SDTR: Kabanata 34

145K 3.6K 341
                                    


SDTR: Kabanata 34

"I'm good. Walang masakit sa akin, ano ba kayo?" Sinikap kong tumawa sa harap ni Mama at ng mga pinsan ko na kung mag alala eh akala mo katapusan na ng buhay ko sa mundong ito. Katatapos lang gamutin ni Mama ang sugat ko sa binti, sinabi ko nalang na sumabit ang binti ko sa isang sanga ng puno na nakabagsak sa kalsada doon sa mga dinaanan ko. Hindi ko na ipinaalam pa na nag-hiking ako, dahil alam kong papagalitan lang nila ako.

Ngumuya ako ng strawberries na kanina pa nilalantakan ni Jamille.

"Saka isa pa, mas lalo ko lang kayong lalayasan kapag ganyan kayo ng ganyan sa akin." Bulong ko, hindi ko alam pero habang tumatagal mas lalo akong na-wei-weirduhan sa kanila, para bang may malaking sikreto sila na hindi ko nalalaman.

"H'wag mo nang uulitin yon." Ani Mama, huminto ako sa pagkuha ng strawberry at bumaling kay Mama.

"Ma, mag tu-twenty two years old na ako. Ano ba? Hindi na ako sanggol." Sambit ko at saka iniwanan ko na sila doon sa sala pero hindi pa rin nila ako tinantanan dahil narinig ko ang mga yapak nila na ngayon ay nakasunod sa akin.

Huminto ako sa tapat ng pinto ng guest room at hinarap ko sila.

"Ma! Kuya Justine! Jenica! Jamille at saka ikaw Jerome! Pwede ba? Kumalma nga kayo! Wala namang mangyayari sa akin, saka isa pa kaya ko ang sarili ko! Pupuntahan ko ang lugar na gusto kong puntahan kahit wala kayo at hindi niyo ako mapipigilan." Pagmamatigas ko, huminga ng malalim si Mama na siyang nagpalambot sa puso ko, kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata niya.

"Alright, pero dalhin mo ang cellphone mo. Para kapag may nang--"

"Walang mangyayari!" Putol ko sa sasabihin ni Mama.

"Claire!"

"Ma! May tinatago ba kayo sa akin?!" Singhal ko sa kanila na nakapag patahimik sa kanilang lahat, ibinagsak ni Jenica ang kanyang mata sa sahig, habang si Kuya Justine ay nananatili ang mga mata sa pakikipagtitigan sa mga mata ko, ganoon din si Mama.

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot, mabilis ko nang isinarado ang pintuan at saka humugot ako ng napakalalim na paghinga.

At habang tumatagal, nagdududa na rin ako sa mga ikinikilos nila. Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit kailangan kong makaramdam ng ganito?

Naligo ako at pagkatapos ay gumapang na ako sa kama kung saan nandoon pa rin ang notebook na binabasa ko palagi.

"Hindi yata kita hinanap ngayong araw na ito?" Sambit ko habang nakatitig doon sa notebook na puti, marahan kong hinaplos iyon at nandoon nanaman ang kalabog sa puso ko.

"Para sa akin ka bang talaga?" Bulong ko at binuklat ko iyon kung saan ako huling natapos magbasa.

Claire....

At sa unang pagkakataon tumindig ang balahibo ko sa pagbabasa ng pangalan kong iyon. Hindi ko alam pero nag-echo sa utak ko ang boses ng lalaking nakilala ko kanina lamang.

Ang boses ni Ethan...

"No." Umiling iling ako at ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa.

Claire,

Hindi ko alam kung pinaglalaruan o ginagago tayo ng tadhana. I saw you with a wedding gown and my heart starts to race again, baby.

At ako raw ang Groom mo. That is a fucking bullshit! Matapos kong aminin sayo ang tungkol sa anak ko, makakapareha kita sa isang kalokohang gawa ng mga estudyante?

But goddamn, kahit gaano ko sabihing kalokohan ang booth na yon, I'm still dreaming about our wedding.

I'll fight for you, baby. Just promise me that you won't let go of my heart, dahil kapag binitawan mo yung gagong puso ko mawawalan ako ng lakas na lumaban para dito, dahil bandang huli, sayo at sayo pa rin ako humuhugot ng lakas.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon