Sana nga hindi pa huli ang LAHAT.

spinner.gif

Sobrang dami ko palang nasayang, simula sa panahong iniwan kita,

naging madali sakin ang lahat, porke't alam ko na ako lang yung sasaya,

hindi ko inisip na marahil, nasaktan nga kita,

kaso mahirap sabihin ang sorry kasi nagawa ko na,

sa mga panahon na nagsasaya ako, aaminin ko iniisip kita,

sa totoo lang, ikaw yung dahilan kung bakit may mga bagay na andiyan pa,

mga bagay na sa iyo parin ang dahilan at tanging nagpapaalala,

mga kanta na hanggang ngayon, e tinutugtog ko pa,

ginagawa ko to dahil mahal na mahal nga kita,

pero paano? paniniwalaan mo ba?

mahal kita oo mahal kita,

pero bakit ba kasi noon, ika'y iniwan pa,

ipapasa Diyos ko na lang kung ano ang kanyang mga dikta,

baka sakaling bigyan niya pa ako ng isa pang pagkakataon o kaya'y pag asa,

pag asa na sana, ay manumbalik ka,

yung dating kaibigan ko na mahal na mahal ko pala,

iniwan ko na yung nakalipas na parang kailan lang e nandiyan pa,

kasi naisip ko na hindi talaga kami para sa isa't isa,

ako'y nasaktan oo, pero tanggap ko na,

kaya pagmumukmok ay hindi na muling ginawa at inabala pa,

sa pagkakataong ito, hayaan mong sabihin ko na mahal na mahal kita,

sana ito na yung huli at hindi na ako muling magpapakatanga pa,

ayaw ko muna umasa, pero hayaan mo sanang iparamdam ko muna,

yung pagmamahal na naudlot dahil sa salitang tanga,

alam ko hindi ka manhid, alam ko kilala mo na,

kilatisin mo pa ang sarili mo baka sakaling nagtataka ka pa,

"I love you so much" sa ingles, sa tagalog, "mahal na mahal kita",

si ManiwalaKaNaman mahal ka, kasi nga naging SuperFriend ka niya.

-

-Created by ManiwalaKaNaman™ (copying and pasting are not allowed.)

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended