CHAPTER 85

3.9M 94.3K 163K
                                    

DEIB'S POV

Isang linggo ang lumipas mula nung malagim na pangyayari at hindi ko pa ulit nakikita ang Taguro brothers. Parang bumalik sa tahimik ang buong BIS. 1 week na rin silang hindi pumapasok. Suspended si Taguro at si Naih naman ay excused dahil nagpapahinga pa daw siya. Kahapon ay nagkitakita kami nila Kim, Lee at Tob at sinabi ni Tob na binalita daw sa kanya ni Michiko na kahapon nakalabas ng ospital si Naih. Masaya naman akong marinig yun dahil syempre, nag-alala rin ako sa nangyari sa kanya at sa kanya. Nagkasunod sunod kasi ang projects namin kaya busy rin kami. Hindi naman ako makadalaw don basta basta dahil nandon na ang parents ni Naih. At isa pa, ayokong mag-isip naman sila ng iba. Baka sabihin, hindi ko naman kailangang dumalaw don araw-araw.

'Nakakainis! Bakit kasi may mga taong makikitid ang ulo!'

Hindi ko siya namimiss, ang namimiss ko ay yung reaksyon ng muka niya tuwing inaasar ko siya na nauuwi sa pagkapikon ko. Bwisit.

Napag-usapan rin ang tungkol sa billiards.

~FLASHBACK~

"Paano yun? Silang dalawa ang players natin ng billiards? E kung nagpapagaling pa ng todo si Naih at suspended naman si Max, anong mangyayari sa billiards natin?" si Tob.

"Naisip ko nga rin yan e." si Lee. "Pero anong magagawa natin? Suspended yung isa, nagpapagaling naman yun isa."

Hindi ko naman sila kinibo.

"Sabagay, magagaling naman daw e." si Tob.

"Oo nga."

~END OF FLASHBACK~

Naglalakad ako ngayon papasok ng campus. Nung makarating ako sa bukana ng quadrangle ay nakita kong nagpupuntahan sa Gym ang mga students.

'Anong meron?'

Saglit ko pa silang pinanood habang nagpapasukan sa loob ng Gym ng biglang.

~BRIZK! BRIZK!~

Nung maramdaman kong nagbavibrate ang cellphone ko ay agad kong kinuwa yun at tinignan kung sinong tumatawag.

~Tob Calling.~

"Hello?" sagot ko.

"Hoy asan ka na?"

"Nandito na sa quadrangle."

"Ahh sakto, dumeretso ka dito sa Gym, nandito na kami ni Lee. Kasama namin si Kim."

"O sige sige." sabi ko at saka ibinaba ang line.

Naglakad naman ako agad papunta sa Gym at hinanap sila agad nung makapasok don. Lumapit rin ako agad sa kanila nung makita ko sila. Tumabi ako kay Kim, kasama nya si Ayii.

"Anong meron?" tanong ko kay Tob.

"May announcement daw ang Lolo mo." bulong ni Tob.

"Ang aga naman?" gulat na tanong ko na tumingin pa sa relos ko. Quarter to 8:00am lang.

"Malay ko."

Tumingin muna ako kay Lee na nakatingin lang sa stage at saka naman ako bumaling kay Kim at Ayii.

"Alam niyo ba kung tungkol saan ang announcement?" tanong kong kay Kim nakatingin.

"I've no idea rin e. ikaw Ayii?" baling niya kay Ayii.

"I don't know e." si Ayii.

Hindi na kami nag-usap usap at nagfocus na lang sa stage. Maya maya pa ay lumapit si Mr. Faller sa harapan at inintroduce si Lolo sa mic. Tumayo naman muna ang lahat ng students at nung sumenyas na si Lolo at saka lang kami umupo.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon