Chapter 09 - Flowers and Proteins (March 15, 2015)

18.9K 673 98
                                    

Chapter 09 - Flowers and Proteins

"I don't need this, Aves." Reklamo ni Ice Jason dahil sa laki ng kwarto na kinasasadlakan niya sa Imperial House Hospital. "Wala akong sugat. Wala masakit sa akin."

"I admit guilt, Your Grace." Lumuhod si Aves, ang squire ni Prince Ice na nawala ng ibang araw.

"Tumayo ka nga."

"Kung hindi ako umalis. Hindi ka makakapagmaneho ng sasakyan. Alam ko namang hindi ka na nagmamaneho. Kung hindi ako umalis baka hindi ka nadisgrasya..."

"Aves Martin. Tumayo ka on my command o ako ang tatayo dito."

May benda sa ulo ng prinsipe dahil sa aksidente pero kung tutuusin ay kaya niya namang magpatuloy sa karaniwang buhay kung hindi lang sa mga protocol ng mga tao sa palasyo.

"Ako ang may kasalanan. If they command you to face the king I will be there. It's not your fault that you were out of duty that night. It's not your fault that I went somewhere at the middle of the night at kinaumagahan na ako bumalik. Isa pang pag-ako mo ng kasalanan I swear I will hang you myself."

Tumayo si Aves Martin.

"Now, get a car and we'll leave."

"Pero prinsipe."

Tinignan ni Prince Ice ang personal na gwardya ng masama na may pagbabanta.

"Saan dinala ang mga nakabangga ko?"

"Sa Capital Commons General Hospital po ang driver at ang dalawa niyang sakay."

"Sige umalis ka na at pupuntahan natin sila."

Pagalis ni Aves ay tumayo na nga ang prinsipe at inayos ang buhok niya sa harap ng salamin.

"So stiff, that lad." Kinakausap niya ang sarili sa salamin pagpapatungkol kay Aves Martin. "My brother's squire, that Voltaire, is now his bestfriend and I still got Aves all stiff and uptight."

~

"Ang tagal." Reklamo ni Soapy. Napakahaban ng pila ng mga tao sa trauma unit. Lahat ng mga pasyenteng nakapila pa. Ang iba pa nga ay hindi na makaupo. Lahat ng pasyente ay biktima ng trauma accidents. Nabagok, na hit-and-run, nahulog sa hagdan, nabagsakan ng kung ano, at kung ano-ano pa.

"Excuse me, excuse me!" sigaw pa ng isang nanay na akay-akay na anak na nabalian.

Siksikan talaga sa Capitol Commons General Hospital. Libre kasi sa ospital na ito ang mga residenta ng Capital Commons kaya madaming tao, at mas nauna pang inaasikaso ang mga sobrang emergency.

"Kaya nga... sobrang tagal." Sumangayon si Dew Lia. "Oh 'diba sobrang unfair? Parehas lang naman tayong na-aksidente. Pero tayo nakapila ng mahaba dito sa ospital samantalang 'yung mga dugong bughaw diyan sa tabi-tabi, sila na nga ang naka-bangga, sila 'yung nagpapakasarap sa private hospital ng mga noble people."

"Shh. Dew." Pinatahimik ni Soapy si Dew Lia. Kinausap na kasi sila ng Liaison ng Palasyo kanina at pinakiusapan silang manahimik na lang sa disgrasyang nangyari. "Hindi na rin naman tayo nasaktan eh. Babayaran naman daw nila ang pagpapagamot sa atin." Turo nito sa palace woman na kasama nila para ayusin ang hospital bills.

"Eh kahit na. Ipapaospital din pala, dito pa sa pinakamurang ospital. Bakit hindi rin tayo i-private."

"Jusko! 'Yun lang pala ang issue mo ateng!" natatawa si Soapy.

"Eh kasi ang tagal-tagal naman dito."

"Dew Lia, siyempre. Waiting here is good. Waiting is good. It means you are not going to die. Mas mainis ka, at dapat mas matakot ka kung hindi ka naghihintay dito. At ira-rush ka na sa emergency room at mamamatay ka na rin. O, ano? Ayaw mo ng maghintay."

Fire and Ice (Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon