Chapter 23: Cheater

49K 777 77
                                    

***
Author's Note:

I cant believe it. May mga hindi kasi nakakagets nitong story at nung tanungin ko kung bakit, kulang kulang daw ang information. Yun pala kasi, hindi sila aware na book two ito. Kaya kung isa ka din sa kanila, gusto ko lang sabihin na BOOK 2 NA PO ITO!

Our morning was productive. Pumunta kami sa palengke at bumili ng mga itlog pugo at iba pang ingredients na gagamitin namin sa pagluluto. Napapailing na lang ako kapag naaalala yung mga nangyari kanina. Pagdating namin dun akala mo artista si Derick dahil pinagkaguluhan. Nadapa pa nga ako dahil nadaganan ako. So for the whole time na namamalengke kami basa ang puwitan ko.

Internet ang naging guide namin sa pagluluto. At sa totoo lang mas natuto si Derick kaysa sakin. Perfect halos yung itlog pugo niya samantalang yung akin halos harina na lang ang malasahan dahil naparami. Tig twelve yung kinain namin dahil hindi naman namin mauubos ang isang tray

"What are you doing?" nag angat ako ng tingin at sinalubong ako ng hubad niyang katawan na pawis pa. Medyo maluwag pa yung pang ibaba niya kaya nakikita yung garter ng boxer niya

Binalik ko muna yung atensyon ko sa website ng JJ Entertainment na kanina ko pa binobrowse and close it. Pinatay ko na din yung laptop at sinara yun.

"Nothing. Uhm, babe Im just wondering.. Napaka hot tempered at introvert mo pero bakit gusto mong maging singer? Hindi ba medyo weird yun? Syempre kailangan mong makisama sa mga tao nun kaya mo ba?"

Ngumisi siya at dinala sa bibig niya yung baso na may lamang tubig at pagtapos ay tumingin sakin ulit "Ano bang akala mo sakin? Syempre I can adjust. Kung makapagsalita ka naman as if takot ako sa tao"

Nagkibit ako ng balikat at tumayo para pumunta sana sa kusina pero hinagip niya ang braso ko and pulled me to him for a kiss

"Babe this is the time you know.. Get dressed at pupunta tayo sa inyo. Mag uusap na kayo ni Papa and I wont take no for an answer" hawak hawak niya ang mukha ko ng dalawang palad niya so there is no way na makakaiwas ako. At sa boses niyang yun alam kong wala nga akong pagpipilian kung hindi ang sumunod sa gusto niya.

And after all, siguro nga kailangan ko nang harapin si papa. Mas maaga, mas maganda..

Wala kaming imikan ni Derick while he's driving me papunta sa bahay. Nagpapasalamat naman ako dahil hindi niya ako kinakausap. At this moment gusto ko lang ng katahimikan. I want to clear my mind para mamaya.

"Hi, babe. Just want you to know that you drive me crazy and you're the best thing that ever happened to me. Whatever happens, Im on your side. I dont want to see you upset so just tell me how will I make you feel better. Okay?"

Tinignan ko siya and smiled weakly. For a while, ini imagine ko what will it be like without him but it seems like my brain is malfunctioning dahil hindi ko talaga maisip what might have been.

Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya tinignan niya ako sandali sabay tingin na ulit sa kalsada.

"Thank you" I just said simply

Nung ma realize kong malapit na kami sa bahay, my stomach made a weird feeling that suddenly gusto ko ng umatras. Habang papalapit parang mas gusto kong lumayo. Kanina lang sigurado na akong haharapin ko si papa but as we're approaching now, bigla akong naguluhan.

Natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng sabihin ni papa. At ngayon pa lang hinihiling ko na wag siyang magso sorry. Cause the moment na sasabihin niya yan ibig sabihin may ginawa talaga siyang masama.

Gustong gusto ko malaman kung ano ba ang nangyari bago ko sila maabutan ng babaeng yun pero kung sakaling masasaktan ako sa katotohanan, mas prefer ko na lang siguro marinig ang kasinungalingan.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon