Chapter 16: Worst Nightmare

7.2K 118 3
                                    

-Camie's POV- 

Bago ako matulog, nag-online muna ako sa facebook gamit ang iPhone ko para malaman kung may kung anong mga updates sa mga bagay-bagay. Nakakatamad kasing mag-open ng macbook eh.

Inaccept ko muna lahat ng friend requests ko. Friendly naman ako eh kaya okay lang. Wag lang naman sanang magpa-epal sa akin yung iba diba?

I-uupdate ko na sana ang status ko at sasabihin ko na sanang "Nakakabwisit ang araw na ito!" kaso bigla namang may nag-pop na maliit na kulay red na may number 1 sa friend requests ko.

Agad kong binuksan ang friend requests ko at nagulat na lang ako sa nakita kong...

Luke Zacchary Sy   | Confirm | Delete Request |

Nag-isip ako sandali. I-coconfirm ko nga ba? Pag kinonfirm ko, mabubwisit na lang ako sa buong facebook life ko. Pag pinindot ko naman ang delete request, baka magalit sa akin si Luke dahil nga alipin niya ako.

Aish! Wala na akong choice! Kinonfirm ko na lang!

Pagka-confirm ko naman, may nag-pop out ulit na kulay red na may number one sa friend requests ko. Binuksan ko rin naman ito agad at nagulat na lang ako ulit sa nakita ko.

Pagkabukas ko, Luke Zacchary Sy ulit ang nakalagay. Pero this time, hindi na friend request. Relationship request na. May nakalagay pa ngang "engaged to" eh.

Haay! Ano ba 'tong pinasok kong gulo?! Sabi pa man din ni Luke sa akin, maki-ride na lang ako sa kanya. Wala ulit akong choice kundi i-accept ko na naman.

Pagka-accept ko, at dahil natakot akong baka i-chat pa niya ako, nag-logout na ako kaagad at nag-exit na ako sa facebook application. Itinabi ko na yung iPhone ko at nahiga na ako at ipinikit ko na ang mga mata ko.

Pa-ikot-ikot ako dito sa bed ko. Papalit-palit ako ng posisyon. Haharap sa left, ipipikit ang mata. Dahil uncomfortable ang pagharap sa left, didilat, haharap sa right at pipikit ulit.

Pagka-pikit ko, hindi na naman ako comfortable sa right kaya dumilat na naman ako. This time, nakadapa na ako sa bed.

Sinubukan kong pumikit ulit pero hindi pa rin comfortable. Nakakangawit kayang humiga ng nakadapa! Dumilat na naman ako.

Nag-iba na naman ako ng sleeping position ko. This time, humiga na ako ng tuwid at naka-stretch na ang legs ko. Sinubukan ko ulit pumikit.

Katulad ng mga nauna kong posisyon, uncomfortable pa rin ang posisyon ko ngayon. Nakakangawit din kayang humiga ng tuwid!

As usual, dumilat na naman ako. Haaay! Hindi talaga ako makatulog! Teka, anong oras na nga ba? Kinuha ko ang iPhone ko and I checked the time.

Nagulat na lang ako nang nakita ko kung anong oras na. OMG! 3:00 am na at hindi pa rin ako makatulog!

Hala! Naaalala ko tuloy yung pinanood kong movie. Yung The Exorcism of Emily Rose! My gosh! Wag naman sana! 

Kasi, doon sa movie, ang 3:00 am ang tinatawag nilang "devil's hour"! Doon na rin nangyayari ang lahat ng kababalaghan!

Wag naman po sana! Nagdasal naman na ako kanina eh! Please! Matatakutin pa man din ako! Feeling ko, aatakihin ako sa puso pag nangyari sa akin yun!

Okay...dahil sa yun na ang naisip ko, kung anu-ano na ang naiimagine ko ngayon! Naiimagine ko yung pinto na bumubukas-sara ng paulit-ulit! Naiimagine ko yung paglagyanan ko ng pencils at pens na gumagalaw ng mag-isa! Naiimagine ko yung...

*TIIING! TIIING!*

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!! "

Ano ba yung sound na yun?! Nakakagulat naman! Grabe! Oh no! Ganito rin si Emily Rose! May naririnig rin siyang kung anu-ano at strange na sounds!

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon