, kahit bulyawan nya ako. Ok lang. Alam ko namang mali yung ginawa ko.

Laking gulat ko nung makita ko ang mukha nya.

Nakangiti sya?

Ha?! Bakit? Mas lalo akong nagulantang don a!

Hindi lang ata autistic 'to, may tililing na rin ata.

"Aaaaaaa..... bakit ka nakangiti? May pinaplano ka ano?!"

Ipinatong nya ang siko nya sa lamesa at nangalumbaba sya. Nakatingin pa din sya sa akin na para bang inaaral nya ako. Napasaldal naman ako ng tuwid. Hindi naman sa nag-aalangan ako, nawi-wirdohan lang ako sa ikinikilos nya.

"Mukha ba akong fungi? Para mo naman kasi akong mina-microscope nyan e."

"No, I just find you really odd."

May problema nga ito.

"As in 1+1=2? Ang wirdo mo!"

Bigla syang natawa.

Anong mali sa sinabi ko? Bakit naman nya ako pinagtatawanan ngayon? Teka nga, wait lang. May mali dito e.

Si Chinito...

TUMATAWA?

Totoo ba to? Parang hindi naman sya marunong non a. Puro kasupladuan, kasimangutan lang ang alam nitong gawin. Pero ngayon.... Tumatawa talaga?

"I'm not the one who's weird around here. You just say the corniest things, and yet it seems so funny. There are so many oddities when it comes to you. You just defy my reasoning sometimes. And most of the time, I don't get you."

"Kaya ba parang mina-microscope mo ako, kasi di mo ako ma-gets? Sa talino mong yan? Hello to earth, paki balik nga si alien." Sya ang di ko ma-gets, napakasimple kong tao, di nya ako maarok? A ewan! Binobola ata ako nito e. O pinapaligoy-ligoy lang nya kasi sisibakin nya ako?

"Alam mo Chinito..."

"Can you please stop the nicknames?"

Ganon? Ano na nga bang totoong pangalan nya? Nag-isip ako sandali. Narinig ko na yon kay dok dati. Aaaa, oo nga pala.

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon