Unang Inis

18.5K 470 55
                                    

Ako: Hi Stranger
Stranger: Hu u?
A: May kwekwento ako.
S: Pake ko?
A: Alam mo bang graduating student na ko?
S: Malamang hindi.
A: Ngayon alam mo na. Ilang araw na lang, gra-graduate na ko ng College.
S: Pake ko ulit?
A: Kaya lang nalulungkot ako.
S: ...
A: Dapat maging masaya ako.
A: Dapat nagpapakatay ako ng baboy.
A: Dapat nagpapa-Party ako.
A: Pero hindi ko makuhang magsaya.
A: Kasi nga nalulungkot ako.
A: Kung kailang last sem na namin,
A: Kung kailang gra-graduate na ko,
A: Saka nagkandaleche-leche ang buhay ko.
A: Bawat sem may pinaglalaban ako pero 'di ako sumuko, kahit nakakapagod na.
A: Kaya lang ngayon, kung kailang last sem na, parang gusto ko nang sumuko.
A: Kung kailang malapit na kong grumaduate, bigla na lang gusto kong itigil ang lahat.
A: Gusto kong lumayo,
A: Gusto kong makalimot.
S: PUTANGINA NAMAN O!!!! TUMIGIL KA NA NGA!!! ANO BANG PAKE KO SAYO? NI HINDI NGA KITA KILALANG GAGO KA, EH! HANDA NA 'YUNG TROOPS KO POTA! TAPOS CHAT KA NG CHAT! TANGINA SINO KA BA?!
A: Alam mo ba nung Highschool ako, grumaduate akong walang kaibigan,
A: walang karamay
A: walang lakas
A: wala lahat.
A: Sinabi ko sa sarili ko noon,
A: na hindi magiging ganito ang graduation college ko.
A: Pero putcha naging ganun pa rin.
S: TANGINA! IBLABLOCK NA KITA!!!
A: Gusto ko nang magpakamatay...
S: WAG!!!!
A: Bakit 'wag?
S: Basta wag. Wag mong gawin yan. Hindi ka ba natatakot sa Diyos?
A: Tama sila. Hindi lahat nang nagmumura ay masasamang tao.
S: O? Pano napunta diyan?
A: Kasi mura ka nang mura, pero naniniwala ka sa Diyos. Syempre may takot ako sa kanya. Pero mas natatakot na ko sa sarili ko, sa paligid ko, sa mga tao sa paligid ko...
S: Pero kasalanan pa rin ang magpakamatay! Hindi ka rin matatahimik! Ano ba kasing problema mo? Saka sino ka ba?
A: Malaki ang problema ko, at ako ang iyong konsensya.
S: ULOL!!


Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon