CLTCL - 40

5.5K 63 11
                                    

CLTCL 40 ❤



Kathryn's POV



"Kathryn please hiwalayan mo na si Daniel..." Pagmamakaawa sa'kin ni Tito Rommel.


"Tito.."


"Sige na Kathryn nagmamakaawa kami sayo, papatayin nila kami pag hindi nagpakasal si Daniel.." Tito Rommel.


"Hindi ko po alam.... Hindi ko alam..." Maiyak iyak kong sabi sa kanya.


"Kung 'di mo siya hihiwalayan kami gagawa ng paraan para mapag-hiwalay kayong dalawa." Huling sabi ni Tito sa'kin at tuluyan ng lumabas mg bahay.


Napaupo nalang ako sa sahig kasi 'di ko na talaga kaya, tumulo na tuluyan ang mga luha ko.


Alam ko na ang desisyon ko.



DANIEL'S POV



11 na ako nagising kasi hindi ako masyadong nakatulog kagabi sa kakaisip.


"Anak kumain ka na." Rinig kong sigaw ni Mama sa labas ng pintuan ng kwarto ko.


"Busog ako Ma." Malamig kong sabi.


"Ah ganun ba, pumunta ka na lang sa kusina kung nagugutom ka na ha? Aalis lang kami ng Papa mo." Rinig kong umalis na rin agad si Mama pagka sabi niya nun


Lumabas ako ng kwarto ko ng masalubong ko si JC.


"Kuya..." Tawag niya sa'kin na parang may gusto siya sa'king sabihin.


"Bakit?"


"Kase Kuya..... Ano... Kuya... Ano kas—-"


"ANO?!!!!!"


"Pu-pumunta si Papa kasi kanina sa bahay ni Ka-Kath." JC.


"ANO??!! PUMUNTA SIYA KAY KATHRYN??!! ANO SINABI NIYA KAY KATHRYN??!!" Hinawakan ko sa kwelyo si JC dahil sa galit ko.


"Hi-hindi ko-ko al-alam ku-kung a-ano si-sinabi ni Pa-Papa sa-sa ka-kanya," Tinanggal ko na yung kamay ko, "Basta nakita ko lang na pumunta siya sa bahay ni Ate Kath." Sabi niya at huminga na ng malalim.


Nagmadali naman akong kinuha yung mga jacket ko at pumunta sa bahay ni Kathryn.


"KATHRYN BUKSAN MO TONG PINTO!" Sabi ko.


Binuksan naman niya agad yung pintuan.

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon