KABANATA 42

33.9K 1.1K 96
                                    

Jordanna's P.O.V.

Hindi na ako makapagsalita at makasigaw sa sobrang takot. Hindi naman ako pintaserang tao, pero napakapangit talaga at nakakatakot pa, ang nilalang na may bitbit sa 'kin. Bukod pa ro'n, nakakasuka talaga ako sa amoy n'ya. Alam n'yo ba 'yung amoy ng mabahong hininga at mabahong paa? Pinaghalong gano'n ang amoy n'ya. Lalo na kapag ikinakampay n'ya ang kanyang nakadidiring mga pakpak.

Ano klaseng alien ba 'to? Saang kalabang planeta kaya nanggaling ang malaking paniki na mukhang ibon na 'to? Ano kayang kailangan n'ya sa 'kin?

Owshet! Hindi ko ma-take ang imagination ko. Hindi kaya gagawin nila akong experiment? Ida-dissect na parang palaka para pag-aralan ang human specie.

(Atungal mode inside)

H'wag naman sana. Pero ano nga ba ang kailangan nila?

Hindi kaya...Hindi kaya gagawin nila akong...palahian?

Mas lalong—(Atungal mode inside!)

Hindi ko na 'keri' 'to! Sana mamatay na lang ako--oh wait... lumalanding na kami. Oh wait..sa ibabaw ng isang building. Hindi kaya dito nakatago ang kanilang space ship? Pero saan kaya nakatago 'yon? Sa shape ng payat at mataas ng building na 'to, parang hindi naman yata kasya ang flying saucer sa loob.

Pagka-landing n'ya do'n, may sumalubong naman sa aming apat na nilalang na mukhang...taong kabayo.

Anong mga nilalang ba ang mga 'to? Bakit iba naman ang hitsura ng mga 'to? Saang planeta naman kaya nanggaling ang mga taong kabayong 'to?

Wala na akong nagawa nang binuhat ako nang patuwad sa balikat ng isa sa kanila. B'wisit! Ang baho din nila. Amoy pinaghalong utot at kili-kili power! Ano ba naman ang mga 'to? Hindi ba uso ang paliligo sa planeta nila?

Ang babaho nila—(Atungal mode inside!)

Where am I?!

(Atungal mode inside)

What are they going to do with me?!

(Atungal mode inside)

Where are they going to take me?!

"Dalhin n'yo na 'yan sa piitan!" Utos sa mga mukhang kabayo ng isang mukhang...kalabaw?! Tao rin ang katawan, pero mukha talaga s'yang kalabaw na may malaking sungay!
(Atungal mode inside)

What the heck are these creatures? Taga-ibang planeta sila pero nagta-Tagalog sila? Susyal ha! Pero teka. Saan daw nila ako dadalhin? Sa piitan?

(Atungal mode inside)

What did I do? Anong krimen ba ang nagawa ko? Bakit nila ako ikukulong?

"Hoy, teka!" Pagpupumiglas ko sa may buhat sa akin na taong kabayo. "Hindi n'yo ako pwedeng dalhin sa piitan. Kung ano man ang kasalanan ko, may abugado ako! Oh wait..,'mga' abugado pala. Pakawalan n'yo ako! Mga abugado ang mga magulang ko! Hindi n'yo ako pwedeng basta-basta na lang ikulong! Waaa!"

Nakakainis. Hindi nila ako pinapansin. Nagtatagalog naman sila di ba? Tagalog naman 'yung sinabi ko. Imposible naman na hindi nila ako naiintindihan.

"Hoy! Ano ba? Nadidinig n'yo ba ako?!" Hiyaw ko. Nagpupumiglas ulit ako, nang...may pumalo sa pwet ko.

Aba't—sino naman kaya sa mga ito ang pumalo sa—may pumalong muli sa pwet ko, na sinundan ng mga pangit nilang paghahalakhakan.

Aba't ang mga aliens na 'to! Mga manyak pa yata ang mga evil outer space villains na 'to.

"Help! Help!" Pagsigaw ko, habang pababa kami sa isang madilim na basement, "Jazz my labs, save me from these aliens, please!" Bago ako literal na umatungal. Nakakainis na tinatawanan lang talaga ako ng mga nilalang na amoy putok at utot na 'to. "Jazz, please!" Pagsigaw ko.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon