Fall#09. Transformation

3.5K 47 5
                                    

Casanova’s Fall

© Alia_Sy

Fall#09. Transformation

 

“HAHAHAHAHAHAHA!!!!” Naiiritang pinagmamasdan ni Zia ang lalaking nakaupo ng prente sa kaniyang swivel chair sa harapan nya. Malulutong na pagtawa at halakhak ang kanina pa nyang naririnig na lumalabas sa bibig nito na para bang wala ng bukas. Namumula na ang mukha nito sa pagtawa at may nangingilid na butil ng luha sa gilid ng mata nito.

Well, wala namang ibang lalaki na pwedeng itukoy ng kwento na to kundi si Xander Medina. Bakit sya tawa ng tawa? Kanina kasi, ng makita nya si Zia sa itsura nito, na yung nagmake-up sya and such, talagang natulala sya. Yung tipo ba na ngayon lang syang nakakita ng babae na sobrang kapal ng make-up, mismatch ang damit, yung eyeliner sa eyebrow nya kalat, yung lipstick nya, napaka-kapal ng pagkakapula etc, etc. kaya ayan sya ngayon, tawa ng tawa.

“Will you please stop laughing? Nakakairita ka na ha.” Naiinis na sikmat ni Zia rito saka nya ito inirapan. Alam naman ni Zia na napahiya siya. At expected na nya na maaari itong tumawa pag nakita nito ang itsura nya. Aaminin nya, pati sya natawa nung makita nya yung mukha nya sa salamin ng ipahiram sa kaniya ni Xander yung salamin nito sa kaniya. Sana pala, hinayaan nya na lang si Gum-gum na tulungan sya nitong mag-make-up kesa na magmarunong sya.

“HAHAHA!! So-sorry..” hingal nitong paumanhin habang inaayos ang sarili para makapagsalita.

“Asan na yung make-up removal?” she asked impatiently.

“Sandali lang.” natatawa nitong saad sa kaniya. “Manang Bella yung inuutos ko.” Hindi pa rin maalis ang pagtawa nito habang iniuutos iyon sa katulong nya.

“Grr..sabi ng tumigil ka na sa katatawa ee.”Nagsisimula na syang magalit rito. Sa totoo lang, hindi naman sya pikunin. Ang totoo nyan, sya ang mahilig mang-asar lao na sa mga ka-close nya. But this time around, ang bilis kumulo ng dugo nya. Pano ba naman, isang halakhak pa lang ng isang Xander Medina, nakakairita na. kahit wala pa itong sabihin, sa simpleng tingin pa lang nito sa kaniya, alam nyang mang-aasar na talaga ito. The typical jerk.

“Tumigil na ko aa.” Sansala nito sa kaniya. Ngunit nakarehistro pa rin sa mukha nito ang nakakaasar nitong ngiti. Halatang nagpipigil lamang ito na tumawa ng sobra.

 

“Ser, eto na po yung mek –ap ket na hinihintay nyo.” Pabisayang sabi ni Manang Bella sa kanila saka iniabot ang dala nito. Tumigil ang dalawa sa namumuong bangayan nila ng dumating ito habang dala-dala ang nasabing make-up kit. Caretaker ito ni Xander sa condo nya kasi madalas nasa labas sya at hindi naglalagi sa condo nya.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon