CHAPTER 17.

36.6K 817 54
                                    

Instagram.com/theellestrange

Twitter.com/ellestrangewp

---------------

Two weeks with no Mikael and I already miss him so damn much. Pakiramdam ko masisisraan na ako ng bait. Miss na miss ko na sya. But what could I do? Parang mas masakit pa ang isipin na makikita ko syang masaya sa iba kesa sana, hinayaan ko na lang sya na matutunan ako mahalin. I could have just let him show me what he really felt about me. What I am to him.

Naiisip ko na I could have just settle in the idea that he's already beginning to actually feel something for me aside from just caring since he really wanted to be with me in the first place. Sana hinayaan ko na lang sya.

He wanted to explain pero binalewala ko.

Friday night after work ay nag aya gumimik ang mga kasamahan ko. May ilan na may pasok bukas pero sumama pa rin sila. Napag usapan naman na namin 'to last wednesday so nagdala na lang ako ng damit. Ganon din ginawa ng iba.

Kumain kami ng dinner sa isang buffet style resto bago dumiretso sa isang bar around nine pm. Pito kami lahat at pinilit ko na lang na pasiglahin ang sarili ko. Besides, may magagawa ba ako? Ayokmaging kj. We all want to have fun.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang mag vibrate ang cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit umasa ako na si Mikael iyon. Mariin akong pumikit bago tiningnan ang cellphone ko.

Unknown number.

0915xxxxxxx: This is Irina. Let's talk.

I feel like the time froze.

Sa dami ng pwedeng mag message sa akin, bakit sya pa? Naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko alam kung magrereply ako, pero kung tutuusin.. Madami pa ako gusto malaman. Masasaktan ako, pero ano pa ang pinagkiba noon sa sakit na naramdaman ko na?

Isa pa, gusto ko rin malaman kung ano ang gusto nya sabihin.

Will she tell me to forgive Mikael? Or will she tell me na hayaan na silang dalawa?

In the end, I replied and ask her where. She replied with the name of a bar. As much as I wanted to have fun with my workmates, I had to tell them na may biglaang lakad pala ako.

Closure na rin siguro sa nangyari sa Cavite.

It all started there.

I went to the bar. Luminga ako sa paligid at wala pa sya. Jazz ang pinapatugtog at kahit papaano ay nakaka relax. Umorder lang ako ng red tea nila at isang cupcake.

I looked at my watch. Pasado alas nueve na, at fifteen minutes na ako doon. I know, pupunta si Irina. She wanted to talk. She was the one who initiated.

Five minutes more and I saw her enter the glass door. She was wearing a white peplum dress na may red details. Naka taas ang buhok nya at may nakalugay na ilang hibla. She looked stunning.

Bitbit ang itim na clutch bag nya, she looked around at straight face na tumingin sa akin. She then walked towards the table.

I just looked at her. Gusto ko magka idea sa kung ano ang gusto nyang pag usapan namin through her moves, pero wala. Wala akong nabasa bukod sa napaka pormal nya.

"Hey." Bati ko. I wasn't smiling, but I don't want to be rude so I acknowledge her presence.

Tumango lang sya at umupo.

We both sighed. Itinaas nya ang kanyang kamay. She ordered champagne to the waiter. Pinagsalikop nya ang mga kamay nya sa mesa at nagtama ang paningin namin.

Just One Reason (Completed)Where stories live. Discover now