PROMISE [ One Shot ]

693 6 8
                                    

A/N :

Hi there! First time ko tong Story sana magustuhan nyo.. Newbie din ako, kaya pa Fan, i-fa-fan din kita, pramis..

Seriosly di ako nagbabasa ng stories, ang hilig ko talaga ay Mag-DOTA xDD .. At di rin ako masyado marunong gumawa ng kwento, kaya pagpasensyahan nyo na ang aking nagawang storya xD.

 _____________________________________________________________________________

6:30 ng umaga nagising si Hanna dahil nag alarm ang Reminder sa Phone nya. Reminder says "Happy Birthday Babe ko"

"Nako muntik ko nang makalimutan. Birthday pala ngayon ni Lance" sabi ni Hanna sa sarili.

"Oh anak gising ka na pala. Maligo ka na at nakahanda na dito ang almusal." Sabi ni Mama Carla. Ang mama ni Hanna.

"Opo ma" sagot ni Hanna.

Dali daling naligo si Hanna pagkatapos kumain agad sya kasi papasok na sa trabaho.

* Hanna's POV *

Tatawagan ko muna si Lance para batiin baka magtampo yun.

 "Happy Birthday Babe!" bati ko sa kanya.

"Thank you babe." natutuwang sagot niya.

" I'll be there in your house before 7 o'clock pm tonight." pangako ko sa kanya .

" Promise?" Tanogn niya .

"promise darating ako baby. I love you so much. No matter what happen." 

"Ang sweet naman ng babe ko. Sige , and i'll cook for our dinner."

"talaga? Sige babe, ill promise pupunta ako. Its your special day kaya dapat magkasama tayo. Bye baka malate nako sa work."

"Bye see you later." paalam ni Lance

* LANCE'S POV *

Mabuti naman at di nakalimutan ni Hanna ang kaarawan ko. Hehe . Teka pupunta muna ako ng Super Market bibili ng mga recipe.

Palabas na sana ako ng gate nang biglang may kumatok sa gate.

"Tao po." sabi ng agent ng Meralco.

"Ano kelangan nila?" sagot ko.

" Gusto ko lang po kayong i-inform about sa naka schedule na brownout mamayang gabi" sabi ng Agent ng Meralco.

"Anong oras po ba ang brownout? At gaano katagal?" sagot ko.

" mga 7pm-8pm po. Isang oras lang "

" Okey sige. Maraming salamat po" sabi ko.

FAST FORWARD......

* Hanna's POV *

5:30 na. Yes! Uwian na. Tatawagan ko muna si mama . Magpapaalam lang ako na late akong uuwi.

Ring... Ring... Ring...

"Hello ma?"

"Oh anak?"

" Ma, baka late akong uuwi mamaya. Birthday kasi ni Lance nagluto sya para sakin."

"Okey sige. Pero dapat mga 10pm naka uwi ka na."

"Opo ma."

On the way na ako sa bahay ni Lance. Shet 6:30pm na pala. Traffic!

"Manong driver, wala na bang ibang daan na mas madali? Nagmamadali kasi ako eh" sabi ko sa driver ng Taxi.

"Naku maam. Wala na po eh. " sagot ng driver.

Baka naiinip na si Lance kakahintay sakin .

"Manong bababa nalang po ako . Medyo malapit nalang kasi . Lalakarin ko nalang. Eto po ang bayad." sabi ko sabay abot ng pambayad.

"Sige Maam. Ikaw po bahala."

Patawid na sana ako ng Highway muntik na akong mahagip ng Van. Buti nalang naka ilag ako tapos may biglang nag Beeep ulit.

"BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPP!"

* LANCE'S POV *

San na ba yon? 6:50pm na ah?

Magda-dial na sana ako ng number nya para tawagan siya. Nang bigla syang dumating.

"Hi Babe. Pasensya natagalan ako. Traffic kasi eh. May nabangga pang babae kanina dun. Mas lumala tuloy ang traffic." sabi nya sakin.

"Ok lang yun. Ang importante nandito ka na. Kakatapos ko lang rin mag luto eh."

6:52 nag simula kaming kumain. After 8 minutes, biglang nag brownout.

"Nako nag brownout na. Eto na yata yung sinasabi ng Agent ng Meralco kanina . Wait babe kukunin ko lang yung kandila."

"Ako nalang babe. Saan ba nakalagay?" sabi nya.

"Sa ibabaw ng kabinet" sagot ko.

Tumayo si Hanna para kunin yung kandila. Nasa likod nya lang kasi ang kabinet.

Biglang nag ring yung phone ko. "CALLING Tita Carla" mommy ni Hanna.

"Hello Tita?"

"Iho pumunta ka ngayon dito sa hospital dali!" Sabi ni tita habang umiiyak.

"Ha? Bakit po?" sagot ko.

"Wala na ang anak ko. Nabangga sya ng van kanina habang papunta sa bahay mo.

Nagulat ako sa sinabi ni Tita at nakita ko si Hanna na maputla at duguan habang hawak hawak ang nakasinding kandila. At sinabing "Babe. Ako yung nabangga kanina sa highway. I never broke my promise. Pinuntahan parin kita kasi mahal na mahal kita."

ANO MASASABI NYO ? PLS. LEAVE A COMMENT..

VOTE VOTE VOTE !! PA FAN NA DIN.. 

PROMISE [ One Shot ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon