Chapter 10 - Dream (March 21, 2015)

12.5K 399 54
                                    

"Sari!"

Aalis na sana ako ng walang paalam dahil nagpa-panic talaga ako nang dahil sa bag ko at sa katangahan ko pero lumabas na pala si tita Jessa Dora mula sa ward.

"Tita?"

"Ikaw kamusta ka? Mabuti hindi ka nasaktan?"

"Hindi naman po."

Hindi ko alam bakit nagflash sa utak ko 'yung mukha ni Hunter sa utak ko. This timeI was trying to place where his injuries should be, katulad ng sabi ni Nurse Rosella na ngayon ay tanaw na tanaw ko sa loob ng ward na inaasikaso pa rin si Oliver.

"Hetong pera." Inilagay ng nanay ni Hunter ang iilang cash bills sa kamay ko. "Kapag may kailangan si Oliver, paki-asikaso naman ha? Umalis lang ako galing sa isang custody case kaya kinakailangan ko nang bumalik. Mabuti na lang at balakang at braso niya lang ang problema, kung hindi baka magkasakit ako sa pagaalala."

"Opo naman tita. Huwag ka mag-alala." I assured her na aasikasuhin ko si Oliver. Ako pa ba? Sa dami ng oras na inaasikaso niya rin ako, hindi ko pa ba kayang gawin 'yun sa anak niya? Grabe lang din kapag naiisip ko kung gaano ka-busy si tita Jessa Dora. Minsan, nagiging dahilan din ng tampuhan nila itong mag-ina, pero lately, alam kong naging mas understanding na si Oliver sa mga responsibilidad ng nanay niya na isang marangal at masipag na social worker.

"O siya, aalis na ako. Huwag mong hayaang mabingwit ng nurse na 'yon 'yung anak ko."

Aba't kumindat pa si tita?!

"Ikaw talaga tita!"

"Okay, sige na bye! May schedule tayo bukas ah!"

"Ay, oo nga po! Dito rin pala 'yun."

"Oo nga. Maganda nga at dito na rin na-sugod si Oliver para madalaw ko pa rin siya bukas. Huwag mong kakalimutan. Maaga 'yun!"

"Opo tita! Bye na!"

***

'Pagka-alis ni tita Jessa Dora, hindi ko na rin magawang umalis. Nakakahiya naman na ipinagbilin sa'kin ng nanay niya si Oliver tapos hindi ko susundin.

"Oh, bakit hindi ka pa pumasok? Akala ko umalis ka na?"

"Hindi lumabas lang ako. Hindi na ako papasok, text ko na lang classmates ko. Baka hindi na rin ako umabot eh." Pagdadahilan ko kaht marami pa namang oras. Sigurado namang aabot ako kung aangkas ako pero siyempre, ayoko na rin. Ayaw ko lang din sisihin pa ni Oliver sarili niya dahil lang sa simpleng klase, eh mahalaga din naman siya. Fvck the bag. Hindi naman siguro sobrang sukdulan ang sama ni Hunter para iwala 'yun kaya kukunin ko na lang siguro sa uni.

O baka naman babalik siya dito kapag narealize niya na nandun bag ko? Sana. Sana.

Pero inabot na ako ng alas-nuebe, nakabalik na lahat-lahat si Nurse Rosella, pero walang bag na bumabalik. Walang amoy Jo Malone na pumunta, Ni anino ng lalaking 'yun.

'Pagtapos kong bilihan si Oliver ng dinner, umalis na rin ako. Tatawagan ko sana si Minelli para magtampu-tampuhan na hindi man lang niya ako kinamusta nang marinig kong nag-uusap ang ibang papalabas na nurse.

"Hindi pa ba mag-out si Ella, akala ko 'nung isang araw pa siya hindi natutulog?"

"Ewan ko ba doon sa Rosella na 'yun. Reklamo ng reklamo, pero ngayon ayaw na yata umuwi. Crush niya yata 'yung nasa Ward C. Pota siya."

Bigla akong natigilan.

Si Rosella nga 'yung pinag-uusapan. Bigla na lang tuloy nakumpirma 'yung hinala ko. Lampas na yata siya ng duty hours niya tapos perky na perky pa rin sa pag-aalaga kay Olaf? Aba gusto yatang mag-apply bilang girlfriend. 'Di na tuloy ako nakatawag kay Minelli at pinakinggan na lang ang usapan ng dalawang nurse at baka sakaling makasagap pa ng chika. I kept a safe distance para marinig pa ang ibang detalye ng pinaguusapan nila.

Yours (On Hold - Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon