Tso-tso-o [one shot]

41 3 4
                                    

“….Kailangan gamitin natin ang ating sariling wika kung ayaw mong maging isang malansang isda!”

“Paulita, iha.. Maling-mali ang sinabi mo. Isaulo mo muna ‘yan tapos ay balik tayo sa pag-e-ensayo.”

“Pasensya po mam.. Nakalimutan ko kasing isaulo kagabi.”

Haaayy.. Ako nga pala si Paulita Gomez. Maaaring narinig mo na ang pangalan ko sa isang tanyag na nobela libu-libong taon nang lumipas.. ang El Filibusterimo ni Dr. Jose Rizal. Hahaay.. sino kaya ang aking ‘Juanito Pelaez’? HAHAHA

“Hey Paul! We have a meeting this 4PM. All presidents must attend, okay?”

“Jake, I’m not ‘Paul’.. My name’s Paulita..PAU-LI-TA! What’s your problem with my Filipino name?”

“Hehehe! Naaah….um. See ya later… PAUL. HAHAHAHA!”

UGK. Kakainis talaga tong si Jacob. Walang tigil ang pag-i-English. Hindi naman sa may galit ako sa lingwaheng ito…tinatangkilik ko lang ang ating sariling wika. Dapat maging isang magandang uliran ako sa mga sumusunod na henerasyon dahil ako ang pangulo ng Filipino Club. Ganun din naman ang pananaw ng pangulo ng English Club na si Jacob Henderson; gwapo, matalino, mabait, palakaibigan…oo na! oo na! May crush ako sa kanya..konte. Pero ang hinahangaan ko talaga ng sobra ay yung Pilipinong-pilipino talaga..si….AH! Papunta dito si..

“Hi Greg!”

Hindi ko talaga mapigilan ang aking bibig. Noon 1st year ko pa siya hinahangaan. Grabeh, ewan kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya. PFT. Baliw na yata ako. Pero, gaya ng dati, hindi pa rin niya ako pinapansin. Di bale. Darating din ang araw, papansinin mo rin ako. Hahangaan mo rin ako, ‘Juanito Pelaez’ ko. ;>

“Ang bango.. Ang gwapo talaga ni Greg..”

“Hoy girl! Mukhang malala na yan ah. Pa-check-up kaya kita. Inlove kana talaga kay Gregorio noh?”

“Kaw talaga Maria. Alam mo namang ako lang ang prinsesa ni Greg. Hindi lang muna napapansin ngayon. Magigising rin siya sa katotohanan..Magigi—“

“Shut it, girl. You’re dreaming. May girlfriend na ang tao. Tigilan mo ‘yan. Bago pa mahuli ang lahat.”

“Hindi! Hindi! Maghihiwalay din sila kapag mapansin niya ako. Sasali ako sa Ms. Intrams, Ms. Philippines, Ms. Earth, at Ms. Universe!! Kukunin ko ang korona! Para kay Greg..Greg..Greg..”

“UGK. Pwede ka namang magpa-cute sa ibang guys diyan ah. Marami namang gwapo sa school natin. Madali kang mapansin. Maganda ka..pero, paputiin mo muna yang balat mo, magpaunat ka sa makapal mong kulot na buhok, at…”

“At.. ano?”

“..at manamit ka na hindi Buwan ng Wika araw-araw.”

“Aray naman, Maria. Kaibigan ka talaga. Pero, sige. Bukas na bukas, gagawin ko yan..para kay Greg…Greg…Greg..”

-Kinabukasan-

Greg, mapapansin mo rin ako ngayon. ;-)

“Jake!! Naku, naku! I’m sorry. I forgot about the meeting yesterday. May I know what the agenda were?”

“….ah….”

“Jake?”

“…yes? Oh! Right… Paul, is that you? I thought you would stick to your tradition? Is that really you? Wow! You’re soo..”

“Just tell me what you had in the meeting.”

“O-key. We discussed about the coming Prom. The clubs should be responsible of the whole event. English Club should prepare the program, Filipino Club should assist the English Club and—“

Tso-tso-o [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon