CHAPTER 90

4M 91.6K 101K
                                    

DEIB'S POV

Nananatili kaming nakaupo pero wala ng kumikibo. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang lahat ng sinabi niya. Hindi ko akalaing ganon ang takbo ng buhay niya at ngayon ay hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nabura lahat ng inis at galit na nararamdaman ko sa kanya noon. Kung noon ay tuwing makikita ko siya, kumukulo ng kusa ang dugo ko, pakiramdam ko simula ngayon ay makakaramdam ako ng awa sa tuwing makikita ko ang malulungkot niyang mga mata. Wala pa talaga akong nakikitang mas lulungkot pa sa mga mata niya. Yun yung mga tipong kapag nakita mo, malalaman mo ang tunay na nararamdaman niya. Parang kusang nagsasalita ang mga mata niya para maintindihan mo ang mga sinasabi noon at parang kusang kumikilos ang mga yun para maiparamdam sa iyo ang nararamdaman ng nagmamay-ari niyon.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mapatitig sa kanya. Nang tanawin ko ang tinitignan niya, nakita ko ang dalawang ibon na animong nag-uusap at parehong masaya. Nagdidikit ang mga ulo at saka parang mag-uusap. Naramdaman kong nakakarelax ang ganong tipo ng panoorin.

'Siguro nga ay defense mechanism niya lang ang attitude niya. Ang maangas na dating niya ay para lang hindi niya maipakitang mahina siya.'

Tumingin ulit ako sa kanya munit bahagya akong nagulat ng makitang nakapikit na siya. Nakaramdam ako ng bahagyang paghanga.

'I can't imagine myself being on your position. Mahirap magpanggap na matapang kapag takot ka na. Mahirap magpanggap na malakas kahit hinang hina ka na. Pero ang pinakamahirap ay ang magpanggap na okay ka kahit hindi naman talaga.'

Sa tingin ko, ngayon ay alam ko na kung bakit ganyan na lang ang personality niya. Naiintindihan ko na ang lahat kung bakit ganyan na lang ang bawat ugali na meron siya.

'Pero parang wala akong dapat na pagsisihan sa mga nangyari, hindi kita makikilala kung hindi ko gagawin yun.'

Nasa ganoon kaming posisyon ng hindi ko mamalayang...

"Pein."

Sumulpot bigla si Maxwell. 

Naiilang akong napatayo at napatingin sa kanya, hindi naman siya tumingin sa akin at kay Taguro lang talaga siya nakatingin. Kaya naman dahan dahan rin akong tumingin kay Taguro at..

'Tulog talaga?'

Umupo si Maxwell at pumunta sa paanan niya.

"Pein." sabi ni Maxwell habang inuuga uga siya sa bandang paa niya. At nung iiwas ko ang paningin ko sa kanila ay don ko napansing kasama niya pala ang kapatid pa nilang isa.

Nakatingin siya sa akin na para bang takang taka.

"W-Why are you looking at me like that?" takang tanong ko sa kanya.

Nagulat ako ng dahan dahan niyang itabingi ang ulo niya na parang pinag-aaralan ang kabuuan ko.

'Pakshet! Magkapatid nga kayo!'

Naalala ko sa ginawa niya ang ginawa ni Taguro nung unang araw na magkaharap kami. Tumatabingi rin ang ulo niya na parang pinag-aaralan ang mukha ko. Kung anong hitsura ni Maxrill ngayon ay siyang itsura ni Taguro noon.

'Badtrip!'

"W-Why are you staring at me like that?" tanong ko ulit.

"Why are you with her?" nakangusong tanong ni Maxrill sa akin na tumingin pa kay Taguro.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Daglian kong nilingon si Taguro pero..

Nakatingin na siya sa akin.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon