XXXI

254K 3.7K 122
                                    

Chapter Thirty-One
  
  
Humahangang tinitigan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Ang puting gown na mayroong kumikintab na maliliit na mga dyamante na naglalakbay mula sa aking baywang pababa sa laylayan nito. Ang neckline naman na pa-V ng gown ay gawa sa lace maging ang sleeves nito na patuloy hanggang sa itaas ng baywang ko. Perpektong humahakab sa aking katawan.

Naluluha ako sa panaginip na nakikita ko ngayon sa harap ko. Isang buwan na akong nabubuhay sa panaginip na ito at ayoko na itong matapos pa.

Sigurado akong si Warren ang pasimuno ng lahat ng ito. My family, my friends, my dream wedding, everything. He makes sure that I am living a perfect life. He was like playing a tune I'm helplessly dancing along with, but in a good way.

"Mommy, what's taking you so long? Naiinip na ako." maktol ng baby ko sa labas ng fitting room.

"Eto na po." natatawang sabi ko.

Pagbukas ko sa pinto ay bumungad sa akin ang nakasimangot na si Wayne na kumislap ang mga mata nang nakita ako.

"You look so pretty, mom!"

"Thanks, baby." Yumuko ako para panggigilan ang kanyang pisngi.
 
Hindi nakaligtas sa akin ang pagnguso niya sa pagtawag ko sa kanyang baby. Napahagikgik na lang ako sa ka-cute-an niya.

"Mommy, why is daddy not allowed to see you?" Tanong ni Wayne na kunot na kunot ang noo.

Nalilitong tinignan ko siya. "Hindi naman, ah? Nasa ibang bansa lang si daddy kaya hindi pa kami nagkikita."

Tatlong araw bago ang kasal namin ay kinailangan ni Warren na pumunta sa Vegas para asikasuhin ang site nila doon. Tatlong araw na na puro sa phone calls at video calls lang kami nag-uusap at nagkikita. Sinamahan ako ni mama sa bahay para alagaan si Wayne at para na rin hindi ako malungkot. Kaninang umaga lang bumalik si Mama sa mansyon dahil final preparation na ng kasal namin ni Warren na gaganapin bukas.

Wala namang problema sa preparasyon dahil matagal nang nagplano si Warren para doon. Pinilit nilang isakto ang araw ng kasal sa birthday ko. Kahit sobrang ikli ng preperasyon dahil nga gusto ni Warren.

Ang wedding gown ko na lang ang tinututukan nila ng pansin ngayon dahil masyadong magarbo ang piniling design ni Warren kaya natagalan ang paggawa roon.

Ang lahat ng ito ay siya ang naghanda katulong ang mama ko, mama niya at ang wedding organizer. Habang ako naman ay abala kay Wayne. Sa pagbubuno ng mga araw na nasayang.

"I know mom, I've talked to him over the phone remember?" masungit na saad ni Wayne na ikinatawa ko na lang.

"Yun naman pala, eh."

"Pero sabi ni ninang Chel, daddy's already waiting outside and he wants to see you wearing your wedding dress but ninang Chel won't let him in. Bawal daw po."

"Nandito na ang daddy mo?"

Bigla akong kinabahan. Bakit hindi niya sinabi?

"Opo. Suprise daw po pero sinabi ko na. Hehe."

Nanggigigil na kiniliti ko ang tiyan ni Wayne kaya tuloy-tuloy ang paghagikgik niya.

Patuloy lang ako sa pangingiliti sa kanya haggang sa narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

"I'll get it." Mabilis na kumawala sa mga braso ko si Wayne, para na rin siguro makatakas sa pangingiliti ko.

"Si ninang Rachel, 'my." aniya sabay abot sakin ng cellphone ko.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sobrang laking distansya sa pagitan ng katawan namin. Sobra lang ang pageextend niya sa kamay niya kaya abot kamay ko na ang iniaabot niya.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon