CHAPTER 81

3.8M 95.9K 180K
                                    

DEIB'S POV

Kanina ay tuwang tuwa akong tignan ang napili kong pillow. Pero ngayong nandito na kami sa tapat ng room ni Naih.

"T-Tob, ikaw ang magbigay nito." sabi ko na iniaabot sa kanya ang pillow.

"Bakit ako?" takang tanong niya.

"E baka hindi tanggapin kapag nalamang sa akin galing."

"Ang korni mo! Sa iyo naman talaga galing kaya ikaw na ang magbigay."

Nanunukso na naman ang tingin niya kaya hindi ko na ipinilit. Baka kung ano na naman ang sabihin niya. Kumatok na kami sa room at pinagbuksan naman kami ni Taguro.

Hindi agad siya nakapagsalita, pinatuloy niya muna kami.

"Ahh Max, nagdala kami ng prutas para kay Naih." sabat ni Tob ng mapansing parang nagulat si Taguro sa dami ng dala namin.

"Ang dami naman. Salamat."

"Wala yun. Hehehehe! At tsaka nagdala sila ng unan para sa iyo." nakangiting sabi ni Tob kaya naman siniko ko siya at pinandilatan niya naman ako ng mata.

"Salamat, nag-abala pa kayo." seryosong sagot ni Taguro. Hindi ko naman siya pinansin at umiwas ako sa kanya.

"Here Max." sabi ni Lee na nakita ko pang nakangiting iniabot ang unang binili niya.

"Thanks." nakangiti ring sagot ni Taguro sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at dumeretso siya sa mga dala namin at inayos yun.

'Nakakainis! Paano ko naman ibibigay 'tong akin e nauna na si Lee?'

"Kumusta na si Naih?" tanong ni Lee sa kanya. Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo na lang sa sofa ang makinig sa usapan nila.

"Mmm, hindi ko masabi. Under monitoring pa rin siya. Hindi pa siya gumigising." seryoso namang sagot sa kanya ni Taguro.

"Hindi ba nila nabanggit kung kailan siya gigising?" si Tob.

"Hindi e." napabuntong-hininga pang sabi ni Taguro. "Ang sabi ng mga doktor ay pwede pa daw i magka-amnesia, pero mga 1-2 days lang naman."

"Hala? Seryoso?"

"Mmm, pero sana hindi na. Ayoko namang hindi niya ako makilala paggising niya."

"Sana nga ay maging okay na si Naih." si Lee.

Nakikinig lang ako sa kanila habang nakatingin kay Naih. Nakaramdam ako ng guilt. Alam ko kasing kung hindi dahil sa akin ay hindi siya magkakaganon, although hindi ko naman inaasahan na magagawa ni Ysay yun, naguiguilty pa rin talaga ako.

"Ang aga niyo naman yatang dumaan? Akala ko mamayang hapon pa kayo?" sabi ulit ni Taguro.

"Pinauwi kami ng maaga, tumawag kasi si Dean kay Coach at pinapauwi ng maaga ang lahat ng mga may practice ng weekends para daw makaiwas sa mga ganitong klase ng incident. " mahabang paliwanag ni Lee.

"Ahh talaga? Edi umuwi na rin siguro yung sa billiards at dance troupe."

'Malamang! Lahat nga e!'

"I see, so wala na pala kayong practice mamaya?"

"Wala na."

'Malamang! Pinauwi ng e! Tch!'

Nagulat ako ng magtama ang paningin namin ni Taguro.

'Wag mo sabihing pati isip ko nababasa mo?'

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon