Chapter 3: long time no see, Fifth

9.5K 114 7
                                    

*Chapter 3: long time no see, Fifth*

Jhaime's POV

kinabukasan

**** Coffee shop


bakit ako nandito sa isang coffee shop?

well, makikipagkita kay kay Silver

sasabihin ko sa kanya yung plano ko

plano ko na makapagkita silang dalawa ni Charmaine

at oo nakapag-isip agad ako HAHA! Wag ka buong gabi kong pinag-isipan yun

sabi ko sa kanya na mga 10:30 sya pumunta dito

napaaga ako ng 10 minutes

at hindi naman nagtagal eh nakita ko na syang papasok dito

hinanap nya ako at nakita naman agad. Wala naman kasing masyadong tao

ngumiti sya sakin ganun din ako tapos lumapit sya sakin at nagbeso kami

"Upo ka." umupo sya sa harap ko

"Ano ba yung importanteng sasabihin mo? At ang aga aga natin." nakangiti nyang sabi

"Nag-usap kami ni Charmaine kahapon." nawala bigla yung ngiti nya sa mga labi.

"Na-explain ko na sa kanya lahat. Naiintindihan nya daw."

"Bakit mo sinasabi ito?" seryosong tanong nya

hinawakan ko yung kanang kamay nya na nakapatong sa table

"Nung nagka-usap kaming dalawa kahapon, kahit sinasabi nya saking ok lang sya, na ok lang na ako ang mapangasawa mo alam ko na nasasaktan sya kasi mahal ka pa din nya hanggang ngayon.." medyo nagulat pa sya sa sinabi ko pero bumalik sa pagseryoso ang mukha nya

"Jhaime, sabihin mo na kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari." sumandal ako sa upuan at binitawan yung kamay nya

"Ang gusto kong mangyari eh magkita kayo ngayon at mag-usap. I want you guys to fix things up."

"WHAT!? Jhaime, naloloko ka na ba? Wala na kaming aayusin."

"Too late Silver. Hindi ako papayag na hindi kayo magka-usap. Natawagan ko na sya kanina bago pa kita tinawagan and I think she's on the way na dito."

"Jhaime!"

"I know you still love her. Wag ka ng magmatigas. Wag kang mag-alala, tayo lang ang makakaalam nito tsaka gusto ko rin na makausap ka ni Charmaine." I heard him sigh

"Ok fine. Do I have a choice?"

"You have NO choice! ;)" kahit hindi nya ipakita sakin, alam ko na gusto din nyang makita at makausap si Charmaine at hindi rin nagtagal eh nakita ko na syang papasok dito.

"Cha!!" sigaw ko, mukhang nagulat pa ata si Silver kasi napaayos sya ng upo. Tumingin naman sakin si Cha tapos ngumiti at napatingin sa lalaking kaharap ko at nakita ko yung pagtataka sa mukha nya. Lumapit na sya sakin tapos nagbeso kami, di pa nya nakikita si Silver.

"Bakit ka nga pala nakipagkita ngayon? Namiss mo agad ako? HAHA!" sabi nya

"Bruha! May gusto lang akong ipakausap sayo."

"Ha? Ipaka-usap?" tumango ako tapos tumingin kay Silver (nakatalikod kasi si Cha kay Silver kaya hindi pa alam ni Cha na si SIlver ang kasama ko.

"Silver." at nakita ko na nanlaki ang mga mata ni Cha at unti-unting tumalikod at tinignan si Silver. Nagkatinginan silang dalawa. Medyo matagal. Woopsie! Mukhang kailangan kong lumayas dito ah. Tumayo na ako tapos pumunta sa likod ni Cha at pinaupo sya doon sa upuan ko, naputol yung titigan nilang dalawa.

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon