Pang Tatlumpu't Anim na Silip

144K 3.1K 444
                                    

A/N:Alam niyo ba kung gaano ka inspiring ang mga comments niyo? Thank you so much. Ito ata ang story na hindi ako nahirapang mag update at mag isip ng plot because of your wonderful comments. Sa story din na ito ako nakakatawa just by reading your comments to the point na binabalikan ko mula prologue para basahin ulit ang mga comments niyo. Natutuwa talaga ako pag naiinvolve na ang  mga readers sa isang story as if andun sila mismo sa story at sila na ang gustong gumawa ng mga bagay para ipagtanggol ang mga characters. As I have mentioned earlier, I am not after the number of reads, nor the number of comments and votes. I am after your thoughts and your reactions and the quality of your comments dahil sa paraan na yun ko malalaman kong effective ba ang pagkakasulat ko. Again thank you so much.

36

Ilang araw akong tuliro sa pag iisip kung sasabihin ko ba kay Paeng ang sitwasyon ko. Everytime I tried inaatake ako ng nerbiyos. Natatakot ako sa magiging reaksiyon at sa magiging desisyon niya. Masakit na hindi niya ako kayang mahalin pero hindi ko ata kakayanin kung pati ang anak ko hidni rin niya kayang mahalin.

Lalo pa ngayong napapansin ko na halos araw araw na siya sobrang gabi kung umuuwi at pag umuuwi pa siya tumatawag agad si Casper sa cellphone niya at agad siyang pupunta sa terrace para doon ito kausapin. Minsan nakakatulog na ako pero hindi pa rin sila tapos mag usap. Masakit pero ano ang magagawa ko. Ni wala akong karapatang magselos kasi kay Paeng mismo nanggaling na wala sa usapan namin ang pagmamahal nung kinasal kami. At kasalanan ko kung bakit minahal ko siya.

Pero ipagkakait ko ba sa anak ko ang karapatan niya sa ama niya? Kung ako walang karapatan kay Paeng, ang anak ko meron. Hindi ako dapat nagpapadala sa takot na dahil sa hindi ako mahal ni Paeng ay pati ang anak namin hindi din niya mamahalin.  

Kaya nakapagdesisyon ako na sabihin kay Paeng ang desisyon ko.  Tumawag ako sa office niya pero nasa labas daw siya kaya nagbilin na lang ako sa secretary  na darating ako. Agad akong nag ayos at tinawagan ang driver para ihatid ako sa office ni Paeng.

Kinakabahan ako. Namamawis ang mga kamay ko. Dagdagan pa na nahihilo ako. Pagkapasok ko sa lobby ng building nila nasalubong ko si Casper na palabas na ata ng building. As usual ang ganda pa din niya at lamang pa din siya ng sampung paligo sa akin.

“Ana!” Kunyaring surprise na sabi niya. Hidni ko siya binati kasi ayaw kong makipagplastikan sa kanya. Baka mas lalo akong mahihilo pag kinausap ko siya.

Lalagpasan ko na sana siya pero nahawakan niya ang braso ko. Tiningnan ko ng masama ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

“May kailangan ka Casper?” I sadi irritably pero tumawa lang siya.

“So, Ralph’s soon to be ex wife have a horn eh?” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ex-wife?

“Ohhh..you didn’t know that he’s planning for an annulment?” Nagkunyari siyang nagulat na hidni ko alam ang pinaplano ni Paeng.

“As far as I’m concerned, wala pang sinasabi si Paeng tungkol dyan Casper. So as long as hindi si Paeng ang nagsabi sa akin niyan that’ll remain to be a myth.” Buong tapang na sabi ko kasi unti unti ng nadudurog ang puso ko.

“So umaasa ka pa? Kunsabagay, I cannot blame you. Naawa lang ako sayo. But I won’t say sorry because  it’s not my fault if he choose me over you. Kunsabagay, sa mga ganitong choices hindi naman na kailangang mag isip ng matagal ni Raphael. I can’t even imagine na pumatol siya sa isang katulad mo.” Tiningnan niya ulit ako mula ulo hanggang paa.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon