Previous Page of 4Next Page

urbana at felisa

spinner.gif

ni Felisa kay Urbana  

 

 

Paumbong, Mayo 10, 185. . .  

 

 

Urbana: Ngayong a-las-seis ng hapon na pinagugulong ng hari ng mga astro ang karosang apoy at itinatago sa bundok at kagubatan, ipinagkakait sa Sangkapuluan ang kaliwanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat ng ginto ' t purpura; ang mundo ' y tahimik, sampo ng amiha ' y hindi nagtutulin, nagbibigay-aliw ang mga bulaklak at nangagsasabog ng bangong iningat sa doradong caliz ; ang lila ' t adelpa na itinanim mo sa ating pintuan; ang lirio ' t asusena; ang sinamomo ' t kampupot na inihanay mo ' t pinagtapat-tapat sa daang landas na ang tinutungo ' y ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nangagsisingiti ' t ang balsamong ingat ay ipinadadala sa hihip ng hangin; mapalad na oras na ipinaglilibang ng kamusmusan ta, ipinagpapasiyal sa ating halamanan.  

 

Marahil Urbana ' y di mamakailang pagdating sa iyo ng oras na ito, ang alaala mo ' t buong katauhan ay nagsasauli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay ng mga bulaklak na anaki ' y pamuti sa parang linalik na

Si Urbana kay Felisa, -Maynila. . . .  

 

 

FELISA: Tinanggap ko ang sulat mo nang malaking tuwa, nguni ' t nang binabasa ko na ' y napintasan kita ' t dinggin ko ang kadahilaran. Ang una ' y nabanggit mo si ama ' t si ina, ay di mo nasabi kung sila ' y may sakit o wala; nguni ' t pinararaan ko ang kakulangan mong ito, atdi kataka-taka sa gulang mo sa labindalawang taon; ang ikalawa ' y hindi ang buhay ko kung di ang buhay mo ang itinatanong ko, ang isinagot mo ' y ang pinagdaanan ng kamusmusan ta, at madlang matataas na puri sa akin, na di mo sinabi na yao ' y utang ko sa mabait na magulang natin at sa Maestrang nagturo sa akin. Nguni ' t pagdating sa sabing nagkukunot ang noo ko, at sa mga kasunod na talata, ay nangiti ang puso ko, nagpuri ' t nagpasalamat sa Diyos, at pinagkalooban ka ng masunuring loob.  

 

Ngayo ' y dinggin mo namana t aking sasaysayin yamang hinihingi mo ang magandang aral na tinaggap ko, kay Doña Prudencia na aking Maestra. Natatanto mo, na ako ' y marunong nang bumasa ng sulat nang taong 185 . . . na kata ' y magkahiwalay. Pagdating ko rini, ang una-unang ipinakilala sa akin, ay ang katungkulan nating kumilala, mamintuho, maglingkod at umibig sa Diyos; ang ikalawa ' y ang kautangan natin sa ganang ating sarili; at ang ikatlo ' y

 

Si Urbana kay Felisa. -Maynila. . . .  

 

 

FELISA: Ngayon ko tutupdin ang kahingian mo, na ipinangako ko sa iyo sa hulang sulat, noong ika. . . . Sa mga panahong itong itinira ko sa Siyudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagkakatiwala ng magulang sa aking maestra, at ipinagbibilin na pagpilitang makatalastas ng tatlong dakilang katungkulan ng bata na sinaysay ko sa iyo. Sa mga batang ito, na ang iba ' y kasing-gulang mo, at ang iba ' y humigit-kumulang diyan, ay napagkikilala ang magulang na pinagmulan, sa kani-kanilang kabaitan o kabuhalhlan ng asal. Sa karunungang kumilala sa Diyos o sa karangalan, ay nahahayag ang kasipagan ng marunong na magulang na magturo sa anak, o ang kapabayaan. Sa mga batang ito, ang iba ' y hindi marunong ng ano mang dasal na nalalaman sa doktrina kristiyana, na para baga ng Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan , na sa kanilang edad disin, ay dapat nang maalaman ng bata, kaya hindi makasagot sa aming pagdarasal o makasagot man ang iba ' y hindi magawing lumuhod, o di matutong umanyo, ng nauukol bagang gawin sa harapan ng Diyos. Sa pagdarasal namin, ay naglulupagi, sa pagsimba ' y nagpapalinga-linga, sa pagkain ay nagsasalaula, sa paglalaro ' y nanampalasan sa kapwa-bata,  

 

 

Si Urbana kay Felisa, -Maynila. . . .  

 

FELISA:-Napatid ang huli kong sulat sa pagsasaysay ng tapat na kaasalan, na sukat sundin sa loob ng simbahan: ngayo ' y ipatutuloy ko. Marami ang nakikita, sa mga babaeng nagsisipasok sa simbahan, na lumalakad na di nagdarahan, nagpapakagaslaw, at kung marikit ang kagayakan, ay nagpapalingap-lingap, na aki ' y tinitingnan kung may nararahuyo sa kaniya. Marami ang namamanyo nang nanganganinag, nakabingit lamang sa ulo at ang modang ito ' y dala hanggang sa pakikinabang at pagkukumpisal. Oh Felisa! Napasaan kaya ang galang sa santong lugar: napasan kaya ang kanilang kahinhinan! Diyata ' t lilimutin na ng mga babaeng kristiyano yaong utos ng simbahan, pakundangan sa mga angheles? Diyata ' t hanggang sa kumpisala ' y dadalhin ang kapangahasang di nagpipitagang itanyag ang mukha sa Sacerdote? May nakikita at makikipag-ngitian sa lalaking nanasok, ano pa nga ' t sampo ng bahay ng Diyos ay ginagawang pook ng pagkakasala.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (24)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended