Chapter 28

53.5K 729 107

 

Vote anytime.

______________________________________________

Vampire Academy

Chapter 28

STEPHEN LURIS MAIVEN

"Anong nangyari??" pag-aalalang tanong sa kin ni Eliza matapos kong ilagay sa kama si Ciera. Pagkatapos kasi ng insidenteng yun, umuwi kaagad ako sa min.

Hindi pa rin alam ni Mama ang tungkol dito, she is always busy with the Vampire's Association.

"Inatake na naman siya." tipid na sagot ko habang nakatingin sa walang malay na katawan ni Ciera.

Ngayon, mas naging komplikado pa ang lahat. Alam na nila na tao si Ciera. 

"Kasalanan ko 'to. Bakit ko pa kasi siyang pinayagan na pumunta rito at mag-aral. Hindi sana ganito ang mangyayari sa kanya." puno naman ni Eliza at bakas sa mukha nito ang pagsisisi.

"Ganun pa rin ang mangyayari. Spencer si Ciera, magiging bampira pa rin siya." sumabat ako. 

Kahit hindi pumunta rito si Ciera sa Maiven Household o kahit hindi siya mag-aral sa Spencer Academy, nakatadhana na iyon. Magiging bampira siya balang araw.

"Alam na ba niya na hindi siya isang ordinaryong tao lang?" nagsalita na naman ako at tinignan si Eliza ng seryoso. 

Napatigil siya sa sinabi ko at hindi kaagad nakapagsalita.

Halatang hindi pa niya sinabi kay Ciera ang totoong pagkatao nito.

"H-hindi ko pa nasabi sa kanya.." tanging naibulalas nito. Mas lalo pa tuloy naging komplikado. 

Bumuntong hininga na lang ako at pinilit na maging kalmado. "Kailan pa? Mas magiging komplikado ang lahat kung di niyo sasabihan sa kanya." 

Maguguluhan si Ciera at mas lalo magiging mahirap ang lahat.

"Sasabihin ko rin sa kanya pero hindi pa sa ngayon.." 

***

PAULINE VILLANUEVA

Pinagmamasdan ko lang ang pendant na nakuha ko sa may CR. Ito yung pendant na laging suot ni Ciera pero..

.. bakit iniwan niya lang ito sa daan?

"Kamusta?" 

Napahinto naman kaagad ako nang biglang bumukas ang pinto at may nagsalita.