[23.2] Confess Or Dare?

500K 11.9K 1.3K
                                    

[23.2] CONFESS OR DARE?

KAYE ANNE'S POV

"Nathan likes Kaye Anne ever since and still like her till now. Ayiiieeeeeeeeee!"

HUWAAAAAAAAAAAT?

"Yown oh!"

"Yieeee!! Si Ate Kaaaaaaaaye!!"

Kanya-kanya lang silang asar sa akin at kay Nathan. Ako naman, hindi ko alam kung anong i-rereact ko. Si Nathan gusto na talaga ako dati pa hanggang ngayon?

EEEEEEEEEEEHHHHHH!!!!!!!

"Madaya ka Chloe! Ako dapat magrereveal niyan eh!! Hahaha!" Narinig kong sabi ni Gail. So, pati siya alam niya? GAH! Huwag naman kayong ganyan. Masama akong kiligin.

Napayuko nalang ako nun. Patuloy pa rin sila sa pagkantyaw kay Nathan. Eh malamang sa malamang, nakakahiya kayaaa~

"Let's hear Nathan's side first." I heard Kurt said. Malamang, itong si Kurt nagbubunyi na sa loob-loob niya. Aba't alam niya rin kasi yung nararamdaman ko towards Nathan. Nung nawala kasi sila Nathan and Gail, kami ang magkaramay sa mga ganyang bagay eh.

"Oo nga! Explain, dude! Bawal ang trip-trip lang, Nathan ah. Si Kaye Anne yan eh. Crush ko pa naman siya... HAHAHA!" Napaangat na ako nun ng ulo ko. Tapos nalaman ko na si Wayne pala ang nagsalita. Loko-loko talaga.

"Oo na. Oo na." Naiilang na sagot ni Nathan tapos nakita ko pa siyang sumulyap sa akin saglit tapos umiwas agad ng tingin. Nanahimik naman silang lahat. Parang hinihintay ang kung anumang sasabihin ni Nathan.

"Nagkagusto ako kay Kaye Anne 3 years ago. Narealize ko lang yun nung pumunta na kami ni Gail sa Germany. Wala lang, hinahanap hanap ko kasi yung kakulitan ni Kaye Anne nun." Huminto siya saglit tapos tumingin siya sa akin ng seryoso. "Namiss ko talaga siya ng sobra."

Tagos sa sa pancreas, lungs, intestines, gall bladder at of course sa puso ko yun. Enebenemenyen!

"KYAAAAH~ Weg ke nge! Kinikilig ako sayo Nathan! Nakakalurkey! Nyahahahaha!" Kinikilig na sigaw ni Chloe. Napakagat-labi naman ako nun. Kaye Anne, suppress your smile. Mamaya ka na ngumiti pag solo ka na. Huwag mo pahalata na kinikilig ka!! Maghunus dili ka!

"Ssshhh... Ingay mo mhine.." Sino pa ba nagsabi niyan? Edi si Dustin. Inungusan lang siya ni Chloe kaya nanahimik nalang ulit si Dustin. Alam na! Under---- standing.

"Complete explanation dapat. You told me this morning na you liked her eversince and still like till now. Like in a sense of--- what?" Chloe interrogated. Nag-react naman silang lahat sa tanong ni Chloe na kesyo daw oo nga naman, like in what aspect daw? Like as a friend or more than that?

Narinig ko naman tumawa ng mahina si Nathan tapos napakamot pa sa batok niya. "Walang explanation. Basta gusto ko si Kaye Anne. Gusto ko siya bilang babae. Period."

"Bwahahahahaha! Alangan namang gusto mo siyang bilang lalaki?!" Pabirong komento ni Wayne.

Emerghed! Kill me now! Ay, no! Don't. NBSB pa ako, don't kill me yet. Ngayon pa na may gusto sa akin si Nathan. WAAAAAAAAH!

Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok nun. Natutuyuan naman kasi ako ng lalamunan. Pakiramdam ko nasa hot seat kami parehas ni Nathan. ANg init na talaga ng pakiramdam ng mukha ko nun. But as I have noticed, tuwang tuwa din si Gail sa pagcoconfess ni Nathan. Para kasing suportado niya si Nathan eh. Naisip ko, hindi naman siguro masamang i-share sa kanya yung secret ko about Nathan right?

Pinaikot na naman nila yung bote, at tumapat ito kay Kaye Anne. Kaye Anne? Ako yun diba?! Oh well papel, sino naman kaya ang ibubuking ko?

Ako na ang nagpaikot ng bote... At kung sinuswerte ka nga naman oh... "YEAH, MASTER!!"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon