[ 30 ] Temporary Memory Loss

46.5K 519 69
                                    

CHAPTER 30: Temporary Memory Loss



Jin's POV


"Sino ka?"


I was dumbfounded. Hindi ko alam kung niloloko niya lang ako o sadyang totoo na.


"Gab"

"Sino si Gab?"

"Gab"


Hindi ko na napigilan pa yung luha ko. Nasabihan na ako ng doctor tungkol dito but it hurts even more when you are experiencing it than just by hearing it from others.


*The next day*


Nandito ako ngayon at kausap yung doctor na tumingin kay Gab. He was already interviewed and examined by the doctors kaya ipinatawag nila ako dahil ako yung tumatayong guardian niya dahil hindi ko pa nasasabi sa parents niya. I was still shocked by what is happening so my mind is a mess and I can't think clearly.


"Temporary memory loss?" tanong ko sa doctor


Hindi ako makapaniwala at inulit ko lang ang sinabe ng doctor.


"Because of insufficient oxygen caused by drowning, there is a high possibility of damaged brain cells" -doctor

"If it is temporary memory loss, when will he be able to recover his memory?"

"I can't be sure when. For cases like this, it will take 1 to 2 days or before 7 days for his memory to be fully recovered"

"What am I supposed to do?"

"Instead of taking immediate action, it is better to observe for a period of time"

"Thanks doc"


Pagkatapos akong kausapin ng doctor, I immediately when to the hospital room where Gab is. I am still lucky that he can recover his memory for just a week. His case is different from mine. Mine was amnesia and his is just temporary memory loss. He should be okay soon.


Naabutan ko siya na nakaupo sa kama. He is physically healthy. Yung utak niya lang ang may problema which is good. All this time, I thought that the memory loss is caused by the incident before he drowned but I was wrong.



3rd person's POV


Nasa isang kwarto lang si Gab at hinihintay ang kasama niya. Kung ano ano ang tumatakbo sa isip niya dahil na din sa wala talaga siyang maalala kahit na ang pangalan niya. Pero nakita niya ang patient's name tag sa kamay niya at nakasulat doon, 'Gab Teppei'


'Gab Teppei siguro ang pangalan ko. Sino kaya yung babaeng yun kanina? Girlfriend ko ba siya?' tanong sa utak niya


Iniisip niya pa lang yun, napapangiti na siya. Para lang siyang isang bata na walang kamuwang muwang sa mundo.


Nang mapansin niya na pumasok ang babaeng una niyang nakita, hindi niya naiwasan na sundan ito ng tingin. Umupo lang naman ang babae sa tabi niya.


"Anong pangalan mo?" tanong niya sa babae

"I'm Jin" sagot nito at saka ngumiti

"Jin? Close ba tayo noon?"

"Rather than being close, I will say that we were on the same boat instead"

"Paano ako nagkaganito?"

"You turned out like that because of me. You are helping me regain my memories when that accident happened"

"That's a relief. Akala ko idiot na ako sa simula pa lang"


Natawa na lang si Jin sa huling sinabe ni Gab. Naweiweirdohan kasi siya dito. Hindi ito kagaya ng nakilala niya na Gab noon na masungit at kapag nangungulit, nangaasar ng nangaasar lang dahil ang kaharap niya na Gab ngayon, palangiti at mabait.


"Oi Jin. Wala ba akong pamilya? Alam ba ng nanay ko na nandito ako? Yung tatay ko, alam din ba?"

"They'll be here soon. Sorry, hindi ko pa kasi sila natatawagan dahil naguguluhan ako kanina"


Napangiti na lang si Jin ng pilit. Sa ngayon, walang ibang nakakaalam sa kondisyon niya. Pinauwi niya na lang kasi ang mga kaibigan niya dahil na din sa gusto niya munang itago ang mga nangyari sa kanila.


"Babalik na din naman ang alaala ko kaagad sabi ng doctor, hindi ba?"


Napatango na lang siya sa tanong ni Gab. Totoo naman kasi na babalik din kaagad ang memory na nawala sa kanya.


"Then, don't tell my parents to come"


Nagulat siya sa sinabe nito.


"Tawagan mo na lang sila kapag bumalik na yung alaala ko. Kapag hindi ko sila naalala, baka malungkot lang sila. Ayaw ko na magalala pa sila dahil lang sakin"

"Sige"


***


Nang maiwan mag-isa sa kwarto si Gab, tumingin lang siya sa salamin at tinitingnan yung sarili niya at inulit ulit ang pangalan niya para matandaan at pumasok sa isip niya. Naisipan niya din na lumabas muna dahil wala na siyang magawa sa kwarto. Naglalakad na siya nang makasalubong niya si Jin.


"Gab!"

"Jin"

"Where are you going?"

"Lalabas lang ako. Gusto kong makita yung araw" sagot ni Gab at saka ngumiti

"Let's go. Samahan na kita"


Pumunta sila sa likuran banda ng ospital kung saan may open space.


"Here, eat this" sabi ni Jin sabay abot ng apple kay Gab


Kinuha naman yun kaagad ni Gab at nagulat siya ng humiga ito sa damuhan habang kinakain ang apple na binigay niya. Nakaupo lang si Jin sa upuan na malapit lang kay Gab at tinitingnan niya ito ng biglang tumunog ang phone niya.


"Hello"

[ Shane, how are you? ]

"I'm alright. How about you? You've been busy"

[ I'm good. How are things going on there? ]

"Well, I can everything now Terrence"

[ That's good. I'll be going there as soon as I find time ]

"O-okay. I'll be waiting"

[ I missed you, Shane ]

"I also feel the same way. Oh wait, I'll call you some other time"

[ Okay, take care ]


Agad na binabaan ng phone ni Jin si Terrence dahil sa nawala sa paningin niya si Gab. Masyado siyang nadistract sa pagtawag ni Terrence. Agad siyang tumayo at hinanap si Gab. Agad niya rin naman na nakita si Gab na nakasandal sa puno at ngumunguya ng bubble gum.


"Gab! Oh, you're chewing a gum? where did you get that?"

"Gusto mo?"


Inabutan siya ni Gab ng bubble gum pero hindi niya kinuha.


"Saan yan galing?" tanong niya ulit

"Kay batman"

"Batman?"


Nang lumapit pa siya lalo, napansin niya na may katabi ito na ganun din naman ang ginagawa.


"Ikaw si batman?" tanong ni Jin sa katabi ni Gab

"Ssh. My identity is a secret" sagot ng katabi ni Gab

"Gab, let's go"


Hinatak patayo ni Jin si Gab.


"Bye friend" -lalaki

"Bye batman!" -Gab


Nagmamadali na hinila ni Jin si Gab palayo sa lalaki. Naisip niya na may problema sa pagiisip yung lalaki na kasama ni Gab. Agad rin naman silang bumalik sa kwarto.


Dali daling binuksan ni Jin ang tv para mabaling sa iba ang atensyon ni Gab. Kapag nakikita niya kasi si Gab, naiisip niya na kung hindi niya ito kilala ay mapagkakamalan niya na rin itong baliw dahil sa palagi itong nakangiti at sa mga kilos niyo at dahil na din sa mang-mang o wala siyang kaalam alam dahil sa pagkawala ng memorya niya.


Tungkol sa business ang palabas sa tv ng buksan nila iyon. Hindi na rin naman ni Jin nilipat dahil interesado siya sa palabas.


"How do you feel?" tanong ni Jin sa kasama

"I feel weird" sagot nito

"Alam mo ba, isa kang businessman kagaya niyang nasa tv"

"Really? Kilalang kilala mo ba ako?"

"I don't know you well"


Yun na lang ang naisagot ng dalaga. Hindi niya din naman kasi ganoon ka kilala si Gab ngayon. Alam niya na matagal silang hindi nagkasama at marami na ang maaaring ipinagbago nito.


"You must be a scary person to me before" out of nowhere na sinabe ni Gab

"Why do you think so?"

"Kasi tuwing tinitingnan kita, masakit dito"


Napahawak ang binata sa dibdib niya pero nakangiti pa din ito.


"Siguro nga Gab"


Nalulungkot at nasasaktan si Jin sa narinig niya. Malinaw kasi sa kanya ang nararamdaman niya. Kahit pa man na naalala niya si Gab, may nararamdaman pa din talaga siya kay Terrence at sa tingin niya, masasaktan niya na naman ang binata kapag bumalik na ang alaala nito dahil sa iba pa din ang gusto niya. Sa tingin niya lang ay may responsibilidad siya kay Gab kaya siya nagiging mabait dito at alam niya sa sarili niya na minsan niyang minahal ang lalaking nasa harapan niya ngayon.


Biglang nagring ang phone ni Jin at hindi niya inaasahan ang tumatawag, si Mika.



Mika's POV


When I got back from my photoshoot in Palawan, I went straight to Gab's office. I've been very busy these day and I haven't talked to him for a while kaya naman ililibre ko sana siya for dinner pero pagpunta ko sa office niya, ang sabi lang sakin ng secretary niya, hindi daw siya pumasok. It is Monday and he never gets absent except na lang kung may important things siyang aasikasuhin. Hindi din daw niya kinontact ang secretary niya kaya naman, hindi nila alam kung nasaan siya.


I tried calling him but his phone is off. I also went to his house but he isn't there. I contacted his friend but they are not answering any of my calls. I already called KL, Spencer, Steven and Risa. The only one left is Jin. I think that she could have an idea on where could Gab be especially now that Gab is trying to make her remember everything. As soon as I called, sinagot niya din kaagad.


"It's me"

[ Bakit ka napatawag? Anong kailangan mo? ]

"Woah! You're speaking tagalog. That's so different of you. Anyway, I'm looking for Gab. I'm sure alam mo kung nasaan siya"

[ Let's meet. Pumunta ka sa lugar na itetext ko sayo ]

"Just make sure that you'll let me know where Gab is. I'll hang up now"


Binabaan ko na siya ng phone. Agad din akong nakareceive ng text galing sa kanya and she wants me to go to the hospital. I immediately went to the said hospital and because she already gave me what room, I went straight to that room. I found Jin blow drying Gab's hair. Nakasuot ng hospital gown si Gab. What is this all about?


Agad akong lumapit kay Gab at umuposa gilid ng kama kung saan din siya nakaupo at hinawakan siya sa mukha at inexamine yung mukha niya.


"Gab, are you alright?"

"Mika" -Jin

"Who is this girl?" tanong ni Gab kay Jin


Nagulat ako sa tanong niya. Kung tumingin din sakin si Gab, parang kakaiba at yung itsura ni Jin, mukhang may kakaibang nangyari.


"This girl?! Are you kidding me?! Why are you talking non sense?!" pasigaw kong tanong

"Mika" -Jin

"Gab, I'm Mika. What's wrong with him?"


***


Hinayaan lang niya muna kami na magusap kaya lumabas muna siya. I can't understand what really is going on here. Nakaindian sit siya sa kama niya at nagkekwento.


"Sabi niya lang sakin, tinutulungan ko siya maregain yung memory niya nung naaksidente ako" -Gab


Paikot ikot lang akong naglalakad dito at sinusubukan kong ipasok sa sistema ko yung mga nangyayari. I am too tired yet ganito pa.


"Hey" -Gab

"What?!" pasigaw na tanong ko

"Are we very close?"

"Anong sinasabi mong close?! We're not close at all! Ugh!" umupo ako sa tabi niya "We're very close. You liked me when we were in high school and you already became my boyfriend"

"Ganun pala yun"


Tumayo na ako ulit at nagpalakad lakad sa kwarto niya. He's crazy!


"Hey"

"Ano na naman?!"

"Sabi mo close tayo, siguro naman kilala mo talaga ako"

"No, I don't!"


Nakita ko na para siyang nalungkot sa sagot ko kaya naman nilapitan ko ulit siya.


"Yes, I do. I know you very well Gab"

"Buti naman kung ganun" ngumiti siya. Isang ngiti na hindi ko pa nakikita sa kanya. Para lang siyang bata.

"Bakit?"

"Kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na ako bumalik sa kung sino ako dati. Sabihin mo lahat ng tungkol sakin"


Nakangiti pa din siya. I'm getting annoyed with how he speaks. He is not the Gab I knew. He is a total weirdo.


"Kung hindi ko man maalala yun lahat, kakabisaduhin ko na lang. Kung sino parents ko, what I like and dislike. Alam mo naman yun lahat hindi ba?"


I nodded and smiled. i pity him for being in this state and at the same time, I feel angry towards the one who did this to him.


"That's great"


Bumukas ang pinto at pumasok si Jin. Agad akong tumayo at nilapitan siya.


"Mika, I would like to talk to you about Gab"

"It's because of you kaya siya nagkaganyan!"

"Ako nga"

"Sino ka ba para gawin sa kanya yan?!"

"I'm sorry"

"Why did you came back to his life and put him in tht state?! He can't remember a thing. What are you going to do with that?!"

"Okay lang ako. Wag kayong magaway, nakakatakot"

"Hey Gab, don't move and just stay there. Magusap tayo Jin, follow me"


Naglakad ako papunta sa lugar na wala masyadong tao para walang makarinig ng paguusapan namin.


"Mika, please think about the situation logically"

"Logically?! I will not hand him over to you"

"What are you saying?"

"I said, I will not hand him over to you. It seems like you remembered everything. Just leave and don't come back here anymore"

"How can you say that? I'm his friend"

"Friend or ex-girlfriend? It doesn't matter anymore Jin! Muntikan na siyang mamatay and that's all because of you! You almost killed him and you call yourself a friend?! Leave! Kung may konsensya ka pa, umalis ka na"


Napansin ko na naluluha na siya. Yan na naman siya sa pagdadrama niya.


"You don't know anything about his life. Matagal kang nawala. Don't treat other's life as a joke!"

"A joke? Aren't you a little too harsh Mika? I also feel upset about what happened. It is really an accident. I never treated his life as a joke"

"Hindi ba ikaw yung bumalik balik pa dito? If only you didn't enter his life again, he would've been settled and is living a normal life now!"


Napatingin siya sa ibang direksyon at nagbago yung itsura ng mukha niya kaya napatingin din ako doon. I saw Gab sa likod ng isang poste at nginitian niya lang kami.


"I don't want to waste any more time talking to you Jin. Just leave"


Agad akong umalis doon at hinila si Gab. I will not let her ruin Gab's life again. From now on, ako na ang bahala sa kanya at hindi ako papayag na lumapit pa ulit yang Jin na yan kay Gab. Si Terrence naman gusto niya hindi ba? Doon na lang siya. Sana hindi na lang siya ulit nagpakita samin edi sana okay na ang lahat ngayon.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon