|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
Somewhere Only We Know
Prologue Tumatakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako makakarating. Basta patuloy lang ako sa pagtakbo. Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Nakarating ako sa isang lugar na walang tao. Alam ko na tahimik doon at pwede kang mapag-isa. At alam ko na maganda doon dahil maraming puno at halaman. Pagkadating ko doon, naupo na lang ako sa may damuhan at umiyak na ako ng umiyak. Ang gulo. Naguguluhan talaga ako. Bakit kailangan pang mangyari ang mga ito? Bakit? Bakit? "Hoy, bata! Tumutulo na yung sipon mo oh!" napalingon ako sa may isang batang lalaki na nakaupo sa taas ng puno. Tiningnan ko lang siya pero hindi ko masyadong makita yung mukha niya kasi puro luha na yung mata ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Patuloy na rin ang pagdaloy ng kanina pang tumutulo. "Hoy! Punasan mo nga. Nakakadiri kang tingnan." Hindi ko na lang pinansin yung bata kasi alam kong mang-aasar lang yun. Nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang tumalon galing dun sa puno. "Eto panyo ko oh. Kanina ko pa sinasabi sa iyo na may sipon ka pero hindi mo naman ako pinapansin." Nakita ko na lang na may inabot siya sa aking panyo. Kulay white pa nga. Kinuha ko na lang din at pinunasan ko na yung luha ko pati yung kanina pang tumutulo. Nung isosoli ko na sa kanya... "Wag mo nang isoli yan. Puro sipon mo na yan eh!" nakita ko na tumawa siya. "Sige. Aalis na ako ha? Hinahanap na ako ng mommy ko at may pupuntahan pa kami. Ako nga pala si T.Y." Nginitian niya ako at saka siya tumakbo papaalis. Napakaganda naman ng ngiti niya. Parang nawala yung lungkot ko. Makikita ko pa kaya siya? Si T.Y.? "T.Y.! Thank You!" sigaw ko sa kanya kahit alam ko na nakaalis na siya. Gusto ko siyang makita ulit. Lalo na yung ngiti niya na nakapagpapasaya. Dahil sa kanya, nawala na yung lungkot ko. Tiningnan ko yung panyo. May pangalan na T.Y. na nakasulat dun sa pinaka-corner. Alam kong makakalimutan niya din ako. Pero sa maliit na bagay na ito... Hinding-hindi ko siya makakalimutan. Chapter 1 Here He Comes, Mr. Grumpy "Anak, nakapag-review ka na ba ng lessons mo? Diba may test kayo bukas?" Nakasilip yung mommy ko sa pintuan ng kwarto ko. Hawak hawak ko pa yung isang novel na nakalahati ko na. Kahapon ko lang sinimulan basahin. "Opo, tapos ko na po." Sabi ko na lang sa kanya. Habang siya naman nakatitig doon sa librong binabasa ko. "O sige. Matulog ka ng maaga para hindi ka ma-late sa school. Alam mo naman bawas sa marka mo yun." Sinarado na ni mommy yung pintuan. Sanay na ako na laging ganyan ang nanay ko. Tinaggal ko na yung salamin ko sa mata at binalik ko na sa bookshelf yung libro. Pinatay ko na yung lampshade at natulog na ako. Ang buhay ko ay parang cycle lang. Paulit-ulit. Para ngang nagsasawa na ako eh. Paano puro bahay, simbahan at school lang ang napupuntahan ko. Ewan ko ba. Pero napakaboring talaga ng buhay ko. Iniisip ko na sana magkaroon naman ng adventure ang buhay ko. Gusto kong sumaya. Yung tuwa na hindi ko pa nararamdaman before. Hindi ko naman masuway ang mommy ko dahil mahal ko siya at may obligasyon ako sa kanya bilang anak. Lahat ng sabihin niya sinusunod ko ng walang reklamo. Kaya tingnan mo ang buhay ko ngayon, masyadong malungkot. Dalawa lang kasi kami ni mommy sa bahay. Except sa katulong namin. Minsan nga, hindi ko na siya nakikita kasi sobrang busy niya sa kanyang work. Kung makakausap ko man siya eh dahil sinasabihan niya ako na mag-aral ng mabuti kaya hanggang ngayon eh nasa nakakapasa pa rin ako. At sa sinabi kong puro bahay, school at simbahan ang destinasyon ko, wala akong mga kaibigan. Except dun sa batang lalaking itinuring kong kaibigan eight years ago. Ang tagal na panahon na ang nakalipas no? Pero malinaw na malinaw pa rin sa isipan ko. Kinaumagahan, gumayak na ako papuntang school. Kumain na ako ng breakfast at naligo na. Pagkatapos nun, Nagbihis na ako ng uniform namin. At sinuot ko na yung salamin ko sa mata. Kapag sa una mong tingin sa akin, mapagkakamalan mo akong baliw. Pano ba naman kasi hindi ko inaayusan yung buhok ko. Nakalugay lang palagi. Kung nakalugay man, hindi naka-tuck sa tenga kaya mukha akong mumu. Hindi kasi ako inaayusan ng mommy ko simula nung bata pa ako. Pero siya naman eh todo kung manamit at mag-ayos. Nakasalamin din ako. Hindi naman sa malabo yung mata ko, astigmatism lang siguro. Kaya nerd ang turing ng mga estudyante sa akin. Pagkadating ko sa school, tumuloy kaagad ako sa locker ko para kunin yung mga books na hindi ko na inuwi kahapon. Tatlo yung dadalin ko ngayong umaga sa room para mag-self study. Dinala ko na din yung dalawa kong notebook. Naglalakad ako sa corridor ng bigla akong nadapa dahil may nangtisod sa akin. Kilalang-kilala ko na kung sino siya...
|
||||||||
|
© WP Technology Inc. 2010
User-posted content is subject to its own terms. |