Chapter 17: Adjust

45.8K 846 57
                                    

Kanina ko pa tinitignan tong test paper namin sa math pero wala pa din akong nasasagot. Isang linggo na ang lumipas nang umalis si mama at simula nun pakiramdam ko may malaking bahagi na din ng katawan ko ang nawala.

Hindi ako makapag isip ng mabuti na para bang may defect ang brain cells ko.

Wala naman na talaga akong nagawa para pigilan si mama. As far as I want her to stay sa bahay, hindi ko na din ipinilit ang gusto kong yun. Tama si Derick. Wag na akong gumawa ng bagay na ikasasama ng loob ni mama dahil baka mas lalo siyang magkasakit. Na dapat wag akong mag alala dahil siguradong aalagaan siya ng mga kapatid ni papa sa probinsya.

Kung ano ano na ang pumapasok sa ulo ko na maging yung nakaraan ni mama naisip ko na din. Hindi ko kilala ang pamilya niya. Hindi ko alam kung anong pangalan nila, nasaan sila o buhay pa ba sila.

Sabi kasi sakin ni mama nung thirteen ako, itinakwil na daw siya sa kanila. Hindi niya na sakin sinabi ang dahilan pero sa tingin ko mabigat na kasalanan ang ginawa niya to think na ilang taon na ang lumipas, hindi man lang siya hinanap ng mga ito.

"Babe, wala ka pang naisusulat na kahit ano sa papel mo" sita sakin ni Derick na nasa tabi ko lang. Tinignan ko siya at sinilip ang papel niya. Marami ng sagot at halos tapos na nga. Hindi katulad ko na kahit pangalan ko man lang wala pa din.

"Uhm.. Eh" hindi ko alam ang isasagot sa kanya kaya napakamot na lang ako sa ulo. Ayoko kasing sabihin sa kanya na grabe pa din ang pag aalala ko kay mama dahil mag aalala din siya sakin.

Ngumiti siya ng payak at kinuha ang papel ko "Ako na ang sasagot nito para sayo. Steady ka lang dyan" he said smiling at sinimulan nang sagutan ang papel ko.

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk ko at mariin na pumikit. Ano na kayang ginagawa ni mama ngayon? Tanghali na. Nakakain na kaya siya o natutulog pa din hanggang ngayon? Tuwing dapithapon kaya lumalabas siya doon sa terrace para panoorin ang paglubog ng araw?

Pwede bang mag drop na lang ako at umuwi doon sa probinsya para mabantayan ko si mama?

"Pass your papers" dinig kong sabi ni Ma'am Lopez at hudyat na yun na tapos na ang isang oras naming exam. Tumayo si Derick at siya ang nangolekta ng mga papel. Nilagay niya sa unahan yung papel niya habang yung akin naman nasa hulihan

Bumaba naman kami sa third floor para pumunta sa classroom na sinasabi ni Ma'am Veluz dahil doon kami mage exam. This time hinihiling ko na sana gumana na ang utak ko. Ma'am Veluz yun eh. Ayokong bumagsak sa kahit anong subjects niya dahil siguradong pag iinitan na naman niya ako kapag nangyari yun.

"Ang hirap nung math. Nadama mo ba?" tanong sakin ni Alice habang sapo ang ulo niya. Mukha ngang nahirapan siya dahil stress na stress ang itsura niya. Tinignan ko din yung iba kong classmates na halos magkakaparehas ang reklamo.

"Oo nga eh. Grabe si ma'am.." play safe kong sagot dahil mahirap na kung magsasabi ako ng totoo. Baka mapahamak pa ang Derick ko.

Pagpasok namin sa classroom nandun na si Ma'am Veluz. Binati namin siya pero hindi man lang siya sumagot o kahit tumango man lang. Sige pa din siya sa kung anong sinusulat niya

"Get one and pass" she simply said at itinuro yung mga test papers na nasa gilid ng desk niya nung lahat kami nakaupo na. Nasa kaliwa ko si Alice habang sa kanan naman si Derick. Nasa fourth row kami para hindi gaano pansinin. Inabot ni Derick ang kamay ko and kissed the back of my palm.

"Good luck, babe"

"Dela Serna and Lusterio maghiwalay kayo ng upuan" napalingon samin ang lahat nang mangibabaw sa ingay ang boses ni Ma'am Veluz

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon