Chapter 11 - Plucking of Maidens (March 21, 2015)

24.8K 854 234
                                    

Chapter 11 - Plucking of Maidens

"Natatakot ako Ate Lydia." Hawak ni Lady Juliya Alona ang imbitasyon galing sa palasyo para sa birthday ni Ice Jason. "Sigurado na ba ako? Pupunta ba talaga ako doon?"

"'Eto ang pinakahihintay mo hindi ba? Ang pagpili sa mga consort entrants? Ang unang hakbang para maging reyna?"

"That, If I prevail. Kung matatalo ko sa mata ng palasyo ang qualifiers makakalaban ko."

"Ang lolo niyo—"

"I know, I know. My grandfather will assure my ticket pero hanggang pagpasok lang sa qualifers ng consort. Pero magiging ako ba talaga ang crown princess kung sakali? 'Yung sigurado? Alam mong pipili ang palasyo ng tatlo hanggang limang dalaga sa buong kaharian. Pinakamadaming lima ang qualifiers."

Tumango ang matandang babae.

"At sigurado na, na ang mga babaeng 'yun ay pag-aari na ng prinsipe kahit na anong mangyari. Pero 'yun na nga ang ikinakatakot ko Ate Lydia. Ang mananalo ay magiging asawa. Alam kong ang mananalo ay magiging crown princess... ultimately ay magiging reyna... Pero alam rin nating lahat na ng matatalo sa nakapasok na qualifiers ay magiging concubine. Concubine ni Ice kapag naging hari na siya."

"Anong ikinakabahala mo? Na may concubine ang magiginga asawa mo? Normal lang 'yun Lady."

"Hindi naman 'yun ate Lydia. Wala akong pakialam sa magiging concubine kung ako ang reyna. Pero paano kung ako pala ang magiging concubine? Paano kung hindi ako ang mapili? Paano kung si Ice na mismo ang may ayaw sa akin? Sigurado akong makakasama sa plucking ang girlfriend niya!"

"Ipinangako ng lolo niyo na ikaw ang mapapangasawa ni Prince Ice. Alam mong nag-usap na sila ng hari kaya kumalma ka. Malaki ang tsansa. Alam ng hari ang kagustuhan mo at ng lolo mo."

"Pero ate... Kung hwag na lang kaya akong pumunta? Baka mas safe pa. Ayokong maging concubine. Bumalik na lang kaya ako kay Fire Jasper? Pwede rin naman akong maging consort ng prinsipe?"

"Pero pinili mong maging reyna kaysa maging simpleng konsorte. Kailangan mong tumuloy Lady Juliya para ikaw ang maging reyna. Lahat ng naging reyna ay dumaan sa ganyang takot. Para sa mga Palafox."

Tinungo ni Juliya ang walk-in closet.

"Tulungan mo ako Ate Lydia."

***

"What the hell!!!" halos mapasigaw si Dew Lia pagharap ng salamin. "Ano ba namang klaseng damit ito, sana pinaghubad na lang ako ni Jasper."

"Wow. Chicks ka naman pala Dew!" gulat na gulat si Soapy sa itsura ni Dew habang suot-suot ang gown. "Cleavage kung cleavage. 'Di mo naman ako na-inform na pwede ka pala sumali ng bikini open."

"Baliw!"

"Ano bang pupuntahan niyo? Sure ka na bang hindi ka makakapunta sa birthday ng prinsipe? Sayang talaga 'yun."

"Oo hindi na 'nuh. Ang ganda-ganda ng deal ni Jasper sa akin tapos ipagpapalit ko sa pakikipagcelebrate lang sa dugong bughaw at sa birthday niyang paepal? Masahol pa sa babaeng nagde-debut? Pwet niya kamo!"

"Ibigay mo na lang 'yung invitation sa mga kaibigan mo? Hindi ba gustong-gusto talaga nilang makita ang prinsipe?"

"Luh? Papagawin mo pa ako ng kasamaan? Pangalan ko ang nakalagay sa invitation tapos ipapahamak ko pa sarili ko? 'Tsaka dalawa sila 'no. Isa lang 'tong invitation."

"Sabagay."

May kumatok sa pintuan.

"Oh. Ayan na yata 'yung magme-make up sa'yo."

Fire and Ice (Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon