chapert 25.. Rudolph the red nose reindeer

1K 31 17
                                    

Chapter 25.. Rudolph the red nose Reindeer

Schyler’s POV

Nandito kami ngayon sa rest house nila Gio.. kung bakit ako kasama?

Sabihin na nating kaibigan ko talaga sila..

Kasama ko pala si Zoe dito sa hot spring.. kanina nya pa ko tinatanong kung bakit ko kabisado ‘tong lugar na ito.. kayo ano sa tingin nyo? Bakit nga ba?

Umupo sya sa gilid ng hot spring nagtanggal ng slippers sabay lublob ng paa nya dito..

“Waah ang sarap sa pakiramdam nakaka-relax” –sabi ko nya..

May nakita naman akong stool sa gilid kinuha ko iyon at  hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at hinatak ko na naging dahilan para mapasandal sya sa binti ko..

“Pwede ba tayong mag stay ng ganito for a while?” –sabi ko sa kanya

Tumango naman sya bilang sagot.. tahimik lang ang paligid.. nag kwento lang ako ng kung anu-ano.. ang sarap sa pakiramdam na kasama mo sa ganitong tahimik na lugar yung mahal mo.. sana maulit pa tong ganitong scene samin.. sana talaga

“Anong ginagawa nyong dalawa jan?” –sabi ng di kalayuan.. bigla syang napatayo mula sa pagkakaupo at pagkakasandal nya sa binti ko..

“Oh h-hi Dice.. kanina ka pa ba jan?” –sabi ni Zoe kay Dice na nakakunot ang noo habang papalakad papalapit samin

“Kanina pa kita hinahanap dun.. buti na lang nakita ka ng isa sa tauhan dito.. sa susunod mag papaalam ka muna sakin bago ka umalis!” –medyo inis na sabi ni Dice sabay tingin sakin  ng masama.. nothing’s change ganun pa rin sya..

“Kasama ko naman si Schyler eh kaya ok lang yun.. di ba Schyler?” –sabi ni Zoe sabay tingin at ngiti nya sakin.. sana lagi na lang ako ang dahilan ng pag ngiti nya.. ang bakla man pero t*ena lang mas lalo akong nahuhulog sa kanya lalo na pag nangiti sya.. parang ang gaan sa pakiramdam pag ngumiti na sya kahit hindi ako ang dahilan..

“Tsk tara na balik na tayo sa rest house” –Dice sabay hawak sa likod ni Zoe para alalayan sya sa pag lalakad..

“Te-teka si Schyler pa!” –sabi ni Zoe habang nililingon pa ko

Lumingon din sakin si Dice sabay nag salita “Una na kami pre.. sunod ka na lang” –sabi nya sakin sabay lakad ulit

“Teka Schyler!!” –tawag sakin ni Zoe

Nginitian ko sya sa pag-aalala nya sakin “Ok lang ako susunod ako agad mauna na kayo” –sabi ko sabay kaway sa kanya..

May naalala ko bigla..

Flashback>>>

Pag dating namin dito sa rest house nila Gio sinabi nya na dun pa rin daw sa dati naming room so I decided na umakyat na at dalin yung gamit ko sa room ko dito..

Pagpasok ko agad kong inayos yung mga gamit ko sa cabinet para wala na kong aayusin mamaya..

*tok* *tok* *tok*

“Sino yan?” –tanong ko sa kumakatok sa pintuan

“Pwede bang pumasok?” –sagot ng nasa kabila

“Sige tol” –ako

Pumasok sya agad pagkasabi ko nun..

“Oh” –sabi nya kaya napalingon ako agad sa kanya ng may bigla syang ihagis sakin.. buti na lang nasalo ko agad yun..

My Accidental Boyfriend is a Gangster (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon