Chapter 50 Part 2 Flatline

374K 6.1K 614
                                    

Happy 10M reads and #2 pa rin sa GenFic. Thank you loves!

Graciela's POV

"Are you okay?" tanong ni Isabel sa akin.

Kasalukuyan kaming nasa mansyon. She hosted a babyshower for me. Heto na ang pangatlong baby shower ko. Yung una noong 6 months pa lang ang tiyan ko. Its actually a surprise baby shower na sina Julius ang naghanda. Yung pangalawa ay sina Giana at Mercy ang punong-abala. Pero exclusive lang iyon for girls na kamag-anak ko at mga kaibigan. At ngayong kabuwanan ko naman ay sinurpresa ako ni Isabel. Ito naman ay with the boys. It's only a private dinner.

"Im fine. Masyado lang ata ako nabusog sa mga hinanda niyo." sagot ko. Kanina pa kasi ako hindi mapakali dito. Parang naiinitan ako na sumasakit ang likod ko. Siguro normal lang naman ito dahil kambal ang dinadala ko.

"Are you sure?" paniniyak niya.

Tumango ako.

"Thank you for this. You're the best!" tukoy sa baby shower na siya ang punong-abala.

"Anything for you at sa aking mga pamangkin." nakangiting sabi niya habang hinahaplos ang bandang tiyan ko.

"Ang mabuti pa puntahan ko muna sina Yvo. Sasabihan ko lang siya na magpapahinga na lang muna siguro ako sa kwarto." sabi ko. Tumayo ako ng dahan-dahan. Inalalayan naman niya ako. "Hay grabe!" napahawak ako sa likod ko dahil sa sobrang bigat ng dinadala ko.

"Hindi ba next week pa due mo ate?" tanong ni Isabel habang naglalakad kami patungo sa veranda ng mansyon. Nandoon kasi nag-iinuman ang mga magpipinsan na Villareal at dalawa sa mga kaibigan ni Yvo.

"Yes. Kinakabahan nga ako eh."

"Paniguradong Kuya Yvo will freak out once you're in labor." natatawang sabi niya.

Natawa na lang din ako. This past few days kasi ay hindi na siya pumasok sa opisina. Kaunting aray ko nga lang ay nahuhumindig na siya. Minsan nga kalagitnaan ng gabi ay umaray ako kasi nasagi ko yung side table, ay bigla ba naman siyang tumayo. Kung ano-ano na ang tinanong sa akin. Kinuha na rin niya yung bag na hinanda namin para sa hospital. Natatawa na nga lang din ako kapag naiisip ko iyon.

"Siguro nga!" sang-ayon ko.

Naabutan ko ang mga lalake na nagtatawanan. Tumabi si Isabel kay Ralph na inaasar lang siya.

Lumapit sa akin si Yvo at inalalayan niya ako palapit sa mesa ng mga kainuman niya. Itinapon ni Flynn yung sigarilyong hawak niya nang makalapit ako sa kanila.

"Anong pinag-uusapan niyo? Mukhang nagkakatuwaan kayo." bungad ko. Magkatabi kami na umupo ni Yvo kaharap ang limang lalake at si Isabel. Umakbay si Yvo sa akin.

"Well, pinag-uusapan namin yung nangyari sa engagement niyo. Kung gaano kapalpak si Flynn." sagot ni August. Nagtawanan ang iba.

"Hey... its not my fault!" depensa ni Flynn habang nagsasalin ng yelo sa kopita niya. "Ginagawa ko lang ang sinabi niyong gawin ko. Maghanap ng available na restaurant. Kasalanan ko bang hindi sila nagbabayad ng kuryente" dugtong niya.

Actually, nawalan talaga ng kuryente sa lugar kung nasaan ang restaurant. Natagalan lang sila paganahin ang generator. And the loud bang that I heard was the fireworks. Nagulat lang kasi ako dahil nga madilim. Akala ko nga mapapaanak ako ng di oras sa sobrang nerbiyos ko at that time. Nabitawan kasi ako ni Yvo dahil may tumulak daw sa kanya noong medyo nagkakagulo na.

Itinuloy pa rin namin ang celebration kahit ganun ang nangyari. Hindi naman nasira ang gabi namin ni Yvo. Naging mas memorable pa nga eh.

"Next time dude, huwag ipagkatiwala kay Flynn ang mga ganyang bagay." natatawang sabi ni Yvo. Kinurot ko lang ito sa tagiliran. They all plan it daw talaga. Kaya natoka kay Flynn ang location kasi nga mahilig ito sa mga party.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon