How Boys Fall in Love: 09 Kang Min Hyuk

1.8K 27 12
                                    

My last update for the year 2012~!! YEEEY~!!

Advance Happy New Year~~ For Rose Recto! ^___^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

09 Kang Min Hyuk

“ROSIEEE!!!”

Awtomatikong parang tumalon ang puso ni Rose nang marinig ang tinig na iyon.

Nilingon nya ang tumawag sa kanya at napangiti sya nang masilayan ang best friend na palapit sa kanya.

“Hee… bakit?” Tanong nya nang makalapit ito sa kanya.

Nakangising inakbayan sya ng best friend at naglakad na muli kasabay nya.

Tiningnan nya ang binata at hindi na sya nakatiis kaya tinanong na nya ito. “Uh… Bes, bakit ganyan ka makangiti?”

Umiling ito at nginitian sya. “Wala lang. Tara date tayo, bes!”

Nanlaki ang mga mata nya sa narinig.

‘Ni...ni...niyaya nya kong mag-date?! WAAAAAAAAAAAAAAAA!!!’

Best friend nya si Jung Hee Chul. At simula nang maging matalik silang magkaibigan ay minahal na din nya ang binata.

Hindi lang bilang best friend.

Higit pa sa isang kaibigan ang nararamdaman nya para dito.

“Si-sigurado ka ba, Hee?

Baka naka-drugs ka lang dyan?!”

How Boys Fall in Love: 09 Kang Min HyukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon