Charotera 18

19.1K 539 46
                                    

A/N: Woohoo. Sa wakas, nakaisip din ng update, haha! Pasensya na kung natagalan ha. Sana magustuhan nyo. O sya, breakfast lang ako ha, medyo gutom na eh. Enjoy guys!

Dedicated pala 'to sa isa ko pang kaibigan. Si Pussycat dolls. Kanina pa kasi nangungulit kung tapos na yung chapter eh. Eto na Miss. hahahahaha! Happy ako at may lovelife ka na. Pagpatuloy mo yan okay?

Btw, di ko naedit so, kebs, hahaha!

==================================================================

PRINCESS' POV:

"Wow, aga-aga, may LQ kayo?" nakangiting tanong sakin ni Marlo sabay nguso kay Maine na hindi man lang tumitingin sa direction naming dalawa.

Malungkot na tumingin muna ako kay Maine bago ikwento kay Marlo yung nangyari kagabi nung hinatid ako ni Maine sa bahay.

-FLASHBACK-

"Why don't you answer it" malamig na sabi nya habang nagddrive.

Papano ba naman kase, kanina pa tunog ng tunog yung phone na binigay sakin ni JAM. Kanina pa sya tawag ng tawag pero cancel lang ako ng cancel kase papano ko naman masasagot 'to kung ang sama-sama ng tingin ng katabi ko diba?

"Hindi na, hindi naman yata importante" nakangiting sagot ko.

Kailangan kong ibahin yung mood dito sa sasakyan, kanina pa kasi sya nakasimangot eh. Nakakaloka kase, nagseselos sa isang tao na ni hindi pa nga namin nakikita.

"Hindi naman yan tatawag ng ilang beses kung hindi importante diba?" sabi pa nya.

Naman kasi JAM! Tantanan mo muna ako. Pwede naman kasing mamaya na tumawag. Yung wala na sa harap ko 'tong magandang babaeng 'to. Baka sakaling sagutin ko pa yung tawag nya.

"Di yan, baka nangungulit lang" sabi ko pa.

"Okay" sabi nya sabay kibit-balikat.

"M-magddinner ba muna tayo bago umuwi?" medyo nahihiyang tanong ko.

Pa'no naman kase, feeling ko tuloy ako yung nanliligaw saming dalawa dahil kailangan ko pang amuin yung isang 'to. Kahit hindi naman kasi nya sabihin, alam kong selos na selos sya kay JAM. Hay, papano ko kaya sasabihin sa kanya na hindi naman sya dapat nagseselos don?

"Nah, I've to do something. Importante" sabi pa rin nya na hindi lumilingon sakin.

OUCH. Feeling ko nabasted ako don ha. So ako, hindi importante? Nakakainis na ha!

"I see" walang gana na ding sabi ko"

"We're here na" sabi nya pagkatapos itigil yung sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Nailing na lang ako nung hindi sya lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako. Ni hindi nga tumitingin sakin eh. Ang laki ng problema.

Magsasalita pa sana ako nang magsalita sya ulit.

"Goodnight"

"Maine—"

"Goodnight Princess. I have to go"

I sighed bago lumabas ng sasakyan.

"Fine. Goodnight then" sabi ko bago tuluyang bumaba.

Tatalikod na sana ako pero bigla syang nagsalita.

"Ayan, binilisan ko talaga para naman masagot mo na yung kanina mo pa hinihintay na tawag" sabi pa nya bago pinatakbo yung sasakyan.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon