CHAPTER 89

3.5M 90K 62.2K
                                    

DEIB'S POV

Kamalas malasang pagpasok ko ng Office ay eksaktong nakatayo si President Moon habang harap harapang sinisigawan si Taguro.

"How long do you plan to stay like this?" sigaw ni President Moon kay Taguro pero hindi na siya nakasagot.

Nung marinig nila ang pagsara ng pinto ay sabay sabay silang napatingin sa akin.

'Damn this is awkward!'

"M-Mr. Enrile, sit down." gulat na sabi sa akin ni Dean.

"Yes Dean." nahihiyang sabi ko.

"He's your great grandson?" tanong ni Chairman Moon kay Chairman Enrile.

'Damn it! Damn it! Damn it!'

"Mmm." tumangong sagot ni Chairman Enrile kay Chairman Moon habang nakatingin sa akin.

Kinabahan ako bigla.

"Sit down." nakakakilabot na sabi ni Chairman Enrile.

"Y-Yes C-Chairman." kabadong sagot ko at saka umupo.

'Ano kayang pinag-uusapan nila?'

Tinignan ko si Taguro, bakas ang takot at kaba sa mga mata niya pero parang blangko pa rin ang hitsura niya. Hindi ko maintindihan tuloy kung ano ba ang mararamdaman ko sa kanya. Pakiramdam ko ay ako pa ang mas kinakabahan para sa kanya. Kung titignan mo si President Moon ay daig niya pa ang tigreng galit na galit sa tigreng nanakit sa anak niya.

Parang may humaplos sa puso ko.

Napatingin na naman kaming lahat sa pinto ng muli itong bumukas at pumasok si Lee at Tob at saka sila nagbow at binati ang lahat.

"Good afternoon." sina Lee at Tob.

"Sit down." si Lolo.

"Yes Dean." sagot ulit nila at saka umupo.

Tumingin sa aming tatlo si Lolo, bakas sa hitsura niya na hindi niya rin alam ang gagawin niya. Halatang nag-aaway sina Taguro at President Moon. Panandaliang katahimikan ang nangibabaw sa buong office.

"Why can't you answer me?" pangbabasag ni President Moon sa katahimikan ng lahat. "Or you want me to translate it in Tagalog for you?" sarkastikong tanong niya na naman kay Taguro na hindi man lang nagbago ang hitsura. "Gusto kong malaman kung gaano katagal mo planong manatiling ganito!" sigaw na naman niya.

"Mom." sabat ni Maxwell ng hindi sumagot si Taguro sa kanya. "You're embarrassing her."

"Because that's how she should---"

"Mom. Please." pigil ni Maxwell kay President Moon. "I'm begging." nakikiusap na sabi niya.

"You have no idea how embarrassed I was to have her in our family." may diing sabi ni President Moon. "And now you want me to stop embarrassing her?"

"Because it's not all her fault!" sigaw na naman ni Maxwell.

"Oh stop covering her up!"

"I am not!" sigaw na naman ni Maxwell na nakapagpatahimik kay President Moon.

'Badtrip! Ano na naman ba 'to? Anong nangyayari sa kanila?'

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon