Story 1-Episode 9: cXema

79K 1.2K 71
                                    

Just when I thought he will do me all night. He didn't. Nung tinanong pala niya ako kung gusto kong mag-stay overnight. Ang ibig sabihin lang pala niya, he only wanted me to literally sleep with him. As in natulog lang kami nang magkatabi habang nakapulupot siya sa akin buong gabi.

Gusto kong ma-disappoint, 'cause that's not what I've expected. Gusto ko ring mainis sa kanya dahil I was expecting he will make me scream in carnal satisfaction all night, pero hindi naman pala 'yun ang plano n'ya.

Gustuhin ko mang mayamot, pero hindi ko rin naman nagawa. Most especially nang ma-discover ko ang sweet and passionate side of him. 'Yun bang side n'ya na tila gusto lang n'yang maglambing. 'Yun bang parang, ang gusto lang n'ya akong halikan at yakapin. Ang maramdaman na katabi n'ya ako. Ang makasama ako.

Ang himbing ng pagtulog niya. Ang init ng pagkakayakap n'ya sa akin habang nakabaon ang kanyang mukha sa aking leeg. Ang problema lang, ako naman ang hindi dalawin ng antok. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko. Medyo nawiwirduhan na kasi ako sa mga ikinikilos niya.

Well, hindi naman ako manhid 'no. Naramdaman ko naman ang biglaang pananahimik n'ya nang tinanong ko s'ya kung in love na ba s'ya sa 'kin. Naramdaman ko rin ang pagbubuntong hininga n'ya nang ipinaalala ko sa kanya, na s'ya naman talaga ang nag-umpisang nagsabi, na huwag akong mai-inlove sa kanya. Halata ko naman na may nararamdaman na s'ya sa 'kin, kung ano man 'yun. I know it is not lust. But the problem is. I am not sure if it's actually love either.

I don't think it's lust, dahil kung lust. Hindi ba dapat sinasamantala na n'ya na magkasama kami ngayon?

Kung lust, bakit kailangan pa n'ya akong tratuhin na tila isang prinsensa, to the point na siya pa ang personal na nagluto at naghanda ng aming hapunan?

Kung lust, bakit kailangan pa n'ya akong yakapin nang ganito? Bakit kailangan pa n'ya akong halikan sa pisngi, bulungan ng "Good night, baby." bago n'ya ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg hanggang sa tuluyan na s'yang makatulog?

Pero katulad nga ng sinabi ko. I know it's not lust, but I am not sure if it's love either. Dahil kung love...pa'no nga ba ang love? Ah ewan. Basta I think love is too deep for Fuck Buddies like us. It must be something in between. Something like, a Mutual Understanding.

"Hey." pambubulaga niya sa akin, sa mismong pagmulat ko sa mga mata ko. Nakadapa s'ya sa side n'ya, habang nakatutok ang kanyang mukha sa aking mukha. Ang ganda-ganda ng ngiti n'ya. Halatang maganda ang gising n'ya

Nakatulog din pala ako kahit papa'no. Pero I am sure late na 'yun. Because as far as I could remember, alas tres na ng madaling araw, gising pa rin ako. Tumingin ako sa alarm clock na nakapatong sa side table, alas-otso na pala ng umaga.

"Hey." Pagbati ko sa kanya pabalik.

"Breakfast tayo." Nakabungisngis s'ya.

"Saan?"

"Dito."

"Saan dito?"

"I prepared breakfast for the both of us."

"You?"

"Yes."

Nginisian ko siya in such a manner na mababasa n'ya sa aking mukhang...hindi ako naniniwala.

"Hey, don't make a big fuss about that." Tatawa-tawa s'ya. "I didn't do anything special. I only brewed some coffee, dunked some bagels in the toaster, and that's just about it. Halika na." Hinihila n'ya ako.

"Sandali." Habang bumabangon ako. "Magbabanyo muna ako, please?"
I was hoping he would come with me. But he didn't. All he said was...

"Ok. I'll wait for you in the dining then." And then left.

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon