SDTR: Kabanata 37

155K 3.8K 314
                                    

SDTR: Kabanata 37

Pinauwi ako ni Dad sa La Trinidad kahit na labag iyon sa kalooban ko ay napasunod niya pa rin ako. Ganun naman, mahirap suwayin ang magulang.

"Sinasabi ko sayo, baka kung anong mangyari kay Claire." Narinig ko ang boses ni Dad doon sa loob ng kwarto nila ni Mama, panay lang ang pagpisil ko sa sariling palad ko dahil sa kainisan.

Kanina pa kasi sila nagtatalo ni Mama tungkol sa kalagayan ko at hindi ko na nagugustuhan iyon, kaya madali na akong tumungo sa kwarto nila para pigilan sila sa pag aaway nila.

"Ma, Dad, tama na yan." Ginawa ko ang lahat upang maging mahinahon ang sarili ko. Napatingin sa akin ni Mama at Dad.

"Please? Wala namang nangyari sa aking masama. Alright, naiintindihan ko kung bakit ganyan kayo ka-protective, pero Ma, Dad, hindi na maganda, nasasakal na ako. Hindi na ako bata." Pinilit kong h'wag magkaroon ng pagkainis ang tono ng pananalita ko dahil ayokong maging bastos sa sarili kong magulang.

"I'm fine." Mariin na sambit ko at saka tinalikuran ko na sila. Pumasok na ako sa kwarto ko at padabog kong tinalpak ang pintuan saka dumapa na ako sa kama ko.

Mas lalo akong nainis nang maalala ko yung notebook, kapag ganitong nakikipag talo ako kela Mama ay yun lang ang nakakapag pagaan ng loob ko. Kainis na Ethan, inagaw niya ang bagay na nag iisang kakampi ko.

Marahas kong kinamot ang ulo ko pero natigilan ako nang mag vibrate ang cellphone ko, isang text message ang nandoon mula sa hindi kilalang number.

From: Unknown number...

9 o'clock, baby. :)

Kumunot ang noo ko at dahan dahang namilog ang mata ko nang maalala kong alas nuebe ng gabi akong niyayaya ni Ethan para makipag date sa kanya. Tumihaya ako sa kama bago isi-nave ang number ni Ethan saka ako nagsimulang magtipa ng irereply sa kanya.

To: Ethan

Paano mo nalaman ang number ko?!

Sa pagtetext kong iyon ay alam kong nakasigaw ako! Hinintay kong magreply siya at wala pang limang segundo akong nakatanggap ng reply mula sa kanya na nagpainit sa mukha ko.

From: Ethan

I am so fucking glad na nakilala mo kaagad ako sa isang text lang. Maraming paraan basta't para sayo.

To: Ethan

Makipag date ka sa sarili mo!

From: Ethan

Lalo kang gumaganda kapag nagsusungit ka. :)

"Aba't!"

To: Ethan

Bwisit.

From: Ethan

Meeting lang muna ako, baby. Be ready at 9. :*

Halos marinig ko ang sariling halakhak ko dahil sa emoticon na yon, napaka korni niya. Pero kaagad akong huminto dahil napagtanto kong masyado akong nagagalak sa estrangherong nagpapawala ng puso ko.

Kusang kumilos ang katawan ko, nagsuot ako ng dress na kita ang kalahati ng hita ko, kulay maroon ito na bumagay sa kaputian ko. Inilugay ko lang din ang medyo mahaba ko ng buhok at saka tumitig na ako sa salamin.

"Sasama ka talaga sa kanya, Claire?" Bulong ko sa sarili ko.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka nagpasya na akong magbihis nalang ulit ng pambahay dahil hindi ko siya sisiputin! Bahala na! Gagawa nalang ako ng ibang paraan para makuha yung notebook na yon, pero bago pa man din ako makapag bihis ay tumunog na ang ringtone ng cellphone ko at kinabahan ako nang makita ko ang pangalan niya sa screen!

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon