Chapter 8 (03/13/15)

710K 16.7K 2.4K
                                    

Chapter 8

[Timi’s POV]

 

“Pang-apat na baso na natin ‘to, pero hindi mo pa rin kinukwento ang gusto mong ikwento,” sabi ni Rika habang naglalagay ng Jhonnie Walker scotch whiskey sa baso. Medyo namumula na ang mukha niya.

            Kanina pa nag-alisan ang mga boys matapos nilang magkalat dito sa condo namin ni Rika. Tambak ng hugasin ang sink namin at nagkalat ang pinagkainan nila ng lasagna at cake. Nag volunteer naman si Geo at Kite na magligpit pero pinalayas na namin sila dahil gusto na naming mapag-solo ni Rika.

            I smiled at her, “mas ma-s-shocked si Kite pag nakita ka niya na marunong ka na ring uminom ng alcoholic beverage. Medyo madali ka nga lang malasing.”

            Napailing si Rika, “hay naku Timi, don’t change the subject, ano na ang ikukwento mo? Dali na habang sober pa ako at may kakayahan pa akong makapag-advice ng matino.”

            Nag sip ako sa iniinom kong whiskey, bumuntong hininga ng malalim, tintitigan si Rika, at napahagulgol na lang ako ng iyak.

            “Hayop na lalaking yun! Ang hirap kalimutan! Nakakabwiset!” pahikbi-hikbi kong sabi kay Rika habang tuloy-tuloy na talaga ang pag-agos ng luha sa mata ko.

            “Alam mo yung feeling na, ginawa mo na ang lahat. Lumayo ako sa kanya, sinubukan kong pumasok sa ibang relationship, ginawa ko ang lahat makalimutan ko lang siya. Pilit ko na siyang inaalis sa isip ko then there comes a point na akala ko wala na talaga. Hindi na ako naapektuhan. Hindi ko na siya mahal. Then boom, nakita ko lang siya nasayang lahat ng pinaghirapan ko over the years. Nasayang ang effort ko na kalimutan siya. Isang ngiti pa lang niya, nagwawala na naman ang bobo kong puso.Ang bobo bobo bobo ng puso ko. Nakaka bwiset! Alam yun ha, Rika? Alam mo yun?”

            Tinignan ko si Rika na nakatulalang nakatingin sa akin. Nagulat ata sa bigla kong pag ngawa. Ibinaba niya ang baso na hawak niya, bumuntong hininga, at bigla na lang din siyang umiyak.

            What the hell?

            Lasing na ba ‘to?

            “Uy, na feel mo ba ang na feel ko kaya ka umiiyak?”

            “Actually,” mas napahagulgol ng iyak si Rika. “Nakaka relate akoooo! Ganyan! Ganyang-ganyan din ang nararamdaman ko, Timi! Ganyang ganyan! Na tumbok mo!”

            Napatakip ako ng bibig.

            “Oh my gosh, don’t tell me---? Wait. Hindi ka pa ba over kay Kite?”

            Rika looked at me with her tear-stained face, “akala ko over na, hindi pa pala.”

            “Oh my gosh. Ano bang ginawa sa atin ng mag pinsan na ‘yan?”

            “Eh ewan. Mga bwiset sila. Nakakainis sila.”

            Itinaas ko ang baso ko, “para sa mag pinsan na heartbreaker.”

            Itinaas din ni Rika ang baso niya at nag toast kami.

            “Cheers!” sabay naming sabi sabay inom ng whiskey.

            “Pero Timi, nung nagkita kayo ni Ice, anong sinabi mo sa kanya?”

            “Nag panggap akong hindi ko siya kilala,” medyo napatawa ako. Effective ng acting ko nun. Kaso alam kong nakikita ni Ice ang totoo.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon